Maira's PoV
Maaga akong lumabas ng bahay namin dahil maglalakad pa ako papunta sa school. Masyado kasing magastos kung sasakay pa ako sa mga pampublikong sakayan para lang makapunta sa isang napakalapit na eskwelahan. Sayang ang pera, magagamit ko pa yun sa pagkain kaya titiisin ko na lang ang pangangalay sa araw araw na paglalakad kesa sa wala akong makain mamayang recess at tanghalian. At isa pa kelangan ko mag-ipon dahil baka bumagyo o lumindol o ano man, wala kaming mapagkakakitaan. Kaya kelangan kong magtyaga para makapagtapos na ako sa pag-aaral na ito at para makapagtrabaho na ako. Para naman maiahon ko na ang sarili ko sa hirap. Gusto ko din ng marangyang buhay, sino bang umaayaw dun?
Habang naglalakad ako ay ganoon na lang ang kaba ko dahil parang may sumusunod sa akin. Kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Syemays baka kidnapin ako.
Natatakot na bulong ko sa aking utak. Kaya mas lalo ko pang binilisan sa paglalakad para naman hindi ako maabutan nung sumusunod sa akin. Pero dahil likas na mas mabilis ang mga sasakyan dahil may mga gulong ito hindi tulad ko na paa lang ang gamit para magkaroon ng displacement ang energy na binubuga ko rito. Binilisan ko na rin ang speed ko pero wala talaga eh, mas mabilis mag accelerate ang mga sasakyan dahil pinapatakbo ito ng mga makina. Kaya ganoon na lang ang gitla ko ng may bumusina na kotse. Pagtingin ko sa likod ay may nakita akong pamilyar na mukha.
"Oyy Maira sabay ka na sakin" nakangiting sambit nito sa akin.
Syemays si Jade lang pala.
Si Jadylyn Mae Rodriguez , isang anak ng engineer at architect. Siya ang isa sa mga best friend ko. Mabait, maganda, mayaman. Pero wag ka may pagkamaldita din yan katulad ng kapatid niya pero slight lang naman, mahiyain pa nga yan eh.
"Hey ate why so tagal?" rinig kong reklamo mula sa sasakyang tumigil.
Si Jacylyn Mae Rodriguez. Ang kakambal ni Jade. Ang malditang Jace. Iyan ang natural na maldita, hindi gayahin ang kakambal niya na inilulugar ang pagmamaldita. Syemays naman oh, magkamukha na nga magkaparehas pang maldita. Buti na lang talaga at may halong bait itong kaibigan ko.
"Shut up Jace" pagsasaway ni Jade sa kanyang kakambal.
"Alam mo ate nagsasayang tayo ng oras dito eh! Ba't mo pa kasi isasabay yang trash na yan ate. Ewww! Like Duh" muling pag-iinarte ni Jace. Pasalamat siya at mabait ako at kabilinbilinan ni nanay ay huwag akong papatol sa maarte dahil magiging katulad nila ako at ayokong maging katulad ni Jace.
"Shut up! She is not trash! Ok? She is a human and my best friend. Better shut your mouth or else you'll walk back home later! " inis na turan ng aking kaibigan sa kanyang kapatid.
"Psshh, whatever" pagsuko naman nito. Napaisip tuloy ako, kamusta na kaya yung driver nila ano? Hindi kaya siya nabibingi sa away nang magkapatid na ito?
Umayos na lamang ng tayo itong si Jace at hindi na kami pinatuunan ng pansin.
Tsk, maldita.
"Oh tara na Maira?" pag-aayang muli sa akin ni Jade.
"Sige wag na lang nakakahiya naman sa kakambal mo" nahihiyang tanggi ko pero mukhang mali ata na ginawa ko yun kasi pinagkunutan niya ako ng noo.
"Sasakay ka o sasakay ka?" eto na nga, porket hindi masyadong matao rito ay nagtaray na itong si Jade. Okay so binabawi ko na yung mabait.
"Pero dadaanan ko pa si Scian eh" pagpapalusot ko, ayan patay na ako kay Scian nito dinamay ko pa siya. Kasi naman ayaw ko lang talaga makasabay si Jace, hindi sa nag-iinarte o ano pero ang maldita niya kasi eh.
Si Scian Ashley Hernandez. Anak Ito ng mga doctor. Mabait, maganda, matalino, sexy at balita ko'y type siya ng Bad Boy.
"Ahh yun lang ba?" tanong niya, tumango ako "Ok sige ipapadaan ko nalang kay manong" nanlumo ako sa sinabi niya, akala ko makakatakas na ako. "Oh ano pang tinutungaga mo dyan? Tara na! " sabi niya sabay hila niya sa akin papunta sa kotse.
Wala na lagot na ako.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nina Scian nanlaki ang mata niya at gulat na gulat.
"Ba-"
"Hi Scian sabay na tayong lahat ha? Miss ko na kayo eh. Total maaga pa naman pasyal tayo mamaya sa school ah! " putol ko sa sasabihin niya. Nagpapalusot lang hehe.
"Aah okay" maikling sabi nito, na tila'y nakakunot pa ang noo sa akin. Halatang nagtataka.
'Sorry Scian kung nagsinungaling ayaw ko lang naman na pagtarayan ulit ng kakambal ni Jade. Para naman kahit papaano ay may karamay ako sa nangyayari ngayon. Babawi ako sayo, pramis' sabi ko sa isip ko.
Gaya ng sabi ko ay namasyal muna kaming tatlo sa campus. Kaming tatlo lang kasi nagmamadaling umalis yung si Jace halatang ayaw niya kaming kasama. Well kami din naman hehe.
Tahimik lang kaming naglalakad ng,
"Oyy Maira bakit niyo ako sinundo ah? Ayaw mo na namang sumabay sa kambal noh? " pambasag ni Scian ng katahimikan. Natigilan ako, talagang kilala niya na talaga ako. Hayy naku wala na akong lusot dito. Demanding pa naman itong si Scian kapag nagtanong yan dapat kelangan may sagot kaagad.
"Kaya pala Maira ah? Alam mo wag mo ng pansinin si Jace baka may regla lang yun" sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Jade na kalokahan.
"Ahmm hindi naman sa ganun Jade" matawa tawa ko pang sabi "Nahihiya na kasi ako sayo eh lagi mo na lang ako sinasabay simula pa nung Grade 7 tayo. Alam mo yun halos 2 years mo na akong sinasabay. Duh! Grade 9 na tayo ngayon nuh! Nakakahiya na sobra! " angal ko sa kanila, naiiyak nako dito legit. Syemays Maira anong arte yan?
"Kung yun yung dahilan mo para san pa at naging magkaibigan tayo?" nagtitimping sagot ni Jade sa akin, naiiyak na ako galit na siya sa akin.
"Oo nga naman Maira, What are friends for diba?" dugtong ni Scian. Pinapagaan niya loob ko ah, sabagay may punto din naman siya para san pa nga ba ang mga kaibigan?
"To help each other?" patanong kong sagot.
"Exactly!" sabay nilang sabi.
"Don't be shy Maira we're here for you" seryosong sabi ni Scian.
"At higit pa sa pagsabay ko sayo araw-araw ang kaya kong gawin Maira. We're Best Friends Forever right?" that's Jade in her jolly voice.
"No left" natatawang sagot ko.
Tumawa kami ni Scian samantalang si Jade ay nakatingin sa akin ng seryoso. I'm just joking lang naman eh ito talaga si Jade napaka seryoso.
"Ok fine!" putol ko sa pagtawa namin. "We're......." sabay lagay ng kanang kamay ko sa gitna at ganoon din sila.
"BEST FRIENDS FOREVER! " sabay sabay naming sigaw habang ang kamay namin ay nasa taas na.
Sobra akong nagpapasalamat kasi palagi silang nariyan para sa akin. Napaka swerte ko sa kanila, sana lang walang katapusan itong pagkakaibigan namin. Kasi kung sakali, hindi ko kakayanin. Iniisip ko pa lamang parang nanghihina na ako. Hindi ko kakayahin na hindi sila maging parte ng buhay ko. I can't leave without my bestfriends, I can't leave without Scian and Jade, I just can't.
Hay ano ba itong mga iniisip ko alam ko naman na wala silang gagawin na ikasisira ng friendship naming tatlo. I trust them so much. At naniniwala ako na magtatagal ang pagiging magkakaibigan namin. We are Best Friends Forever, diba? Yeah, we're Best Friends Forever until our last breath. Best Friends Forever.
Dear Heart,
Kahit ilan pang kaibigan ang dumaan sa buhay ko sila pading dalawa ang mangunguna sa'yo heart. Si Jade at Scian ang pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa buong buhay ko. Mawala na ang lahat ng kaibigan sa mundo wag lang silang dalawa.
-Maira.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...