Chapter 2

13.1K 770 896
                                    

"Sam, gising!" dinig kong boses ni Zia.

Kunot ang noo akong nagmulat ng mata saka s'ya nakitang inuuga ako. Tinapik ko ang kamay n'ya saka akmang dadapa nang makaramdam ako ng kirot sa kamay ko.

Shet, yung dextrose.

Muli nalang akong napatihaya, iniisip kung anong oras na ba at bakit si kami ni Zia lang ang gising sa paligid. Inis kong nilingon si Zia sa gilid.

"Ano ba?" reklamo kong tanong, "Ganda-ganda na sana ng panaginip ko, eh."

"Gala tayo sa hospital," mahina n'yang sabi.

Gulat akong napabangon saka s'ya nilingon, talagang seryoso ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin. Kunot noo ko lang s'yang tiningnan.

"Nahihibang ka ba?" tanong ko.

"Maganda daw magikot-ikot sa hospital kapag gabi," talagang excited na aniya.

"Tumigil ka nga," suway ko sa kan'ya saka ako muling humiga.

Ngunit buong pwersa n'ya akong ibinangon, talagang nagdadabog s'yang naupo at humarap sa akin. Inis ulit akong tumingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong klaseng kaluluwa ang sumanib sa kan'ya ngayon at naiisip n'ya ang gan'yang klaseng kalokohan.

"Bakit ba gusto mong gumala-gala?" tanong ko, "Anong oras na ba?"

"Alas tres."

"Ng hapon?"

"Madaling araw."

Mas napanganga ako. Hindi ako makapaniwalang gusto talaga n'yang ituloy ang pinaplano. Sa itsura n'ya ay mukhang hindi talaga s'ya nagbibiro. Nawawalan ako ng pagasang makakatanggi ako sa babaeng 'to.

"Saan?" umayos ako ng upo.

Ayon na s'ya at lulundag-lundag sa tuwa ngunit tikom ang bibig upang hindi makagawa ng ingay. May nga Nurse parin naman sa paligid kahit ganitong oras kaya hindi na nakakatakot. Hindi rin naman ako naniniwala sa multo kaya walang mawawala kung papayag ako sa gusto ng babaeng 'to.

"Doon tayo sa hallway papuntang morge," aniya.

Halos mapa-upo ako sa narinig, napapalunok na amang akong tumango. Malalim ang hininga akong tumayo at nag-unat ng katawan, alam kong mapapagod rin agad si Zia kakalakad kaya paniguradong saglit lang kaming gagala doon.

"Paano itong dextrose?" tanong ko.

"Nakakaladkad 'yan, tanga," aniya saka kinaladkad ang kan'ya, "May gulong 'to, ignorante ka ba?"

Inirapan ko lang s'ya saka ako sumunod sa paglalakad. Wala na akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko, ipinagpapasalamat ko iyon. Ngunit sa gagawin naming pag gala sa hospital ay mukhang lalagnatin ako pagkatapos. Bumuntong hininga na lamang ako saka patuloy na sumunod kay Zia.

"Alam mo ba, dati daw na simenteryo 'tong hospital," kwento n'ya.

"Talaga?" gulat kong tanong.

"Oo, pinilit daw na bilhin ang lupa na 'to para patayuan ng hospital. Kaya sabi nila, marami daw talagang ligaw na kaluluwa dito," marahan n'yang kwento.

"Baka kwentong barbero lang 'yan," nagiwas ako ng tingin.

"Isa sa mga professor natin ang nagkwento, kaya talagang papaniwalaan  ko," ngumiwi s'ya.

"Tinatakot mo ang sarili mo, baka nakakalimutan mong dito ka nagtatrabaho balang araw," paalala ko sa kan'ya.

"'Di ka sure," aniya na itinuro pa ako, "Pwede naman ako kahit saan, all purpose naman ako," pagmamalaki n'ya.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon