Nasa bus na kami habang bumabyahe patungo sa University, lahat ay sabik dahil muli na kaming makakabalik doon. Ako naman ay seryoso lang na nakatingin sa bintana, tinitingnan ang bawat madaraanan. Hindi ko pa rin maiwasang malungkot, hindi ko maiwasan ang makaramdam pa rin ng kirot ano mang pilit kong kalimutan saglit ang lahat. Hindi na yata ako makakahinga ng maluwag gaya ng dati, labis ang bigat sa dibdib na idinulot sa akin ng mahigit isang linggo ng pananatili namin sa hospital.
"Grabe nakaka-excite!" kinikilig na sabi ni Zia sa tabi ko.
Nilingon ko lang s'ya saglit saka ako muling lumingon sa bintana. Wala ako sa mood para makipagbiruan o ano pa mang ikatutuwa n'ya, pakiramdam ko ay tinurokan ng anesthesia ang mukha ko dahil wala akong maipakita kahit kaunting emosyon.
"Ikaw, hindi ka ba excited?" batid kong ako ang tinatanong ni Zia.
Bumuntong lang ako, "Hindi."
Hindi na s'ya nagsalita ulit, hula kong nakanguso na s'ya habang masama ang tingin sa akin. Hindi ko pa s'ya kayang sabayan sa kalokohan ngayon, hindi pa talaga maayos ang isip ko. Pakiramdam ko ay lutang pa rin ako, sabaw, lumilipad ang isip.
Hanggang kailan ako ganito.
Ilang minuto lang ang lumipas, ay naramdaman kong huminto ang bus. Saka ko napagtantong ang paligid na pala ng SIU ang tinatanaw ko. Natigil ako habang tinitingnan ang kabuoan ng parking lot, napakaramig estudyante rito na nasisiguro kong high school students.
Nagsibaba na ang lahat, ganoon rin ako na nakasunod kay Zia. Nang makababa kami ay sa amin agad inilipat ang paningin ng lahat, paniguradong nagatataka sila kung saan kami nanggaling at bakit kami narito. Dalawang bus kase ang na-occupy naming lahat, at hindi na kami magtataka kung hindi nila kami kilala isang beses lang sa isang taon kaming nagkaasama sa iisang event. Ang event na ito lang.
At hindi pa kami naka-uniform.
"Hi students!" sigaw ni Zia.
Nagtatakang napatingin sa kan'ya ang ibang mga estudyante na nakarinig, ang mga kaklase ko naman ay naglakad na. Naglakad nalang rin ako at iniwan s'yang parang timang na kumakaway sa mga estudyanteng naroon na hindi s'ya kilala.
Diretso naming nilakad ang daan papunta sa astrodome ng University, malayo pa man ay batid naming naroon na ang lahat ng estudyante. Paniguradong hindi pa nagsisimula ang awarding dahil puro ingay lang ng estudyante ang naririnig namin. Hindi ko rin alam kung bakit mas pinili nilang dito ganapin ang awarding kesa sa theatre nalang.
"Bakit sila nandito?"
"'Diba nasa hospital sa?"
"Wala naman silang award."
"Baka nagpumilit umattend?"
Kabilaan ang bulongan ng iba't-ibang estudyante sa paligid. Wala pa man ay iyon agad ang salubong sa amin, hindi ko na lamang pinansin ang mga iyon.
"Oh, here they are," biglang boses ng lalaki ang namutawi mula sa mga speaker na naroon.
Nakita namin ang isang Professor na nasa amin na ang paningin, ang lahat ng naroon ay kakikitaan ng gulat sa mga mata. Maging kami, hindi lang ako, ay paniguradong nakakaramdam rin ng gulat dahil tila hinihintay nila kami.
"Please give way for the nursing students," anunsyo nitong muli.
Ang halos lahat ng estudyante ay nasa amin ang tingin, ang ilan ay nagbubulongan. Iilan rin sa mga estudyante ay masama ang tingin, nagtataasan ang mga kilay. Hindi ko na lamang pinansin, diretso naming pinuntahan ang nakalaan na pwesto para sa amin. Ngayon lang siguro nangyari na binigyang halaga nila ang presensya ng nursing students, dahil mukhang nagtataka pa rin ang itsura ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...