"I don't know what happened to her."
Hindi ako nakagalaw sa mga salitang binitawan ni Vrel, parang pinompyang ang tenga ko. Hindi ko namalayan ang pag-angat ko ng tingin, saka ko pinanuod si Vrel na maglakad paalis. Hindi ako makapaniwalang nasabi n'ya iyon nang hindi ako iniisip, na para bang wala talaga s'yang pakealam.
Dinig ko ang ingay sa paligid, ang iba ay nagtatawanan. Sila Loceanne ay batid kong tumatawa na rin dahil sa narinig. Hindi ko na alintana ang mga sinasabi nila sa akin, ang atensyon ko ay nasa daan lang na tinahak ni Vrel kanina.
"See? Gumagawa ka lang ngkuwento," dinig kong sabi ni Loceanne, "Hindi ka lang pala attention seeker at sympathy seeker, you're also a story maker."
"Gawa-gawa kuwento!"
"Oo nga gawa-gawa!"
"Attention seeker!"
Hindi na matigil ang mga sinasabing iyon sa akin ng iba sa mga estudyanteng nanunuod. Ngunit hindi ako makaramdam ng kahit na ano tungkol sa mga 'yon, ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga sinabi ni Vrel.
"Manahimik na kayo pwede ba?" inis na tanong ni Zia, "Lubayan ninyo kami!"
"Sa ginagawa ninyo ay kayo ang nagmumukhang attention seeker!" ani Andy sa kanila, "Mga bruha kayo."
"Ouchy," maarte pang daing ni Loceanne na kunwaring nasaktan.
"Hoy tama na 'yan!" dinig kong boses ni Everest mula sa malayo.
"Who is he?" tanong ni Loceanne.
Saka ko nilingon si Everest kasama ang mga kaklase n'yang lalaki. Dala pa nila ang kan'ya-kan'yang baonan na tila kakatapos lang kumain, matapang silang tumakbo papunta sa harapan ko saka nila hinarap sila Loceanne at mga kasama nito.
"Tama na 'yan!" sigaw rin ng isa sa mga kaklase ni Everest, "Napaka maldita n'yo talaga!"
"You're so young para makisali dito, shu!" pagtataboy pa ni Loceanne sa kanila.
"Mas matured pang magisip 'yan kesa sa'yo," sabat ni Andy.
"Napaka maldita mo!" sigaw sa kan'ya ni Everest, "Bakit ba inaaway ninyo si Ate ganda? Hindi naman n'ya kayo inaaway."
"Ate gan— what!?" tanong ni Loceanne saka sila nagtawanan.
"Ate ganda s'ya kase maganda s'ya!" tugon ni Everest.
"Oo nga! Saka matalino!" sabat rin ng mga kaklase n'ya.
Nakaramdam ako ng tuwa dahil do'n, matapang talagang nakaharang sa akin sila Everest at mga kasama nito na tila handa sa kung anong mangyayari.
"I don't think so, she cheated noong calculus competition if you don't know," saad pa ni Loceanne sa kanila.
"Hindi totoo 'yan!" ani Everest sa kanila, "Masama ang manira ng ibang tao, hindi kayo makakapasok sa langit."
"Hindi naman nakalista ang pangalan nila do'n," mataray na sabat ni Andy.
"Ikaw mukha kang chanak!" sigaw ng isa sa mga kaklase ni Everest kay Loceanne, "Ang pangit mo!"
Gusto kong matawa ngunit hindi pa rin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Vrel kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sundan s'ya, hindi ko na kayang tiisin ang ganitong ugali n'ya sa akin. Hindi ko s'ya maintindihan, kumg hindi ko s'ya kakausapin ay talagang hindi ko s'ya maiintindihan. Pinilit kong bilisan ang paglalakad upang mahabol ko si Vrel. Hindi ko na pinansin ang sugat ko na unti-unti na namang kumikirot.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...