Chapter 43

6.4K 425 123
                                    

Nananatiling naka-protekta sa akin si Renz laban sa mga babae na ngayon ay nananatili pa rin ang masamang tingin sa aming dalawa. Tila ba desidido talaga silang gawan ako ng masama.

"Bakit mo ba ipinagtatanggol 'yan?" inis na tanong ng babae.

"She's my ex," malumanay ngunit mariing tanong ni Renz sa babae, "You're crazy, Loceanne."

Ang babae naman ay natitigilan, ngunit hindi pa rin nawawala ang galit sa tingin. Umirap ito matapos ilipat-lipat sa aming dalawa ni Renz ang paningin. Nanatili akong walang imik habang nilalabanan ang masamang tingin nila sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gumanti, hindi sapat na rason ang pagkapanalo ko para do'n.

"Get lost," inis na sambit ni Renz sa mga ito.

"You still seem to have feelings for her," mataray nitong saad saka ako tiningnan, "Ano kayang masasabi ni Brynn kapag nalaman n'ya 'to?" gumuhit ang nagbabantang ngiti ng babae.

Nangunot na lamang ang noo ko, hindi ko kilala ang Brynn na tinutukoy n'ya. Ngunit kung sino man 'yon ay paniguradong konektado o kakilala ito ni Renz. Nang tingalain ko si Renz ay galit na ang makikita sa mga mata n'ya habang nakatingin sa mga babae.

"You're crazy," sambit ni Renz, "Kung ibang tao ang nakakita sa inyo dito, paniguradong gagawin din nila 'tong ginawa ko. That doesn't mean I still have feeling for her."

Tumaas ang kilay ng babae, "Chill, Aian Terenz," maarte nitong sambit, "Kung wala, bakit parang natatakot ka?"

"Shut up," talagang inis na sambit ni Renz.

Inilipat ng babae ang paningin sa akin, "Or baka naman kaya ka natatakot ay dahil... you secretly dating each other,"

"Hindi!" agad akong umangal.

"Defensive, hmm," maarte ulit nitong baling sa akin.

"Kapag hindi ka pa rin umalis, I'll report you to the Dean," banta ni Renz.

"Chill," maarte na namang dagdag ng babae, "Secrets will still come out no matter how deep you burry them," ika nito saka nilingon ang mga kasama, "Let's go."

Tinapunan pa muna nila kami ng tingin bago sila tuloyang umalis. Malalim ang buntong hiningang binitawan ko dahil doon. Hindi ko sila kilala, at wala akong ideya kung sino sila. Hindi ko sila nakikita sa campus o kahit saang bahagi ng University.

"Are you okay?" nagaalalang tanong ni Renz.

Seryoso ko s'yang tiningnan saka ako tumango, "Oo, salamat."

"Stay away from them next time," aniya.

"Sila ang biglang sumulpot," seryosong sagot ko.

Tiningnan n'ya lang ako, iniwas ko na lamang ang tingin sa kan'ya. Talagang nanunumbalik ang ala-ala ng mga nalaman ko tungkol kay Renz. Nagpapasalamat ako sa ginawa n'ya, ngunit hindi mabubura no'n ang galit sa puso ko. Pinagpagan ang sarili dahil may kung anong buhangin pa ang bote na 'yon. Nakakainis, imbis na sana ay maayos na ang pakiramdam ko kanina. Bigla ay nakaramdam na naman ako ng panghihina, galit, at halo-halo pang mga pakiramdam.

"I'm sorry about her, she's really a freak," aniya sa akin.

"Halata naman," seryosong tugon ko.

"Why are you here?" kalaunan ay tanong n'ya.

Agad ko namang naalala ang pakay ko kung bakit ako lumabas, "Hindi mo na kailangang malaman, mauna na ako."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon