"Goodafternoon mga teh," kararating lang ni Andy.
Ito na ang araw na kinasasabikan naming tatlo. Pagkatapos kong makita ang gown na susuotin ko kahapon ay hindi na ako mapakali. Nakakatuwang tumaas ang tiwala ko sa sarili dahil na rin sa suporta ng dalawa kong kaibigan.
"Nadala mo ba ang mga make up mo?" tanong ni Zia kay Andy.
"Oo teh, don' worreh nasa limousine ko nakaparada sa labas," aniya saka naupo sa kama ni Zia.
Natawa nalang ako sa kan'ya saka ko muling kinalikot ang calculator na hawak ko. Sayang kase ang oras kung ibababad ko lang ang sarili ko sa pahinga at tulog, mas maayos nang tutokan ko ang pagsasanay ko sa calculus.
"Kamusta ang beauty rest?" tanong ni Andy sa amin.
"Ewan ko dito kay Sam kung nagpahinga ba 'to o nagsolve lang ng nagsolve buong gabi," nakangiwing turo sa akin ni Zia.
"Hoy teh," sambit sa akin ni Andy, "Hindi qualified sa event and Juliet na may eyebags."
Inirapan ko sila saka ako natawa, "Natulog naman ako kagabi, at saka nasasayangan kase ako sa oras ngayon."
"Ilang buwan pa 'yang contest na 'yan, ano ba naman yung magpahinga ka muna ngayon? Kalmahan mo teh," ngiwi rin ni Andy.
Natawa nalang ako saka itinuloy ang pagbabasa sa libro na ibinigay sa akin ni Andy noong isang araw. Nakakasanayan ko na kaseng ibuhos ang oras ko sa pagintindi sa kung ano man ang dapat kong aralin. Kung ang goal nila ay maging Juliet ako mamaya sa event, ang goal ko naman ay ang manalo sa darating na contest.
"Anong oras daw magsisimula ang event?" kalaunan ay tanong ko.
"Magsisimula daw ng 10 pm, pero dapat ay nandoon na tayo bago mag 10 pm," tugon ni Zia.
"Grabe, 10 pm talaga? Ang tagal teh can't wait ako," reklamo ni Andy.
"Hindi mo ba nabasa ang post nila sa page ng SIU? Kahit nga ako ay nagulat. Pero wala tayong magagawa dahil 8 pm pa darating ang Dean sa Pilipinas, ang 2 hours ay ibinigay sa kanila para mag-ayos," paliwanag ni Zia.
Napatingin ako kay Zia sa sinabi n'ya, naitigil ko ang ginagawa.
Kanila?
"Kanila? Sinong kasama?" tanong ko.
"Hindi ko alam, ayon ang naka post sa page eh. Them daw," tugon ni Zia.
Naiwas ko na lamang ang tingin, ngunit kalaunan ay bumuntong hininga nalang rin. Naalala kong kasama nga pala ng Dean si Reika, at kung hindi si Vrel ay baka si Reika ang tinutukoy nila. At kung papalarin ay baka silang dalawa ang kasama.
Bago pa man lumalim ang iniisip ko ay winaglit ko na iyon, hindi ko gustong umasa dahil hindi ko gusto ang pakiramdam ng mabigo. Hindi ako dapat na maghangad ng bagay na walang kasiguradohan. Dalawang buwan lang ang lumipas, at hindi ako sigurado kung kaya na bang magpagaling ni Vrel sa loob lang ng dalawang buwan.
"Tulala ka d'yan teh?" nagulat ako nang sumulpot ang mukha ni Andy sa harap ko, "May problema teh?"
Agad akong umiling, "W-Wala."
"Umaasa ka teh?" hindi pa rin s'ya umaalis sa pwesto.
"H-Hindi, ano ba," sagot ko saka hinawi ang mukha n'ya, "Ayaw kong umasa dahil baka hindi mangyari ang inaasahan ko."
"Malay mo naman 'diba," ani Zia na lumapit pa sa akin, "Walang imposible, Sam. At saka kung sakaling wala man s'ya do'n ay ayos lang dahil babalik pa rin naman s'ya."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Novela JuvenilSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...