Nakatulala pa rin ako, halos tumigas na ang kanin sa plato ko dahil hindi ko pa ito nauubos. Nang lingonin ko si Aling Dalia ay nasa akin na ang mga tingin nito, tila naiintindihan n'ya ang gulat na nararamdaman ko.
Hindi lamang ang tungkol kay Mama at Dean ang ikinagulat ko sa mga narinig, kundi magin ang tungkol sa pagpapatayo ng SIU kung saan pagmamay-ari rin pala noon ng mga magulang ni Mama.
"Ang sabi po ninyo ay ang Lolo at Lola ko ang isa sa mga nagpatayo ng SIU, ibig sabihin ay mayaman po si Mama?" diretsong tanong ko.
Hindi man kami naghihirap, ay hindi ko rin nakikita ang labis na karangyaan sa pamumuhay namin ngayon. Iba ang buhay namin ngayon kumpara sa yaman ng ibang tao, masyadong malayo ang agwat nito para sa akin.
Ngumiti sa akin si Aling Dalia, "Kulang ang salitang yaman para sa kanila."
Ayon na naman ang saglit na pagiging tulala ko bago natauhan, "Pero, bakit po hindi ko nakikita ang Lolo at Lola ko? At bakit ganito ang buhay namin kung mayaman si Mama?"
"Mas pinili ni Alessia na lumayo sa kanila," tugon ni Aling Dalia, "Pinili n'yang umalis sa puder ng mga magulang n'ya upang mabuhay mag-isa, alam kong hindi iyon magiging madali kaya sinamahan ko s'ya."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Aling Dalia, talagang noon pa man ay tapat na s'ya. Hindi ka parating makakakita ng isang tao na sasamahan ka sa lahat, ang tao na handa kang gabayan. Hindi ko man alam kung paano ang pagaalagang ginagawa ni Aling Dalia kay Mama noon, ay sigurado akong busilak iyon gaya ng pagmamahal ng kahit na sinong magulang sa mundo.
"Pinili n'yang mabuhay ng simple, pinakasalanan n'ya si Felix nang walang basbas ng Don at Doña," saad ni Aling Dalia, "Labis ang tuwa ko dahil nakikita kong totoo at busilak ang pagmamahal ni Alessia kay Felix, natuto s'yang muling magmahal ng lubos."
Napangiti ako sa katotohanang iyon, hindi kami magiging ganoon kasaya dati kung hindi totoo ang pagmamahal na mayroon si Mama at Papa. Nasira lamang iyon noong umalis si Papa upang mangibang bansa, mula noon ay nakaramdam na ako ng mali at kulang. Lalo pa dahil sa rason ng pag-alis ni Papa na kamakailan ko lanang rin nalaman.
Napakurap ako saglit nang pumasok ang isip ko ang mga sinabi ni Vrel sa akin noon. Na sinira ni Mama ang relasyon ng Dean at ng Mommy n'ya, wala sa nabanggit ni Aling Dalia ang tungkol doon.
"Pero," paunang sambit ko, "Bakit po nila sinasabing kabit ng Dean si Mama? A-Ano po ang nangyari?"
Hindi rin agad nakasagot si Aling Dalia, ako naman ay nakatingin lamang sa kan'ya habang naghihintay ng sagot. Gusto kong matuldokan ang lahat ng pagtataka at tanog sa isip ko.
"Sa palagay ko ay si Alessia lang ang makakasagot n'yan," ngumiti si Aling Dalia sa akin.
Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung paano pa haharapin si Mama dahil hinayaan ko ang sarili kong unahin ang galit noong araw na malaman ko iyon. Bumuntong hininga na lamang ako saka ngumiti rin kay Aling Dalia, kalaunan ay tumayo s'ya saka lumapit sa akin upang tapikin ang balikat ko.
"Ubosin mo ang pagkain mo, kailangan ko pang labhan ito at isampay," sambit ni Aling Dalia.
Saka n'ya muling kinarga ang basket at diretsong nagpunta sa likod ng bahay kung saan sila naglalaba ni Mama. Buntong hininga na lamang ang nabitawan ko, saka ako nagpatuloy sa pagkain. Nawala man ang bigat at lungkot na nararamdaman noon pa man, ay napalitan naman iyon ng mga palaisipan at pagtataka.
Ilang minuto ang lumipas ay umakyat na ako upang dumiretso sa kwarto ko at magpahinga. Ito ang paboritong parte ko ng pag-uwi sa bahay, ang paghiga sa kama ko. Sa pagod ay nakahiga kong tinanggal ang uniform ko, mabuti na lamang at may saplot ako panloob kaya hindi ko na muna kakailanganing tumayo upang magpalit.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...