Chapter 90

7.5K 510 504
                                    

VREL'S POV.

We're getting ready for our flight pabalik ng Pilipinas. Hindi ako nasasabik, walang rason para manabik. Inilusot ko ang huling butones ng suot kong black polo. I sprayed my perfume before wearing my patel philippe watch. Agad na akong bumaba sa hagdan pagkatapos.

Hindi ko na kailangan ng alalay, I recovered so fast. Gumaling na ang tahi ko at muling tumubo ang buhok ko. I used to wear a cap to cover my wound everytime we need to go outside to exercise. Kailangan ko nalang magpatuloy sa pag-inom ng gamot at iba pang kakailanganin. I still need to take care of my body, specially my head. Sa mahinang untog lang ay baka bumalik ang pingpong ball ko sa ulo.

Pingpong ball...

Natigil ako sa paglalakad, that thing is familiar. Pero hindi ko alam kung saan ko nakuha ang bansag na iyon. Muli na lamang akong naglakad pababa ng hagdan saka ko nakita sila Dad, Reika, at Kalia (Kaliya) na naghihintay sa akin. Naroon na rin si Mr. and Mrs. Rioflorido. Mukhang ako nalang ang hinihintay.

"Son," bati sa akin ni Dad, "Are you ready?"

"Yeah," tipid akong ngumiti.

"Have a safe flight, Vinicio," sambit ng Don.

Agad namang ngumiti si Dad sa kanila ay yumakap, ganoon rin si Reika. Si Kalia naman ay agad na tumabi sa akin habang ang tingin ay nasa dalawang matanda. Hindi ko na lamang sila pinansin. Nilingon ko ang mga maleta at iba pang bag sa likuran namin.

Sa hindi kalayuan ay natanaw kong naglalakad papasok si Doc. Stephen, finally I can remember him. He's my Doctor since I was a kid. Without any hesitations, he came here in states for me. S'ya ang isa sa pinaka-magaling na Doctor na kilala ko, hindi na ako nagtaka na kaya n'yang makipagsabayan sa mga Doctor dito.

"You look good," lumapit s'ya sa akin.

"I always look good," bahagya akong natawa, "Nakabili ka ba?"

Natawa s'ya saka tumango, "Nasa kotse na."

"That's cool," sambit ko.

Saglit pa s'yang natahimik saka lumapit sa akin, "Para kanino ba 'yon?"

"What?" inosente kong tanong.

"Those flowers," nilingon n'ya pa ang pinto kung saan tanaw ang gagamitin naming kotse, "Are you courting someone?"

"No," agad kong tanggi saka umiwas ng tingin, "That's for my Mom."

"That plenty?" may pagdududa sa tanong n'ya.

"Yeah, hindi ko titipirin ang Mommy ko," saad ko bagaman medyo naiilang.

Marahan s'yang tumango na tila hindi pa rin kumbinsido saka ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa. Nang magpunta na kami sa kotse ay agad na lumibot ang paningin ko, hindi ko makita ang bulaklak. I don't where did he put the flowers, I'm worried dahil baka malanta iyon.

"The flowers are safe," sambit sa akin ni Doc. Stephen nang makasakay s'ya.

Hindi na ako nagsalita pa, I trust him about the flowers. Nang makasakay na sila Reika at Dad kasama si Kalia na hanggang ngayon ay  nakabusangot pa rin ang mukha. Hindi ko na pinansin ang paligid. I looked through the window habang nasa byahe, this country is amazing. Halos lahat ng nakikita ko ay kakaiba.

Well, this is a fast developing country, what should I expect?

We already arrived at the airport, agad nang ibinaba ang mga dala namin. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakasakay na kami ng eroplano, Mr. and Mrs. Rioflorido has a huge share on this airline company kaya nabigyan kami ng special treatment.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon