Chapter 34

7.6K 460 152
                                        

Kinabukasan ay mabigat ang katawan ko nang bumangon ako, mukhang maaga pa dahil nang lingonin ko si Zia ay tulog pa ito. Ang ilan sa mga kaklase ko ay tulog rin. Nag unat na lamang ako ng katawan saka sandaling hinayaan ang sariling maupo at tumitig sa kawalan.

Ilang sandali pa ay tumayo ako upang muling mag unat ng katawan, mas maganda siguro kung magpapa-araw ako ng ganitong oras. Paniguradong hindi pa masyadong mainit at masarap sa pakiramdam ang hangin sa garden.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, agad kong tinahak ang daan patungo sa elevator. Mabigat ang bawat hakbang ko, dahil siguro ay kagigising ko lang at may antok pa rin na hindi naaalis sa katawan ko. Nang makarating ako sa roof top ay tama ang hula ko, napakasarap nga talaga ng hangin sa ganitong oras. Wala masyadong tao, maliban na lamang sa mga batang pasyente na pinaaarawan rin ng mga kasama nilang Nurse.

Muli kong pinatunog ang iba't-ibang parte ng katawan saka naglakad patungo sana sa parati kong pwesto, ngunit nakita kong naka upo doon ang Dean. Sa sandaling 'yon ay hindi ako agad nakagalaw, tinitigan ko muna ito habang nasa tanawin rin ang paningin. Hindi ko alam kung tutuloy ako sa paglalakad o babalik na lamang sa pinanggalingan. Ito na naman ang hindi maipaliwanag na kaba.

Patuloy pa rin sa pagtatalo ang isip ko kung ano ang dapat gawin, nananatili akong hindi makagalaw. Ang agwat namin ng Dean ay sapat na para mapansin n'ya ako sa kaunting galaw ng mata n'ya. Ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng gulat nang ilipat ng Dean ang paningin sa akin. Ayon na naman ang pamilyar na tingin, ang tingin na alam kong nakita ko na noon pa.

Ang mga tingin ni Vrel...

Doon ay nasagot ko na ang tanong kung kanino ko nga nakita ang mga tingin na 'yon, kung kanino ko naramdaman ang parehong pakiramdam. Talaga ngang mag-ama sila, dahil sa tingin palang ay sobra na ang pagiging pareho nilang dalawa.

"Do you need anything?" malalim ang boses na iyon ng Dean.

Hindi ako agad nakasagot, ang mga tingin ko ay nananatiling nasa mga mata n'ya rin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot, nananatili rin ang kaba sa pakiramdam ko. Kalaunan ay humugot ako ng malalim na hininga saka lakas loob na naupo sa kalapit na upoan katabi ng kan'ya.

"Ang presko po ng hangin," nakangiti kong sambit, malayo sa tanong n'ya.

Hindi sumagot ang Dean, tahimik n'ya lang na iniwas ang tingin sa akin. Ilang sandali pa ang itinagal ng pananahimik n'ya bago s'ya tumikhim.

"How are the other students?" kalaunan ay tanong n'ya.

Saglit ko s'yang nilingon, hindi ko inaasahang itatanong n'ya iyon. Napakurap ako nang mapansing tumatagal na ang pananahimik ko, marahan akong tumango.

"Okay na po kaming lahat," tugon ko, "Ang alam ko po ay ayos na rin ang isa naming kaklase na naging kritikal."

Hindi sumagot ang Dean, kalaunan ay tumango lang s'ya bilang tugon. Kung gaano katahimik si Vrel ay doble no'n ang Daddy n'ya, kahit papaano kase ay nagkukuwento sa akin si Vrel, ang Dean ay mukhang hindi alam kung paano makipagdaldalan. Nananatili pa rin s'yang tahimik habang nasa paligid ang paningin, pareho naming mainam na tiningnan ang tanawin.

Kalaunan ay hindi na ako nakatiis, alam kong hindi na muling magsasalita ang Dean kaya kailangan kong umisip ng sasabihin.

"Ahm, k-kaibigan po ako ng anak ninyo," hindi ko napag-isipan ang sinabi kong iyon.

Nilingon ako ng Dean dahil doon. Pinilit kong hindi ipahalata ang gulat sa sarili kong sinabi, nanumbalik ang kaba na sana ay hindi ko na nararamdaman kanina.

"How?" tipid at seryoso n'yang tanong.

Saglit pa akong natahimik, saka ako humugot ng malalim na hininga upang ihanda ang isasagot.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon