Chapter 51

7.5K 429 149
                                    

AUTHOR: Wala na inabot na tayo ng Nov 1, kayo kase eh. Char, nanisi. Continue ulit, more updates today, excited na rin akong magkita sila ulit.
________________________

Patuloy ko pa ring inilalayo sila Zia at Andy mula sa mga 'yon. Saka lang ako huminto nang masigurado kon hindi na magkaka-abot ang mga boses at paningin nila. Kilala ko kung gaano kalakas ang fighting spirit ni Zia, kaya alam kong hindi s'ya magpapatalo sa ganito kasimpleng away. Lalo pa si Andy na halos mapunta na sa noo ang kilay.

"Sino ba 'yon? Akala mo pagkaganda," naiirita na tanong ni Andy.

"Kilala ko yung dalawa do'n, si Loceanne at Brynn," napangiwi si Zia, "Dati pa talagang bully ang mga 'yon, basta makakita sila ng kahit na sinong hindi pasado sa standards nila ay aapihin nila."

"Hindi rin naman nila naabot ang standards ko 'no," palaban na sambit ni Andy.

Kagaya ng sinabi ko, ay talagang hindi magpapatalo itong dalawa. Kung si Zia lang ang kasama ko ay kakayanin ko pang pigilan s'ya, ngunit ngayong kasama na namin si Andy ay mukhang silang dalawa na ang magkakaintindihan. Napailing nalang ako, muli kong nilingon ang gawi kung saan namin iniwan sila Renz kasama ng mga babaeng 'yon saka ko nilingon sila Andy at Zia.

"Hindi ko alam kung anong problema nila," napangiwi ako, "Kanina ay hinarang rin ako ng grupo na 'yon."

Nakita kong tumuwid ang mga tenga ng dalawa habang nasa akin ang tingin.

"Anong ginawa sa'yo?" iyon na ang sabay nilang tanong.

"Wala naman," bumuntong hininga ako, "Hindi lang daw nila inasahan na ako ang mananalo."

"Mga pabida ng taon ang mga 'yon," inis na sambit ni Andy, "Lalo na yung nagsabing maganda s'ya, anong pangalan no'n? Susan?"

"Loceanne," tugon ni Zia, "Dati pang pabida ang isang 'yon, feeling crush at idol ng lahat."

Natawa nalang ako saka muling napailing, "Hayaan na ninyo."

"Mukha silang garapata, si Brynn ang aso," agad na hirit ni Andy.

Agad s'yang nilingon ni Zia, "Mukha namang mabait 'yung Brynn."

Iyon rin ang nasa isip ko kanina, ang mga kilos nito ay talagang malumanay. Ang uri ng pagsasalita ay hindi naghahanap ng gulo o kaaway, simple lang at kaswal. Ang itsura nitong bukod sa mistulang anghel, ay hindi mo kakikitaan ng ano mang dahilan para kainisan mo. Pero may kakaiba talaga akong napapansin sa kan'ya kanina pa.

Peke.

"Anong mabait?" taas kilay na tanong ni Andy, "Si Darcy Brynn 'yon, certified seductress. Kung sino ang gusto n'yang makarelasyon ay talagang nagiging kan'ya, kahit pa alam n'yang may boyfriend na s'ya. At bukod do'n, plastik rin ang babaeng 'yan, mukha lang mabait, pero kakaiba s'ya magpaikot ng tao."

Nagulat ako sa sinabi n'yang 'yon, hindi iyon mahahalata sa itsura n'ya. Tama nga talaga ang naiisip ko, may kaplastikan akong napapansin sa kan'ya kanina pa. Bumuntong hininga na lamang ako.

"Santo kung umasta, pero ahas ang babaeng 'yon," ani Andy na umirap pa.

"Ang ganda pa naman sana n'ya," sambit ni Zia.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon