Chapter 89

7K 441 323
                                        

VREL'S POV.

_____________________________

=CONTINUATION OF FLASHBACK=
_____________________________

VREL'S POV.

It's been a month, they have decided to take me home para doon nalang magpagaling. Last week ko lang rin nalaman, I am in states. I never expected na dadalhin nila ako dito to have my surgery done for the second time. If they can fly me here, bakit hindi pa nila noon ginawa?

Hindi pa rin buo ang lahat ng ala-ala ko, paunti-unti ay nadadagdagan ang mga iyon. I am able to talk straight again, eat normally, and to walk without needing any support. I am proud of my fast recovery, but everything for me still feels incomplete. There's something missing.

"We're home," ani Dad saka binuksan ang kotse.

I was amazed for a moment, this house is a lot bigger than our home. Sinundan ko sila Dad, I don't need someone to hold me while walking, pero ayaw ko nang mag-matigas dahil iba rin ang timpla ng ugali ni Kalia. Hanggang sa makarating kami sa entrance door ay naka-alalay s'ya sa akin. I looked at the top floor again before a glass roof slowly covered the view, I never seen a house this big before.

"Is it ours?" I asked.

Nakita kong matawa ng bahagya si Dad, ipinatong n'ya ang kamay sa balikat ko saka tiningnan ang buong lugar.

"In our dreams," natawa si Dad, "This belongs to Doña Rioflorido, the owner of SIU," saad n'ya.

Saglit na nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ngayon ko lang nalaman ang apilyido nila, hindi rin kase namin sila napagu-usapan. They are quite, hindi hilig ipakilala ang sarili.

Since I was a kid, si Mom lang ang nakakapag-kuwento sa akin tungkol sa kanila. About how wealthy they are, and how they let Dad take care of the University. May nagi-isang anak daw ang mga ito, ngunit hindi nito nagawang manahin ang lahat ng meron sila dahil umalis ito sa puder nila.

"Mr. Terrico," agad na lumapit sa amin ang isang katulong, "Tuloy po kayo, nasa loob po ang Doña."

Pilipino ang katulong nila, bagay na hindi ko inasahan. Agad nalang rin kaming naglakad papasok ng malaking pinto saka tumambad sa amin ang napakalawak na sala. I admit we're rich, but looking around this entire house makes me feel penniless.

Sa ilang saglit pang paglalakad ay narating namin ang isang lounge, doon ay naka-upo ang dalawang matanda na sa tingin ko ay mag-asawa. Ngayon lang ako humanga sa pagiging pormal ng isang tao, they appear to be exactly what a person who lives in this type of house should look like.

"Nice meeting you again," ani Reika sa kanila saka nakipag-beso.

Si Dad naman ay nakipagkamay, habang si Kalia ay nananatili pa ring nakahawak sa braso at likuran ko. She's still not in the mood, kanina pa ganito ang itsura n'ya. Parang hindi man lang nagandahan sa bahay, ang paningin ay diretso lang.

"How is he?" iyon agad ang tanong sa amin ng matandang babae.

Even her voice sounds expensive.

Both of them are looking at me, I don't know how to react. Nang lingonin ko si Dad ay nasa akin pa rin ang paningin n'ya. They are the one who is being asked, pero bakit parang ako ang sasagot? Weird. I just looked away, kumirot rin ng kaunti ang batok ko.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon