Chapter 38

7.3K 455 376
                                    

AUTHOR: Kung pansin n'yo na medyo mabagal na akong mag-update and dalawa o isang chapter nalang per day, medyo busy lang sa commission. Hindi ako tinatamad magsulat don't worry, manifesting 100 chapters.

________________________________

Hanggang sa makarating ako sa room namin ay hindi ko pa rin maalis ang gulat, gulo ng isip, at galit sa mga nalaman ko kanina. Tulala lamang ako habang pinaiikot-ikot sa isip ang mga tagpo kanina. Hindi ko alam na dahil sa pangyayaring 'yon ay malalaman ko ang bagay na tila babago sa takbo ng buhay ko. Hindi man tama ngunit nakakaramdam ako ng galit, nakakaramdam ako ng inis. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko ngayon, kung maaari lang ay ibigay ko nalang ang buhay ko kay Vrel upang hindi na ako mabuhay ulit sa kasinungalingan.

Naalala ko ang mga tagpo noong magdesisyon si Papa na umalis patungo sa ibang bansa, sariwa pa rin sa akin kung gaano kabigat ang mga hakbang n'ya palabas ng pinto namin noon. Tila ba ayaw n'ya akong iwan, ngunit iyon ang kailangan n'ya upang hindi na muling maramdaman ang sakit. Pumasok rin sa isip ko ang trauma ni Papa sa hospital. Hindi pala iyon simpleng takot, dahil dito nagkakilala si Dean at Mama gaya ng kwento ni Vrel.

Napakagulo.

"Sam," dinig kong boses ni Zia sa gilid ko.

Batid kong hindi n'ya rin nagustohan ang mga narinig. Gusto ko ulit umiyak ng umiyak, ang lakas pa ng loob kong magpayo kay Zia tungkol sa pamilya n'ya. Nakakatawa, dahil maging ako pala ay ganoon rin ang problema. Walang gana kong inalis ang tingin sa kawalan saka nilingon si Zia, nakaharang na ang mga kurtina namin maliban sa kurtinang nasa pagitan naming dalawa.

"K-Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong n'ya sa akin.

Hindi ako agad nakapagsalita, ang mga luha ko ay tila napagod na sa pagtakbo pababa ng pisngi ko. Sandali ko pa s'yang tiningnan saka bumuntong hininga at nag iwas ng tingin. Hindi ako maayos, at ko alam kung paano ipapaliwanag ang pakiramdam ko. Parang gusto kong maglaho, gusto kong magpahinga sa lugar na malayo sa lahat ng tao at magpapalimot sa akin sa mga nalaman ko.

"Dapat talaga tinadyakan ko rin ang babaeng 'yon," may galit sa boses n'ya, "Bruha s'ya, epal, mukhang mangkukulam!"

Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Zia, wala talaga akong kakayahan na makisabay sa kahit na anong pangyayari sa paligid. Nilingon ko ang paligid nang mapansing wala pa rin si Mama, nagpaalam s'ya sa akin kanina na aalis ngunit hindi ko ito pinansin. Hindi nila ako masisisi kung ganito ako ngayon, magulo pa ang lahat para sa akin.

"Pero Sam," muling sambit ni Zia, "Paano mo nga pala nakilala ang anak ng Dean?"

Natigilan ako sa tanong n'yang 'yon, lihim akong napalunok. Hindi ko alam kung paano isasagot, o kung ano ang isasagot. Dahil hindi ko rin naman alam kung maniniwala si Zia sa oras na ikuwento ko kung paano ko nakilala si Vrel. Kahit na sino ay paniguradong iisiping baliw ako sa oras na ikuwento ko iyon sa kanila.

Humugot ako ng malalim na hininga, "Hindi ka rin naman maniniwala kung sasabihin ko."

Kunot noo n'ya akong tiningnan, "Siguro magtataka ako kase syempre wala kang naikukuwento sa akin, pero syempre maniniwala ako sayo."

Walang gana pa rin akong nag iwas ng tingin saka muling tumingin sa kawalan, pakiramdam ko ay lumulutang ang isip ko at hindi ko tancha ang bawat galaw ko. Ukopado man ang isip, ay pinilit kong ayosin ang sarili.

"Nakilala ko s'ya sa noong araw na isugod tayo dito," walang gana kong sambit.

Wala pa man ay kita ko na ang halo-halong emosyon sa mga mata ni Sam habang nakatingin sa akin. Alam kong marami nang tanong ang agad na nabuo sa isip n'ya, at kung paano man sasagotin ang lahat ng 'yon ay wala akong ideya.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon