Hanggang sa makarating ako sa garden ay nangunguna pa rin sa akin si Vrel. Hindi ko alam kung bakit rin s'ya nandito, kung bakit n'ya ako sinamahan. Nakatitig lang ako sa likuran n'ya hanggang sa maupo ako.
Nananatili s'yang nakatayo habang nakatalikod sa akin, pinagmamasdan ang paligid.
"Bakit mo nga pala ako sinamahan?" tanong ko kalaunan.
Hindi n'ya ako hinarap, nananatili s'yang nakatalikod sa akin. Tila ba nagustohan ang itsura ng paligid, kalaunan ay marahan s'yang humarap sa akin ngunit wala sa akin ang paningin.
Nag angat naman ako ng tingin sa kan'ya, hindi pa rin s'ya sumasagot. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita sa hospital, ganito rin s'ya kasungit. Mas doble nga lang ang sungit n'ya ngayon, parang nakakawala ng pag-asa na makita ko ulit s'yang ngumiti o tumawa sa akin.
"Inutosan ako ni Dad," aniya kalaunan nang wala pa rin sa akin ang paningin.
Napatango ako bagaman hindi n'ya nakikita. Pinagmasdan ko si Vrel habang nakatagilid sa direksyon ko, nanumbalik sa akin ang ala-ala n'ya sa hospital. Kung paano ko s'ya napa-amo, kung paano ko s'ya napatawa, napangiti. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa lahat ng iyon, mukhang mahihirapan na akong magawa iyon ulit.
Kung paano n'ya ipikit ang mga mata, kung paano s'ya ngumiti, kung paano n'ya ako tingnan habang tumatawa. Kung gaano ako kasabik dati habang naghihintay sa kan'ya, ang pakiramdam na bigla nalang s'yang sumusulpot mula sa kung saan.
Nasa lahi na n'ya ang pagiging kabute.
Napangiti ako dahil sa naisip, saka ako tumingala upang pigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko kayang hayaan na maging ganito kami ni Vrel. Hindi na ito para sa nararamdaman ko sa kan'ya, kundi para sa pagkakaibigan namin. Dahil sa mga pangako ko sa kan'ya, at dahil sa mga pangakong iniwan n'ya sa akin.
Tutuparin mo ba lahat?
"Ate ganda! Ate ganda!"
Nagulat ako nang umalingawngaw ang sigaw na iyon ng pamilyar na boses ng batang lalaki. Nang lingonin ko ang likuran ko ay nakita ko si Everest na tumatakbo papasok ng garden, nakasuot sa leeg n'ya ang medalya ko. Ngayon ko nalang ulit naalala na iniwan ko nga pala sa kan'ya ang medalya kong iyon. Natutuwa ko s'yang pinagmasdan habang unti-unting lumalapit sa akin.
"Rest," nakangiti kong bati sa kan'ya, "Kamusta?"
"Ate ganda!" muli n'yang banggit nang makalapit.
Yumuko pa muna s'ya habang habol ang hininga, halatang napagod dahil sa ginawang pagtakbo. Kalaunan ay umayos s'ya ng tayo saka hinubad ang medalya.
"Ang tagal po kitang hinanap, hindi mo kase sinabi sa akin kung saan ang room mo," hinihingal n'ya pa ring saad, "Saka kung anong grade ka na, kung saang building ka, kung sino ang teacher mo, kung—"
"Hep, hep," natatawa kong pigil sa kan'ya, "Baka maubosan ka ng hininga, ang importante ay nahanap mo ako."
"Eto po ang medal mo," nakangiti n'yang inabot iyon sa akin, "Iningatan ko po 'yan!"
Natutuwa ko iyong inabot saka pinagmasdan, talaga ngang inangatan n'ya ito ng husto. Wala man lang kahit anong galos o sira, makinis pa rin gaya noong huli ko itong nakita.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Genç KurguSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...