Chapter 53

6.7K 374 165
                                    

Nakarating ako sa room namin matapos ang ilang minutong paglalakad, medyo nanghinayang ako sa natitirang oras na dapat sana ay iginugugol ko sa pagsasanay ngayon. Hindi ko na lamang iyon inisip masyado, emergency rin nga naman ang nangyari kay Brynn.

Sana pala ay hiniram ko nalang ang mga libro para nakapag-aral ako mag-isa.

"Galing 'no? May kausap tayong hot air balloon," bumalik ako sa reyalidad nang madinig ko ang boses ni Andy.

Saka ko lang napagtantong nakaupo na pala ako at kaharap ko silang dalawa. Nakatingin na sila sa akin pareho, ang mga tingin nila ay napupuno na ng mga tanong.

"Flying in the air ang utak teh?" tanong ni Andy, "Lutang na lutang, ah. Saan ka 'kako nanggaling?"

Napakurap ako sa tanong na 'yon, "Nagkita kami ni Renz sa garden, s'ya kase ang pansamantalang magtuturo sa akin tungkol sa calculus hangga't hindi pa sila nakakakita ng trainer ko."

Napatango silang dalawa sa narinig, hindi na lamang ako muling nagsalita. Mukhang wala rin namang pumasok na Prof dahil kalahati lang kaming nandito, ang iba ay paniguradong nagliliwaliw sa campus.

"Eh ilang minuto ka palang nawawala ah?" nagtatakang tanong ni Zia, "Ang bilis naman."

Bumuntong hininga ako, "Dumating si Brynn, nagpapahatid sa bahay nila kaya hindi natuloy ni Renz ang pagtuturo sa'kin," tugon ko, "Ang masaklap do'n, hindi ko nahiram ang mga libro. Para sana ay inaral kong mag-isa muna dahil sayang ang oras."

Wala pa man ay nakita ko nang umirap si Andy at Zia, marahil ay tungkol sa pagbanggit ko sa pangalan ni Brynn. Napapailing nalang talaga ako sa mga ganitong reaksyon nila, mukhang nagkakasundo sila pagdating sa kung sino ang dapat kamuhian at sino ang hindi.

"Pampam talaga 'yon," ani Andy, "Kahit dati gan'yan na 'yan, akala mo pambansang girlfriend ng Pilipinas," ngumiwi s'ya.

"Oh? gandang-ganda pa naman sana ako sa kan'ya," nauumay na ani Zia.

"Nako," sambit ni Andy, "Basta't si Brynn ang magkagusto, kahit sinong lalaki ay nakukuha n'ya."

"Anong pabango n'ya? Gayuma?" nagtatakang tanong ni Zia.

"Malay ko ba, baka dahil sa maganda talaga s'ya. Hindi naman maitatanggi, wala naman yatang lalaki ang hindi papatol sa kan'ya," nagkibit balikat si Andy.

Napatango ako sa sinabi n'yang iyon. Talagang maganda si Brynn, unang beses ko pa lamang s'yang makita ay aminado na ako sa taglay n'yang ganda. Napaka perpekto n'yang tingnan, mula sa mukha hanggang sa hubog ng katawan at talampakan. Walang maitatapon sa kabuoan n'ya, bagay na paniguradong dahilan kung bakit nahuhulog sa kan'ya ang kung sino mang gustohin n'ya.

Isinandal ko ang sarili sa upoan ko saka ako nag-unat ng katawan, "Ginutom tuloy ako."

"I second it," ani Zia na naka salumbaba.

"I third it," ani Andy kaya natawa ako, "Tara sa dining hall."

Hindi na ako nagsalita pa, sinundan ko silang dalawa palabas ng room upang pumunta sa dining hall. Masyadong malaki at malawak ang University, kaya kahit wala pa man kami sa kalahati ng layo nito ay tinatamad na ako.

Tatlo kase ang kainan ng SIU, ang pinakamaliit ay ang cafeteria ng mga junior high students. Ang ikalawa naman ay ang sa senior high students, at pinakamalaki ang dining hall ng mga college students. Hindi naman ipinagbabawal ang pagpasok at pagkain namin sa cafeteria ng lower year levels, pero kahit mas malapit sa amin ang cafeteria ng SHS ay mas pinipili naming sa dining hall dumiretso.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon