Vrel's POV.
Maaliwalas na araw.
Iyon ang nasa ng isip ko nang ilipat ko ang tingin sa bintana, bahagyang nakabukas ang curtain kaya nakikita ko ang liwanag ng araw. Mukhang late na naman ang gising ko, hindi na bago pero hindi ko pa rin maiwasang mainis. Simula nang ma-operahan ako ay madalas nang humaba ang tulog ko. Agad na akong bumangon upang maghanda, pupunta ako kay Dad at dadaanan ko na rin si Samara para yayain s'yang mag-lunch.
Nang makapasok ako ng bathroom at mabasa ang katawan ko ay saka ko lang naalalang hindi ko pa pala nate-text si Sam. Napapikit na lang ako, I forgot. Isa pa sa kinaiinisan ko, ay ang pagiging makakalimutin ko lately. Maski ang susi sa sasakyan na sa side table ko lang naman inilalagay ay hinahanap ko pa. Ang wrist watch ko na kalalapag ko palang ay hindi ko na alam kung saan ko nailagay. Napapansin kong habang tumatagal ay mas dumadalas ang ganoong pangyayari.
Si Samara lang yata ang hindi ko makakayang kalimutan.
Wala na rin akong choice kundi ituloy at bilisan nalang ang pag-ligo. Nang matapos ay agad na rin akong nagbihis. Dumaan ako sa kwarto ni Kalia nang makalabas, ngunit walang sumasagot. Bumaba na lamang ako. Nakahanda na ang pagkain sa mesa, napakaraming pagkain ang inihanda kahit ako nalang naman ang natitirang dito sa bahay bukod sa mga kasambahay.
"That's a lot of food," banggit ko, "May okasyon ba?"
"Wala po, Sir," tugon ng isa sa mga kasambahay, "Ang sabi kase ng Daddy ninyo ay dito daw kayo maglu-lunch kasama ang mga amigo at business partner n'ya."
Napatango nalang ako saka napatingin sa wrist watch ko, it's already 11:30 am.
I only have 30 minutes left para maabutan si Samara.
"Where's Kalia?" tanong ko.
"Nagpa-check up po, Sir."
Napatango nalang ako saka tiningnan ulit ang wrist watch.
"Hindi na ako kakain, I have to go," paalam ko saka agad na umalis hindi pa man sila nakaka-angal.
Binilisan ko ang pagmamaneho para makarating agad sa SIU, nang makababa ay dumiretso na ako sa office ni Dad. Naabutan ko s'yang umiinom ng kape habang inaasikaso ang nagkakapalang papel sa harapan n'ya. Agad s'yang ngumiti nang makita ako.
"Rehan," bati n'ya sa akin, "Mukhang late na naman ang gising mo, napapadalas."
Nailapat ko lang ang mga labi, "Yeah," saka ako umupo.
"By the way, can you call Dr. Stephen? I want to invite him for lunch," ani Dad saka itinuloy ang ginagawa.
Fuck.
Napapikit ako sa inis nang hindi ko makapa ang phone sa bulsa ko. I forgot to bring my phone, nakalimutan ko nga palang ilagay iyon sa bulsa ko nang lumabas ako sa kwarto. Ayon na ang nagtatakang tingin ni Dad sa akin, taas baba ang tingin sa bulsa at mukha ko.
"Is there a problem?" tanong n'ya.
Malalim akong huminga, "I forgot my phone."
"You.. what?" kunot noo n'yang tanong, kalaunan ay natawa, "What's wrong with you? Who in their right mind leaves their phone at home?"
"I forgot to bring it with me," inis na tugon ko ngunit wala kay Dad ang tingin, ang tanging inaalala ko ay kung paano ko matatawagan si Samara.
"Ako nalang ang tatawag," napapailing pang sabi ni Dad.
Hindi pa man tumatagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, nang lingonin ko iyon ay nakita ko si Reika. Matunog ang heels ng stiletto nito habang naglalakad palapit kay Dad saka ito binigyan ng halik sa pisngi.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...