Mainam kong pinagmasdan ang mukha ni Vrel matapos n'yang sabihin iyon. Sa isang iglap, ay bumigat ng husto ang pakiramdam ko. Ang pakiramdam na tila hindi ko kayang dalhin, hindi ko lubos maisip kung gaano kabigat ang nararamdaman ni Vrel ngayon.
"H-Hindi." sinikap kong ngumiti.
Halos pangiliran ako ng luha sa awa habang nakatingin sa kan'ya, para s'yang pinagkakaitang mabuhay ng sarili n'yang mga magulang.
"That's Reika, Dad supports all of her decisions." talagang siguro n'yang sabi, "We can't do anything about it."
"May magagawa tayo." agad kong sagot, "Palaging meron."
Sandali n'ya akong tiningnan, ang mga tingin n'ya ay tila nagtatanong. Kung ang tingin n'ya kanina lang ay nanlalamon, ngayon ay tila hinahalungkat ang nararamdaman ko. Hindi ko maalis sa kan'ya ang tingin, tila pinaghalo-halong sakit ang ipinaparamdam ng mga tingin n'ya sa akin ngayon.
Kung ang iba ay ipinagkakait sayo ang buhay mo, ako ay hindi.
"Thankyou for trying." aniya saka nagbaba ng tingin, "This is my fate."
Hindi ako nakapagsalita agad, tila pinipiga ng mga sinasabi n'ya ngayon ang puso ko. Nakakalungkot isipin, na ganito ang inabot n'ya sa kamay ng tao na hindi naman n'ya kadugo. Hinatulan s'ya ng tao na walang naging ambag sa buhay na mayroon s'ya noon.
"Vrel..." mahina kong tawag sa pangalan n'ya.
"Take a rest." ngumiti s'ya sa akin.
"Vrel, kaya pa 'yan." pagpupumilit ko, "May Daddy ka pa, nand'yan pa ang Daddy mo. Pwede ko s'yang kausapin." suhestyon ko.
"Kung ano ang desisyon ni Reika, ayon rin ang magiging desisyon ni Dad." tugon n'ya, "So please, just go back to your room." aniya saka tumalikod.
Tuloyang nangilid ang mga luha ko, "Vrel, ano ba!"
Nakita ko ang inis sa mga mata n'ya nang lingonin ako, "What?"
"Nandito ako, oh." itinuro ko ang sarili, "Tutulongan kita, 'diba?"
Tuloyan n'ya akong hinarap, "You can't help me."
Sandali akong natigilan, napako sa kan'ya ang paningin ko. Alam kong kaya ko s'yang tulongan, ang problema lang ay kung paano. Huminga ako ng malalim saka tinatagan ang loob.
"Kaya ko." mahina kong sagot.
"Hindi." mariin n'yang sagot, "And what do you expect your 5 days here can do?"
Nagulat ako sa tanong n'yang 'yon, hindi ko alam kung anong isasagot. Palaisipan sa akin kung paano n'ya nalaman na limang araw nalang ang meron ako sa hospital na 'to. Hindi ko maalala na sinabi ko iyon sa kan'ya, wala rin namang maaaring magsabi no'n sa kan'ya bukod sa akin. Ilang sandali ang itinagal ng tinginan naming dalawa, tila naging blanko ang isip ko.
"M-May magagawa pa rin ako." tugon ko.
"Nothing, Sam. You can do nothing." mariin n'yang saad.
Hindi ko alam kung ano ang nagdudulot sa kan'ya para maging ganito ang desisyon n'ya. Tila sa isang iglap ay nawalan s'ya ng gana, tila nawala sa isang kurap ang pinanghahawakan n'yang pag asa na mabubuhay s'ya. Nanatiling nasa kan'ya ang mga tingin ko.
"You can leave me now." hindi n'ya ako matingnan ng diretso, "Wala na tayong magagawa." saka s'ya tumalikod.
"Meron." muli kong sabi.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...