VREL'S POV.
I'm on my way to Dad's office, hindi ko alam kung anong sitwasyon ang maaabutan ko. All I am thinking about is Samara, with Reika and that girl. May kaba sa akin dahil sa maaari nilang sabihin sa kan'ya, I know Reika, hindi mawawala sa mata n'ya si Samara nang hindi ito nasasaktan gamit ang salita.
They can scold at me, throw shitty words against me, I won't mind. But not Samara, never try to do it to her.
I sighed before I opened the door, bumungad agad sa akin si Dad. I shifted my gaze to the owners, seryoso lang ang tingin nila sa akin. They are looking at me as if I have done something wrong, hindi ko na lamang iyon pinansin saka ako dumiretso sa upoan na nasa tapat ng table ni Dad.
"Ininom mo na ba ang mga gamot mo?" tanong ni Dad sa akin.
I sighed before I nod my head, palagi nila itong pinapaalala sa akin na para bang ganoon ako ka-ulyanin.
"That's good, huwag kang masyadong magpakampante, Rehan. Baka akala mo ay tuloyan ka nang gumaling," paalala ni Dad.
Ito na naman ang nagsasawa kong reaksyon sa paulit-ulit na payo n'yang iyon.
I know, okay? I know.
Bumuntong hininga na lamang ako saka nag-iwas ng tingin, ubos na ang mga salita na pwede kong isagot sa linya n'yang iyan. Alam kong hindi pa ako tuloyang magaling, hindi na nila iyon kailangan pang ulit-ulitin. Instead of giving me hope, mas inilulubog pa nila ang pag-asa ko dahil sa katotohanang iyon.
But I'm already there, malapit na akong gumaling.
"Can't he stay sa hospital hanggang sa gumaling s'ya?" narinig kong magsalita si Don Rioflorido.
Nailipat ko ang tingin sa kan'ya, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa suhestyon n'yang iyon. I'm okay, I can handle myself, hindi ko na kailangang makulong na naman sa hospital. Ang kailangan ko nalang ay ingatan ang bawat galaw ko, hindi ko kailangang manatili sa hospital.
"Actually," dinig kong sambit ni Dad, "Magandang ideya nga iyon—"
"No," agad akong tumutol.
"Staying in hospital is safer—"
"I hate the feeling of being alone," pinutol ko ang sinasabi ni Dad, "I need to enjoy, iniingatan ko naman ang sarili ko."
"Rehan," dinig kong tawag ng Don sa pangalan ko.
Tahimik ko s'yang nilingon.
"You should listen to your father," aniya saka bumuntong hininga.
"Too much joy can harm you, anak," sambit ni Dad na ngumiti pa sa akin, "Alalahanin mo ang kalagayan mo."
"Your Dad is right—"
"Shut up," pigil ng Doña sa sinasabi ng Don saka ako tiningnan at nginitian, "Don't listen to them, enjoy your life."
Hindi ako nagsalita, nanatili lang ang mga tingin ko sa kan'ya. Ang itsura n'ya ay talagang nagpapayo, kinukumbinsi akong gawin ang sinabi n'ya.
"Malaki ka na, you already know what's right and what's wrong," saad n'ya saka nilingon si Dad, "Matagal na s'yang malaya, and nothing bad happens to him, that means he can take care of himself."
Hindi nakapagsalita si Dad at ang Don, ako naman ay napangiti saka nagbaba ng tingin. Kung nandito si Mom ay paniguradong iyan rin ang sasabihin n'ya.
"We are just worried about his condition," depensa naman ng Don.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...