Nang magising ako tanghali na, agad akong bumangon. Sandali ko pa akong nag-unat ng katawan. Ngayon ang sinabi ni Zia na oras ng pagbalik ni Renz dito, kaya hangga't wala pa s'ya ay aalis na ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Zia nang tumayo ako.
"Lalabas saglit, gusto kong magpahangin." tugon ko.
Naniningkit ang mga mata n'ya habang nakatingin pa rin sa akin, nangunot naman ang noo ko habang nasa kan'ya rin ang tingin.
"Napapadalas 'yang pagpapahangin mo ha, buti hindi ka kinakabag?" tanong n'ya.
"Baliw." natawa ako saka kinuha ang poste ng dextrose.
"Magpapahangin ka lang ba talaga?" tanong n'ya na naniningkit pa rin ang mga mata.
Ano na namang iniisip nito?
"Oo nga." tugon ko.
"Walang something?" nanunuri pa rin n'yang tanong.
Kunot noo akong napanganga sa tanong n'ya, "Anong something ba ang pinagsasabi mo d'yan? Wala akong kababalaghang ginagawa, Zianaica." inis kong saad.
"'Di ka sure." nangaasar n'yang sambit saka itinuro ang kama ko, "Bumalik ka sa higaan mo, tatanggalin na ang dextrose natin maya-maya."
Bumuntong hininga ako saka naupo, inilipat ko ang tingin sa dextrose ko. Mabuti nalang at tatanggalin na rin ang dextrose na 'to, noong nakaraang araw kase ay pinalitan lang.
"Sa kakagala mo buti hindi pa nagba-back flow 'yang dugo mo." kalaunan ay sambit ni Zia na inirapan pa ako.
Napangiwi ako saka inilipat ang tingin sa kan'ya, "Sa kaingayan mo buti hindi sa bibig mo tinurok yung dextrose." ganti ko.
Sumama ang tingin n'ya sa akin, "Atleast hindi naging tanga ng 5 years."
Agad akong napalingon sa kan'ya, hindi ako makapaniwalang sasabihin n'ya sa akin 'yon. S'ya ngayon ay nangaasar na ang tingin sa akin.
"Foul 'yon." nakanguso kong sambit saka iniwas ang tingin sa kan'ya.
"Sorry, honest lang." kunwaring nakukunsensya n'yang sabi.
Muli ko lang s'yang inirapan saka ako muling tumingin sa dextrose ko. Nakakapagtakang hindi ko nararamdaman ang sakit non sa tuwing iginagalaw ko ang kamay ko kapag kasama ko si Vrel. Madalas kase ay inaangat o natatabig ko ito.
"Bakit hindi nalang tayo ang magtanggal nito?" nilingon ko si Zia, "Para ma-train tayo." ngumiwi ako.
"Oo tapos kapag nagkamali ka ng galaw, condolence sayo." aniya dahilan para mapairap nalang ulit ako.
Bumuntong hininga nalang ako saka nahiga, paulit-ulit ang pagdarasal kong huwag dumating si Renz ngayon. Kung ganitong kailangan ko pang maghintay na matanggal ang dextrose ko ay talagang aabotin ako ng anong oras.
Halos ilang minutong naging problema sa akin ang isipin na 'yon. Ngunit agad lang ring nawala doon ang isip ko nang pumasok na ang mga Nurse. Isa-isa itong lumapit sa amin, saka sinimulang tanggalin ang mga IV tubes ng bawat isa. Hinintay ko lamang ang oras na ako naman ang matanggalan ng dextrose.
Nang matapos iyon ay tila gumaan ang kamay ko. Naigagalaw ko na ito ng maayos, wala nang sagabal sa pakiramdam sa tuwing gumagalaw ako. Nang lingonin ko si Zia ay natanggal na rin ang kan'ya, kagaya ko ay iginalaw-galaw n'ya rin ang kamay na tila nanibago na sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...