Chapter 47

6.5K 438 248
                                    

SAMARA'S POV

Ang mga tingin ko ay nananatiling nakay Renz, labis ang gulat na nararamdaman ko sa mga sinasabi't ikinukuwento n'ya. Hindi ko lubos akalain, na mali ang paratang ko kay Renz. Marahil ay s'ya agad ang inisip kong gumawa ng lahat ng 'yon, dahil paniguradong maging si Vrel ay walang ideya sa kung ano ang totoo. Nakakapanghina, hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko na ba ng buo si Renz o mananatiling sarado ang isip ko sa mga paliwanag n'ya.

"S-Si Vrel..." sambit ko kay Renz, "Wala na si Vrel sa ICU nang magpunta ako doon kanina."

Napako ang mga tingin n'ya sa akin. Sandali pa n'ya akong tiningnan, ang mga tingin na tila may mali sa sinabi ko. Hindi man s'ya nagpapakita ng emosyon, ay napapansin ko ang pananamlay ng mga mata n'ya habang nasa akin pa rin ang paningin.

"Nakaalis na sila kanina," tugon n'ya.

Agad na sumigla ang kaninang matamlay ko ring mga mata, tila may kung ano sa pakiramdam ko ang nagsasabing dapat akong matuwa. Wala pa man s'yang sinasabi na makakapagpatunay sa hinala ko ay malaki ang pag-asa ko na magandang balita ang hatid ng sinabi n'yang iyon.

"N-Nakaalis?" nagtataka kunwri kong tanong.

"Habang nire-revive s'ya kanina, ang sabi ng Doctor ay idedeklara na nilang patay si Vrel kapag hindi pa rin bumalik ang heart beat n'ya," huminga s'ya ng malalim, "Ang that is when a miracle happened, at exact 12:45, he opened his eyes, bumalik ang heart beat n'ya," saad n'ya, "Hindi s'ya nagre-respond, pero sapat na dahilan na ang pagmulat ng mga mata n'ya para umasang gagaling s'ya."

Wala pang ilang segundo, ay agad akong pinangiliran ng luha. Nagunahan ang mga luha ko sa pagtulo, labis pa sa labis ang tuwa na nararamdaman ko. Lalo pa nang sabihin ni Renz ang mismong oras ng pag gising nito.

12:45...

Gusto kong sumigaw sa tuwa, gusto kong magbunyi. Sa kabila ng kagustohan kong iyon ay naisip kong hindi ko pa nais maging sigurado, lalo pa't alam kong gumising lang si Vrel ngunit hindi maaalis ang katotohanan na malala pa rin ang kundisyon n'ya. Nailapat ko ang mga kamay sa gitna ng dibdib, tila ang mga luha na ngayon ay pumapatak sa pisngi ko ay sa puso ko nagmumula. Labis ang pasasalamat, umiiyak akong tumingala.

Narinig mo ang dasal ko, pinakinggan mo 'ko.

Muli akong nagbaba ng tingin saka hinayaan ang sarili kong umiyak dahil sa labis na pasasalamat at tuwa sa pakiramdam. Naging totoo na ang bagay na mas hinihiling ko pang matupad kesa sa sarili kong mga pangarap.

"B-Buhay si Vrel," umiiyak kong bulong.

Nilingon ako ni Renz, ginawaran ko s'ya ng ngiti. Hindi ko man alam kung saan nanggagaling ay aaminin kong may parte sa puso ko ang bumubulong ng pasasalamat kay Renz. Hindi ko mawari ang dahilan ng biglaang pag-gaan ng loob ko sa kan'ya. Sandali s'yang natulala saka rin ako nginitian.

Nandito pa rin ako, Vrel. Hihintayin kita.

Hindi na kami nagtagal ni Renz sa hospital, agad na kaming nagbalik sa SIU. Hindi na ako pumayag na maihatid n'ya ako, kailangan kong madala ang bike upang maisauli kay Everest.

Sa kabila nang pangamba sa kalagayan ngayon ni Vrel, ay hindi ko na maalis ang naguumapaw na pag-asa sa puso ko. Bigla ay sumibol ang tuwa na hindi kayang pantayan ng kahi na sino, ang tuwa na muling nagpabalik ng sigla ko. Bagaman may kaunti pa ring bigat sa pakiramdam dahil sa sitwasyon ngayon ni Vrel sa malayo, ay hindi na iyon kagaya ng dati.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon