"So, I heard that you are going to participate." anunsyo ni Dean saka tumikhim, "Are you sure about it?"
Lahat ay tahimik, nagkatinginan. Si Zia naman ay hindi ako nilingon, paniguradong buo na ang loob n'ya. Kabado man dahil sa calculus ay hindi na ako umimik, hinayaan ko silang sumagot.
"Yes, Dean." tugon ng marami.
"It will be hard for you, I suggest na magpahinga nalang kayo sa buong week na ito." anunsyo ng Dean.
Hindi parin ako umimik, hinayaan ko silang mag-desisyon. Kung itutuloy man nila ang pagsali sa event na magaganap ay walang problema sa akin, kung hindi naman ay makakahinga ako ng maluwag dahil matatakasan ko ang hirap ng calculus.
"Kaya naman siguro namin 'yan, Dean." nagsalita si Zia, "Baka sakaling kami ang manalo, sayang naman ang chance." dagdag n'ya.
Saglit pang nanahimik ang Dean, lahat ay nagaabang sa sasabihin nito. Walang ano mang ingay ang umaalingawngaw sa buong silid, ako naman ay nanatiling tikom ang bibig.
"Okay, if that's what you want." tugon ng Dean bagaman alam kong napipilitan, "You'll follow different rules for the event, hindi excuse ang nangyari sa inyo para bigyan kayo ng exceptions." dagdag nito.
"Yes, Dean." tugon ng marami.
Sa itsura ng Dean ay halatang hindi nito nagustohan ang pagpupumilit namin. Talaga nga sigurong hindi n'ya gusto na sumali kami sa ganitong klase ng event, lalo pa't ang owner ng institution ang magde-desisyon para sa mananalo. Wala s'yang kontrol sa kalalabasan no'n.
"How are you?" binago ng Dean ang usapan.
"Fine, Dean." tugon namin.
"Good." seryoso nitong tugon saka lumabas ng silid.
Kami nalang ulit ang naiwan, ang lahat ay nagkatinginan. Tagumpay para sa kanila ang pagpayag ng Dean na sumali kami sa event na gaganapin, pero kabaliktaran iyon ng akin. Inaalala ko talaga ang pahamak na integral calculus na 'yan. Hindi ko alam kung ano an mangyayari kung sakaling ipanlaban nga ako doon.
Mapapahiya kami nito.
"Sam, betch." dinig kog tawag sa akin ni Zia.
"Ano?"
"Mag ready ka na sa Integral Calculus, ha?"
Mas lalo tuloy akong nanlumo, mukhang sigurado na sila na ako nga ang sasabak para doon. Inis ko na lamang nakagat ang labi saka nagiwas ng tingin, ayaw kong sumali, ngunit hindi rin ako makatanggi. Walang ibang pwedeng ipanlaban sa amin maliban sa akin, kaya kung hindi ako sasali ay madadamay sila.
"Maglalakad muna ako." paalam ko saka lumabas.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Zia.
"Sa langit." tugon ko nalang dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta.
Nang makalabas ay maya't-maya ang pagbuntong hininga ko. Wala pa man ang event ay nasstress na ako. Kung kaya ko lang tiisin ang mga kaklase ko lalo na si Zia ay hindi talaga ako papayag na ako ang ipanglaban nila doon.
Marunong akong mag calculus, ngunit aminado akong hindi ako ganoon kagaling. May kahinaan rin ako pagdating sa subject na 'yon, may mga mali rin naman akong sagot sa tuwing tungkol doon ang tanong. Kung sana lang ay pwede akong magdala ng kudigo sa mismong araw na 'yon ay gagawin ko.
Para tuloy akong may pasan na mabigat sa likod ko, sa akin nakasalalay ang Nursing department sa larangan ng calculus kaya hindi ko maiwasan ang kabahan at mamroblema.
"Hindi ka ba napapagod kakalakad?"
Ang pamilyar na boses na 'yon ang umugong sa tenga ko, agad akong lumingon sa gilid ko nang mapansin kong may sumasabay sa akin. Nakita kong naglalakad nga si Vrel sa tabi ko bagaman may agwat ang kayo namin sa isa't-isa. Magkahawak ang kamay n'ya sa likuran n'ya habang nasa daan ang tingin.
"Ikaw na naman." sambit ko, "Ikaw ba hindi sumasakit ang ulo kakalakad? May tumor ka pa naman sa utak." tanong ko.
Naktingin lang ako sa kan'ya habang tinatanong iyon, hindi ko maalis sa kan'ya ang tingin. Nakakagaan ng pakiramdam ang itsura n'ya.
"Not really." aniya saka ako nilingon.
Agad kong naiwas ang tingin sa kan'ya saka umaktong nasa daan ang tingin. Hindi ko alam kung bakit napakalakas ng pakiramdam n'ya, parang ramdam n'ya sa tuwing nakatingin ako sa kan'ya. Ngunit nang maalala ko ang tungkol sa event ay ayon na naman ang pamo-mroblema ko.
"Alam mo ba ang Integral Calculus?" nakatulala kong tanong.
"Why?" tanong n'ya.
"May contest kase akong sasalihan, at Integral Calculus ang paglalabanan." tugon ko.
Hindi s'ya sumagot kaya nilingon ko s'ya. Seryoso lang s'yang naglalakad habang nakatingin sa daan, napangiwi nalang ako saka nagiwas ng tingin. Ano nga ba namang pakealam ng laking 'to sa mga sinasabi ko. Bumuntong hininga ako.
"When?" tanong n'ya.
"Sa Biyernes."
"What time?"
"Hindi ko alam, pero siguradong umaga 'yon." tugon ko.
Hindi ulit s'ya umimik kaya hindi ko na s'ya pinansin. Napaka-weird ng lalaking 'to, magtatanong na akala mo may pakealam, ayon pala ay nagtanong lang dahil trip. Napairap nalang ako sa kawalan.
"You're good at calculus?" tanong n'ya.
"Nursing student ako." ngumiwi ako, "Hindi ko kailangan ng calculus, pero aminado akong may nalalaman ako sa calculus. Hindi nga lang magaling." saad ko.
"Bakit ikaw ang lalaban?" tanong n'ya.
"Dahil sa aming lahat ay ako lang ang may alam don." nakanguso kong sagot.
"Integral Calculus is hard at first, but it is enjoying." aniya.
Nagtataka ko s'yang nilinon, hindi ko alam na may nalalaman pala s'ya sa calculus. Karamihan kase sa mga lalaking ganito kagwapo ay hindi pagaaral ang inaatupag kundi babae at mga luho. Nakakagulat na kakaiba pala si Vrel sa kanila.
May tumor nga lang sa utak.
"Paano mo nasabi?" tanong ko.
"Math is fun." tipid n'yang tugon saka nagiwas ng tingin.
"Anong connect?" taas kilay kong tanong.
"Math is easy and fun if you are really willing and dedicated to learn." paliwanag n'ya.
Napairap nalang ako sa hangin, "Sabagay, tama ka." tugon ko, "Buti may alam ka sa ganito?"
Tiningnan n'ya lang ako saka ngumiti, ngunithindi s'ya umimik. Ayon na naman ang kakaibang dulot ng mga ngiti n'ya, iniwas ko nalang agad ang tingin saka malalim na huminga. Ang lalaking 'to, napakarami n'yang ginigising sa pagkatao ko.
Muli ko s'yang nilingon, may kakaiba kay Vrel na hindi ko napapansin sa iba. Ang bawat galaw n'ya ay tila mabigat, may kinukubli't dinadamdam. Gusto ko s'yang makikilala pa ng lubosan, ngunit alam kong hindi iyon mangyayari dahil sa ugali n'ya.
Daig pa nireregla.
__________
next chapter...

BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...