Chapter 74

6.3K 454 608
                                    

RENZ'S POV.

I sighed, It's raining.

Ipinasok ko na ang mga gamit sa bag ko saka tumayo, juice lang ang ininom ko sa buong lunch time. Marami akong dapat gawin at wala na akong oras para kumain, kailangan ko ring gumawa ng worksheet para kay Sam. I'm planning to give it to her para masanay n'ya rin ang sarili every weekends.

Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Malakas man ang buhos ng ulan ay naglakad pa rin ako patawid sa shed para magpunta sa office ni Tito Vinicio. Madalas akong kailanganin doon dahil ako ang ginawang representative ni Dad, ako ang palaging humaharap kay Tito para sa mga importanteng bagay.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay pansin ko ang isang babae na nakatayo sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Hindi nagtagal ay napansin kong pamilyar ang tindig nito, agad na nanlaki ang mga mata ko saka nabitawan sng hawak kong gamit. Wala akong payong at kahit anong panangga sa ulan.

"Sam!" tumakbo ako palapit sa kan'ya.

Nanginginig s'ya at malamig ang mga kamay, halos namaga rin ang mga mata na panigurado akong dahil sa kaiiyak. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan. Hinawakan ko ang kamay n'ya to calm her down, nakatingin lang s'ya sa akin na para bang hindi inaasahan ang paglapit ko sa kan'ya.

"M-Mababasa k-ka na—"

"It's okay, I'm okay," pagputol ko sa sinasabi n'ya, "Can you walk? Kailangan nating sumilong, you're shaking."

Hindi s'ya nagsalita, ang kamay n'ya ay magkasiklop. Pansin ko rin ang lagkit sa buhok n'ya maging ang maliliit na shell ng itlog at yolk nito. May maliliit na basura rin na nakadikit sa basa n'yang katawan. Hindi ko maintindihan kung paano naging ganito ang hitsura n'ya.

"Sam, come on, I'll carry you," tumalikod ako sa kan'ya para pasanin s'ya.

Ngunit hindi pa rin s'ya gumagalaw sa kinatatayoan.

"Sam! Renz!" it's Zia.

Kasama n'ya si Andy na ngayon ay nakapayong at tumatakbo palapit sa amin. Bakas na rin ang pagaalala sa itsura nila habang papalapit ng papalapit.

"E-Eto eto!" binuklat nila ang payong saka kami pinayongan, "Sam ayos ka lang??"

"Nadudugo ang sugat n'ya," turo ni Andy sa tagiliran ni Sam.

Agad kong nilingon ang tagiliran n'ya, nagulat ako nang makita ang napakaraming mantsa ng dugo doon. Mas naalarma pa ako nang mapansin kong nawawala ang balanse ni Sam ngunit pinipilit pa ring tumayo.

"Shit," mariin kong sambit saka s'ya agad na binuhat, "Come on, we'll bring her to the hospital."

"Diyos ko, ano bang nangyayari nitong mga nagdaang araw," nagaalalang sambit ni Andy saka inalalayan ang ulo ni Sam.

Hindi ko na rin maipaliwanag ang kaba, hindi ko na namalayan ang bigat ni Sam at ang haba ng nilakad namin papunta sa parking lot. Agad na sumakay si Andy at Zia saka ko inihiga sa binti nila si Samara. Hindi na ako naghintay na uminit ang makina, agad ko nang pinaandar ang sasakyan patungo sa hospital.

"Nurse!" sigaw ko nang makababa, "Help, she's bleeding."

Wala pang ilang sandali ay naglabas na sila ng stretcher saka inihiga do'n si Sam. Kita ko ang pamumutla sa mukha n'ya, labis ang dugo na nasa tagiliran n'ya. Agad s'yang itinakbo papunta sa emergency room, nakasunod kami pero hindi na pinayagang pumasok doon.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon