Ikatlong araw namin sa hospital, ang dating nabu-buryo kong kaluluwa ay bigla nang ginanahan. Kasalukoyan kaming umiinom ng gamot ngayon, nilingon ko si Zia nang umakto itong nasusuka.
"Parang mas gugustohin ko nalang na kainin ulit yung lugaw kesa sa gamot na 'to." nandidiri n'yang sabi.
"Edi kainin mo ulit, tapos paki hello nalang ako kay Lord." tugon ko.
Sinamaan n'ya lang ako ng tingin saka uminom ng napakaraming tubig. Natapos ko narin ubosin ang akin at totoong hindi talaga maganda ang lasa nito, ngunit sanay na ako sa ganito kapaklang gamot dahil suki ako ng botika noong bata ako. Madalas kase akong magkasakit, at walang kaalam-alam si Papa doon. Ayaw na ayaw ni Papa na nagkakasakit ako, sea man kase s'ya at talagang malayo. Kaya kahit kumbolsyonin ako, basta't hindi magsasalita si Mama tungkol doon ay hindi n'ya malalaman.
Alagang-alaga ako ng Papa ko dahil nagi-isa lang nila akong anak.
"Namimiss ko nang pumasok." bigla ay sambit ni Zia.
"Ako rin." nakanguso kong sang ayon.
"Pahamak na lugaw talaga 'yon, eh. Kasalanan talaga 'to ng Psychology students." talagang inis n'yang sabi
"Bakit ba Psychology students ang lagi mong sinisisi?" nagtataka kong tanong.
"Nandoon yung ex mo, eh. Dapat galit tayo sa kan'ya, damay na natin buong batch nila." umirap s'ya.
"Sira ka." natatawa kong sabi, "Baka nagkataon lang talagang binasbasan ni kamatayan yung lugaw na 'yon." dagdag ko.
Natatawa s'yang tumingin sa akin, "Sa atin basbas lang, yung isa mukhang susundoin na." turo n'ya sa private room ng critical naming classmate.
"Hoy." mahina kong suway, "Ang sama mo."
"Joke lang." nagtakip s'ya ng bibig.
Natatawa nalang rin akong napailing saka sumandal sa higaan ko.
"Ang sarap sana ng lugaw na 'yon." natawa ako, "May nakatagong lihim pala."
Natatawa rin s'yang napasandal sa higaan n'ya.
"True." sang ayon n'ya, "Pero alam mo, nakakapagtaka lang. Bakit biglang lugaw ang pinakain sa atin at nagkataong may poison pa?" napapaisip na tanong ni Zia.
Nilingon ko s'ya upang hintayin ang mga susunod n'yang sasabihin.
"Anong may poison? baka panis lang talaga yung lugaw kaya tayo nagka-ganon." pagtatama ko sa sinabi n'ya.
"Walang panis na ganon kasarap, Sam." aniya sa akin.
Napa-isip ako sa sinabi n'ya, hindi ko alam kung anong gusto n'yang sabihin. Nilingon ko si Zia saka ko s'ya hinintay ulit na magsalita.
"Kung panis 'yon, sana ay nalasahan natin sa unang higop palang." nakangiwi n'yang saad.
"Oo nga." sang ayon ko.
"Nakakapagtaka rin, na first time in the history ay nagpa-meryenda sila ng lugaw." dagdag n'ya.
"Oo nga." tugon ko.
"Kung gusto nila ng pagkain na siksik sa nutrition, pwede nila tayong pakainin ng gulay." aniya pa.
"Oo, tama." tugon ko.
"Hoy!" iwinasiwas n'ya ang kamay sa harap ng mukha ko, "Oo ka naman ng oo d'yan eh, parang timang." nagtatampo n'yang reklamo.
"Ewan ko sayo, bigla kang naging detective." ngumiwi ako, "Baka nagkataon lang talaga, ano ka ba."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...