Hindi na rin ako nagtagal sa hospital pagkatapos akong sundoin ni Mama, inasikaso n'ya ang lahat bago kami umuwi. Dala ko rin ang bulaklak na natanggap ko kahapon. Nagulat pa si Mama nang makita ang bulaklak na 'yon, ngunit gaya n'ya ay hindi ko rin alam kung sino ang nagbigay nito at saan ito galing.
Lunes ngayon, may pasok ngunit hindi muna ako pinayagan. Kailangan ko daw munang magpahinga, ang nakakapangamba ay mukhang alam na ng Dean ang nangyari. Hindi naman na masakit ang sugat na natamo ko, mukhang kakayanin ko na ring pumasok bukas.
Buong araw ay nakatambay lang ako sa bahay, nakahiga at inaasikaso ni Mama. Nakakaramdam na ako ng hiya dahil halos lahat ay si Mama at si Aling Dalia ang gumagawa. Hindi naman ako lumpo, ngunit kung asikasohin nila ako ay parang wala akong mga paa at kamay. Ngunit sa kabilang banda, ay mas nangibabaw pa rin sa akin ang pasasalamat kesa sa hiya. Hanggang ngayon kase ay ramdam ko pa rin ang sobrang pagod sa katawan.
Hindi na rin ako nagawang bisitahin ni Zia at Andy, paniguradong wala na silang oras para bumisita pa— lalo't balita ko ay may exam kami ngayon.
"Mas nakakapagod pala kapag hindi kumikilos," nanlulumo kong bulong sa sarili.
Sinubokan kong tapikin ang sugat ko, hindi na iyon ganoon kasakit bagaman ay kaunting hapdi pa rin sa tuwing magkakamali ako ng galaw. Pinilit kong tumayo at maglakad palabas ng kuwarto, marahan akong bumaba sa hagdan. Nang makarating ako sa kusina ay dali-daling napatayo sila Mama at Aling Dalia nang makita ako.
"Bakit ka umalis sa higaan mo?" agad na tanong ni Mama saka ako nilapitan.
"Ayos na ako, Ma," tugon ko, "Ayaw ko namang palagi akong nakahiga."
"Masakit pa ba ang sugat mo?" tanong ni Aling Dalia.
"Hindi na po masyado, kung hihintayin ko pang gumaling 'to bago ako tumayo— baka mag lock naang mga buto ko," saad ko, "'Wag na po kayong mag-alala."
"Ikaw ba'y sigurado d'yan sa dinaramdam mo?" tanong ni Aling Dalia, "Baka naman ay tinitiis mo lang sakit?"
Napangiti nalang ako saka naglakad palapit sa lamesa, "Aling Dalia, malayo sa bituka—" natigil ako sa sinasabi.
Hindi nga pala ito malayo sa bituka, dahil nasa tagiliran ko lang ang sugat ko. Pakiramdam ko ay napahiya ako.
"Malapit sa bituka't atay ang sugat mo," sambit ni Mama, "Mabuti nalang at hindi ganoon kalalim."
Bumuntong hininga ako saka ngumiti. Hindi ako dumampot ng plato, wala sa plano ko ang kumain. Ang gusto ko lang ay ng maglakad-lakad at igalaw ang katawan, wala akong gana sa ngayon. Nang lingonin ko si Mama at seryoso s'yang kumakain, may envelope rin sa tabi n'ya na hindi ko alam ang laman.
"Ano po 'yan?" tanong ko.
Nilingon nila akong pareho. Nagbaba rin ng tingin si Mama sa envelope na nasa gilid n'ya nang mapansin na naroon ang paningin ko. Saka s'ya nagbalik ng tingin sa pagkain.
"Nag report na ako sa mga police kanina," sambit ni Mama, "Hindi ako titigil hangga't hindi natuturoan ng leksyon ang gumawa n'yan sa'yo."
Hindi na ako nagsalita, wala naman akong dapat kontrahin. Gusto kong mahuli sila dahil baka gawin rin nila sa iba ang ginawa nila sa akin, ang mas malala ay kung nagkataon na hindi nila mailigtas ang sarili nila. Mabuti nalang at may nagligtas sa akin, kung hindi ay baka mas malala pa rito ang inabot ko.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Fiksi RemajaSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...