"Saan ka ba papunta?" tanong ko habang sinisilip ang mukha n'ya.
"Bakit ka ba sumusunod?" tanong n'ya rin sa akin habang nasa daan ang paningin.
"Eh kase, ang boring sa room namin. Gusto kong maglakad-lakad." nakanguso kong sagot saka pumantay sa paglalakad n'ya.
Hindi s'ya umimik, nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad-lakad. Nakakapagtaka kung paano n'ya nagagawang manahimik ng ganito katagal, ako kase ay hindi iyon matitiis. Basta may maisip akong paguusapan ay dadaldal ako. Malalim akong huminga saka s'ya nilingon, nasa daan parin ang paningin n'ya.
"Saan ang room mo?" tanong ko.
Nilingon n'ya ako, ngunit muli lang ring nagbalik ng tingin sa daan. Napangiwi nalang ako dahil sa ugali n'ya, hindi ko talaga masikmura ang kasungitan n'ya.
"Sa ICU." tugon n'ya.
Natigil ako sa paglalakad, nagulat akong pinanuod s'yang magpatuloy na tila hindi ako napansin. Kung sa ICU ang room n'ya, dapat ay hindi s'ya pwedeng lumabas. Dahil critical care unit 'yon. Mabilis akong naglakad upang humabol sa kan'ya, talagang hindi n'ya ako hinintay.
Sa sungit n'yang 'yan, aasahan kong hihintayin n'ya ako?
Nang magkasabay kami sa paglalakad ay muli ko s'yang nilingon, hindi ko alam kung sa paanong paraan ko s'ya mapapatawa. Talagang napaka seryoso n'yang tao, maitatala siguro s'ya sa guiness book of world record bilang kauna-unahang tao na kinayang hindi magsalita ng isang buong taon.
Inis akong umirap sa hangin.
"What's your problem?" bigla ay tanong 'ya.
Nakakagulat rin ang lakas ng pakiramdam n'ya. Pakiramdam ko tuloy ay manghuhula itong katabi ko, simula pa noong una n'ya akong titigan ay para bang nababasa n'ya ang iniisip ko.
"Anong sakit mo?" tanong ko ulit.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga, hindi ko alam kung naaalibadbaran na ba s'ya sa akin.
"Brain cancer." tugon n'ya.
Halos mapanganga ako, tiningnan ko ang kabuoan n'ya. Hindi halata sa kan'ya na mayroon s'yang cancer sa utak. Kung mayroon man ay dapat mahina ang katawan n'ya, ngunit sa nakikita ko ay normal lang s'ya kung gumalaw. Wala ring benda o suporta sa ulo n'ya, at parang walang dinadamdam sa katawan.
"Seryoso ka?" tanong ko.
"Do I look like I'm joking?" seryoso n'yang tanong.
"Anong klaseng brain cancer?" tanong ko.
Hindi s'ya sumagot kaya hindi ko na lamang kinulit. Nagugulat parin ako tuwing maiisip ko ang sinabi n'ya, ngayon palang ako nakasalamuha ng tao na may brain cancer. At talagang ganito pa kasigla, ang nakikita ko kase sa T.V. ay nakahiga lang mga tao na may brain tumor o kaya naman ay unconcious.
"Benign?" tanong ko na tinutukoy ang pagiging delikado ng cancer n'ya.
"Malignant brain tumor." tugon n'ya.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig, mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka nilingon si Vrel. Talagang hindi s'ya kakikitaan ng ano mang sakit, pero hindi ko rin naman pwedeng isipin na hindi s'ya pasyente dahil nakasuot s'ya ng patient's gown at may tape pa sa kanang kamay dahil siguro sa dextrose.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Novela JuvenilSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...