Chapter 1

25.8K 1.1K 702
                                    

"Please take your seat," utos ng professors sa loob ng gymnasium ng University.

Lahat kami ay nagsi-upo, katabi ko ang kaibigan kong si Zia. Orientation namin ngayon para sa career training namin next week. Maya't-maya ang pagpupunas ko ng kamay, Nursing kase ang kursong kinuha ko para sa pre med at talagang mahigpit sila sa kalinisan namin sa katawan. Hindi pa man kami ganap na Nurse o Doctor, ay ganoon na agad sila ka strikto sa kalinisan naming lahat.

"May lugaw pala na inorder ang School for the students," dinig naming sabi ng isang Professor sa katabi n'ya.

Ayon na ang inaasahan kong pagsipa ni Zia sa paa ko, paniguradong narinig n'ya ang sinabi ng prof at lalaitin n'ya na naman 'yon. Pasimple ko nalang s'yang nilingon.

"20 thousand ang tuition tapos lugaw ang meryenda?" tataas-taas ang kilay na aniya.

Pinigilan kong matawa saka s'ya pinandilatan. Halos magkakalapit lang kase ang chairs ng mga estuyante at professors kaya delikado at baka marinig ang boses ni Zia.

"Manahimik ka nga," suway ko sa kan'ya.

"Why?" mataray n'yang tanong, "Karapatan kong magreklamo 'no."

"Students," kalaunan ay anunsyo sa microphone ng Dean.

"May demonstration na gagawin mamaya. Me, together with the faculty members, decided to order something nutritious dahil mahalaga sa amin ang kalusogan ninyo," anunsyo ng Dean, "This is not about being cheap, but about prioritizing your health. Are you with me?"

"Yes, Dean," sagot naming lahat.

"Thank you," sambit ng Dean saka ibinaba ang mic.

Ilang segundo pa ay dumating na ang pagkain. Ang lalagyan nito ay maganda, kaya paniguradong wala nang masasabi ang ilan. Si Zia naman ay nilingon ko, ayon parin ang nakasimangot n'yang mukha. Natatawa nalang akong napailing.

"Isipin mo nalang humihigop ka ng creamy potato soup," bulong ko.

Inirapan n'ya lang ako kaya mas lalo akong natawa. Nagsimula nang kumain ang lahat, sa unang higop ay talagang malasa na ito. Hindi maiwasan ng iba ang purihin ito, maging ako ay napapatango habang humihigop. Pasimple kong nilingon si Zia, ayon ang gaga na panay ang daklot at higop sa lugaw.

"Sarap, beh?" tanong ko.

"Okay naman s'ya," kunwaring masungit n'yang sagot.

"Sus," inirapan ko nalang rin s'ya.

Ipinagpatuloy pa namin ang pagkain, nang matapos ay isa-isa nang kinuha ang mga plato sa lamesa namin. Kapares nito ang iced tea na kasabay ring ibinigay kanina kaya mas masarap ang dighay ko pagkatapos. Nang masiguradong handa nang makinig ang lahat ay nagsimula na ulit sila sa pagtuturo. Ngunit kalaunan ay natigil rin dahil sa pagdaing ng isa sa amin, nakahawak ito sa tyan n'ya.

"Wait po," tila namimilipit ito sa sakit.

Maya-maya lang ay sumuka naman ang isa sa amin. Natatarantang nagtayuan ang mga professors, maging ang Dean ay bakas ang kaba sa itsura. Napapalunok akong napahawak sa t'yan ko bagaman wala pa akong nararamdamang kakaiba.

Nagkatinginan kami ni Zia, alam kong pareho kami ng iniisip. Maya-maya lang ay napapa-upo na sa sahig ang iba habang nakahawak sa tiyan, ang iba naman ay sumusuka narin. Kalaunan, ay mas umusbong ang kaba sa dibdib ko nang makita kong mamilipit rin sa sakit ng tiyan si Zia.

"Ilabas ninyo ang lahat ng School bus, we will bring them to the hospital," anunsyo ng Dean.

Lahat ng prof ay isa-isang inakay ang mga estudyante, kaming mga wala pang sintomas ay naglakad nalang pababa at pasakay ng Bus. Kinakabahan kong sinulyapan si Zia na sumusuka na sa plastic na hawak. Maya-maya lang ay nakaramdam narin ako ng sakit ng ulo, sinabayan rin ng pagpapawis ng katawan. Mabilis ang paghinga ko, ngunit agad lang rin na kumalma. Hindi mapapabuti ng lagay ko kung sasabayan ko ito ng nerbyos. Huminga ako ng malalim at bumuga bagaman iba na talaga ang pakiramdam ko, paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa dumilim ang paligid.

"Samara."

May kirot sa sentido akong nagmulat ng mata, nadagdagan pa ang kirot na nararamdaman ko nang maaninag ko ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw sa kisame. Nang lingonin ko ang paligid ay nasa malaking kwarto ako ng hospital, maraming kama sa loob ng silid at inu-ukopa ito ng mga kaklase ko.

Nasa hospital na pala ako.

"Ano bang kinain ninyo at na food poison kayo?" nagaalalang tanong ni Mama.

Napahawak ako sa ulo saka sumandal sa head board ng hospital bed, malalim akong huminga saka inayo ang patient gown na suot ko.

"Lugaw," tipid kong tugon dahil pakiramdam ko ay masusuka ako kapag hinabaan ko ang pagsagot.

"Mabuti nalang at hospital ang sasagot sa gastosin rito," ani Mama, "Mayayari tayo sa Papa mo kapag nalamang na-ospital ka, alam mong nay trauma sa hospital 'yon," babala n'ya sa akin.

Napatango nalang ako saka isinuko ang bigat ng katawan ko sa higaan, masama parin ang pakiramdam ko ngunit hindi na gaya kanina. Naalala ko si Zia kaya agad kong inilibot ang paningin, nang hawiin ko ang nakaharang na kurtina sa gilid ko ay saka ko nalaman na magkatabi lang kami.

Nagulat s'ya nang lingonin ako, tiningnan ko ang kabuoan n'ya. Mukhang ayos na ang pakiramdam n'ya kaya napanatag ako lalo pa't grabe ang pagsusuka n'ya kanina.

"Privacy, betch," aniya saka nilingon si Mama, "Hi, tita," bati n'ya rito.

"Kamusta ka naman, Zia?" tanong sa kan'ya ni Mama.

"Ayos na po, kagigising ko lang rin actually," nakangiti n'yang sagot, "Nakita n'yo po ba si Mommy?"

"Ah oo, lumabas ang Mommy mo. May tumawag yata," tugon ni Mama.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Zia.

"Ayos na, hindi ko inaasahang may sademonyo ang lugaw na 'yon," natatawa kong sagot.

"Real," sang ayon n'ya, "Naisuka ko yata pati atay ko kanina," ngiwi n'ya.

"Section lang ba natin ang nagkaganito?" tanong ni Zia sa akin.

"Oo siguro, tayo lang naman ang mag orientation kanina," tugon ko.

"Baka mga Psychology students ang may pakana nito, kase 'diba sila yung nagrequest ng laboratory sa School pero tayo ang unang pinatayuan," seryoso n'ya pang saad.

"Gaga," natawa nalang ako, "May negosyo bang lugawan ang Psych students?" ngumiwi ako.

"Malay mo," umirap s'ya.

"Gaano daw ba kami katagal mananatili ito, Ma?" tanong ko kay Mama.

"Ang sabi ay isang linggo, isa kase sa kaklase ninyo ay kritikal," tugon ni Mama.

Bumuntong hininga nalang ako saka tumingin sa kisame, napapikit ako saglit dahil sa kirot na dulot ng liwanag. Malaki ang hospital na 'to, pwede naman siguro akong maglakad-lakad kung sakaling maburyo ako sa mga susunod na araw.

___________

next chapter....

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon