Chapter 75

7K 440 355
                                    

ZIA'S POV.

Nakatitig lang ako kay Samara na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Hindi na maganda ang nangyayari, sobra na s'yang naaapektuhan. Naiinis rin ako sa sarili, dahil wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano matitigil 'to, lalo pa't tingin ko'y mas lalong lumala ang sitwasyon ni Sam. Dahil sa sinabi ni Vrel ay mas lalong lalala ang mangyayari.

Ano ba talagang totoo?

Hindi ko maiwasang isipin na ilusyon lang ni Samara si Vrel, na baka dahil lang sa nangyari sa amin noon dahil sa food poison. Hindi kase ako madaling maniwala sa amnesia, nagbibiro man ako tungkol doon ay alam kong kaunti lang sa maraming tao ang nagkakaroon ng amnesia paggising mula sa coma. Ang ilan kase ay memory loss lang, at kapag ipinakilala ulit sa kanila ang isang bagay ay maaalala rin nila kalaunan.

I'm soon to be Nurse, of course I need to study about that, duh?

"Bakit kaya hindi pa gumigising si Sam?" nagaalalang tanong ni Andy.

Bumuntong hininga ako, maging ako ay walang alam. Sana lang ay hindi lumala ang sugat n'ya. Ang sabi kase ng Doctor noong isang gabi na isinugod namin s'ya dito, serious daw ang pagkakasaksak kay Sam bagaman hindi nito inabot ang organs n'ya. Mukhang sobra daw ang pagkakadiin ng kutsilyo sa tagiliran n'ya kaya ganoon kalalim ang inabot.

Hindi namin nakausap ang Doctor dahil si Tita Alessia na ang kumausap dito. Nakabantay lang kami ni Andy kay Sam simula kanina.

"Sana lang ay maayos s'ya," sambit ko, "Kapag talaga may nangyaring masama kay Samara ay mayayari sila sa'kin. Babalatan ko sila ng buhay at gagawin kong model ng skeletal system sa museum ang mga buto nila."

Sana lang talaga ay hindi lumala ang sugat ni Sam, grabe ang pagdudugo no'n kanina nang isugod namin s'ya dito.

"Si Renz kaya, saan nagpunta?" nilingon ko si Andy.

"Baka kay Vrel, halatang galit s'ya kanina nung umalis," aniya.

Muli kong naisip si Vrel, kung totoong iniligtas n'ya si Samara ay bakit n'ya kailangang itanggi? Kung ako ang nasa posisyon n'ya, kahit pa hindi ko naaalala si Sam ay ipagtatanggol ko pa rin s'ya. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba, kung madidiktahan ko lang si Samara ay talagang sasabihin kong iwasan n'ya si Vrel at tigilan na ang pagpapakatanga. Halata sa mga mata ni Vrel na hindi n'ya gustong nasa paligid n'ya si Samara, hindi n'ya rin gusto ang presensya nito. Kung maaari lang akong makealam sa buhay ni Sam, ay ilalayo ko s'ya kay Vrel.

Ayaw kong mag-isip ng masama, ngunit kung ibabase ko ang konklusyon sa kung paano ginawa ni Sam ang lahat para mabuhay si Vrel...

Sana ay mali ang iniisip kong ginamit lang ni Vrel si Sam para mabuhay ulit.

"Hoy," tinulak ako ng bahagya ni Andy.

Agad ko s'yang nilingon, "Bakit?"

"Ang lalim ng iniisip mo, 'di ka magshare," ngiwi n'ya.

Inirapan ko s'ya, "Iniisip ko lang kung bakit ganoon si Vrel, parang itinataboy n'ya lagi si Sam."

Nakita kong matigilan si Andy na tila napaisip rin, kalaunan ay napanguso at nilingon si Samara.

"Ewan ko ba, support pa naman ako sa unique love story nilang dalawa," aniya, "Naaawa na ako kay Sam, ng dahil sa pag-ibig ay napahamak ng ganito kalala."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon