"Kailangan ko nang umalis," iyon lang at naglakad agad ako.
"Sam," muli n'ya akong pinigilan.
Inis ko s'yang nilingon, nanatili s'yang nakatingin sa akin.
"Bakit ba sobrang apektado ka sa nangyari kay Vrel?" diretso ang pagkakatanong n'ya no'n.
Nangunot ang noo ko sa tanong n'yang 'yon, umusbong ang inis sa loob ko. Ang mga n'ya ay talagang nagtataka, kung pwede lang ay talagang sasampalin ko s'ya ngayon sa harapan ko.
"Alam mo ba kung gaano mo sinira yung buhay nung tao?" galit kong tanong, "Limang taon, gano'n kahabang panahon yung nawala sa kan'ya, Renz. Sino bang matutuwa do'n?"
Unti-unting umamo ang mukha n'ya sa sinabi ko, tila nakaramdam ng hiya. Nananatili ang tingin ko sa ka 'ya. Isa rin sa ikinagagalit ko ay ang pagsisinungaling n'ya sa akin noon pa. Hindi ko lubos maisip na nakagawa s'ya ng ganitong kagagohan dahil mistulang santo si Renz kung umasta noon sa harapan ko. Nakakapanlumong isipin na halos ipagmalaki ko pa noon ang pagiging malinis at mabuting tao n'ya sa lahat.
"Pinagsisisihan ko na lahat ng 'yon, Sam. Believe me," sambit n'ya, "And I'm sorry for keeping it a secret."
Ngunit hindi nagawang pagaanin no'n ang loob ko, nananatili ang masamang tingin ko sa kan'ya. Hindi pa rin mawala ang pinaghalo-halong bigat ng pakiramdam na nakakapagod dalhin. Pinangiliran ako ng luha.
"Sobrang hirap ng pinagdaanan ni Vrel pagkatapos ng ginawa ninyo sa kan'ya," galit kong saad, "Kahit gaano ka pa magsisi ngayon, hindi mo na mababawi lahat."
"I know," nagiwas s'ya ng tingin.
"Nang dahil sa inggit," mariin kong sambit.
Nag angat ng tingin sa akin si Renz, ang mgamata n'ya ay nakatingin na sa mga mata ko. Kakikitaan ko ng pagtataka ang mga tingin n'yang iyon.
"You care for him a lot," mahinahon ang pagkakasabi n'ya no'n, "You care for him more than me," may lungkot sa boses n'ya, "Ano ba s'ya sa'yo?"
Natigilan ako sa tanong n'yang 'yon, saglit ko pa s'yang natitigan sa mga mata dahil sa kawalan ng maisasagot. Marahan s'yang nag iwas ng tingin, para bang napuno rin s'ya hinala sa isip. Napalunok ako saka ko tinatagan ang loob.
"Kaibigan," pinilit kong hindi mautal.
"How long?" mahinahon n'yang tanong, "How long have you known each other?"
Hindi ako agad nakasagot, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Ngunit pinilit kong bawiin ang sarili sa ganoong pakiramdam dahil alam kong wala akong ginagawang masama.
"Matagal na," diretso kong sagot.
"Gaano katagal?"
"Kung gaano man katagal 'yon ay wala ka nang pakealam."
Tahimik s'yang nag iwas ng tingin, saka s'ya bahagyang ngumiti. Ang mga ngiti na iyon ay mabigat, tila maging s'ya ay may dinadamdam. Hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan ng ganitong reaksyon n'ya sa mga sinasabi ko.
"You like him?"
Sa tanong n'yang 'yon ay tuloyan akong natigilan. Pinigilan ko ang sarili upang hindi n'ya mahalata ang pagkagulat ko. Hindi ko alam kung saan n'ya nakuha ang ganoong klaseng tanong, kung paano s'ya nakabuo ng ganoong konklusyon sa isip. Ang mga mata n'ya ay diretsong nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.
"Bakit mo ba itinatanong 'yan?" inis kong tanong.
"I just want to know."
"Kung ano mang nararamdaman ko sa ibang tao, akin nalang 'yon. Hindi mo na kailangang malaman—"
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...