Chapter 65

7.6K 449 190
                                    

Hindi pa man nagtatagal ay lumabas si Vrel sa library, ilang minuto ang lumipas ay bumalik s'ya. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ngayon, maging ako ay litong-lito. Gusto kong matuwa, ngunit nangingibabaw ang lungkot. Gusto kong magpasalamat, ngunit hindi ko kayang magsalita.

"Sam?" dinig kong boses ni Renz.

Hindi ko napansin ang pagpasok n'ya, nang lingonin ko s'ya ay nakatayo na s'ya sa harapan ko. Saglit ko s'yang tinitigan, bakas ang pagaalala sa mukha n'ya.

"Are you okay? What happened?" nagaalala nitong tanong.

"A-Ayos lang," nagbaba ako ng tingin saka tiningnan si Vrel.

Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha n'ya, walang bahid ng pagaalala. Mukhang hindi man lang siguro n'ya tatanongin ang kalagayan ko, kung may sugat ba ako o wala. Bumigat ng husto ang pakiramdam ko dahil sa naisip, iniwas ko na lamang sa kan'ya ang tingin.

"You're bleeding," kalaunan ay sambit ni Renz.

Nang tingnan ko s'ya ay nasa tagiliran ko na ang paningin n'ya. Ngayon ko lang rin napansin ang dugo doon, paniguradong dahil iyon sa paulit-ulit na pagdampi ng matalim na kutsilyo kanina habang nakatutok sa tagiliran ko. Nanatili pa ang tingin ko sa mantsa ng dugo saka ko tiningnan si Renz. Labis ang pagaalalang nakikita ko sa kan'ya, na hindi ko nakikita kay Vrel ngayon.

Maaalala n'ya pa kaya ako?

"K-Kaunting sugat lang," sambit ko saka tinakpan iyon.

Agad namang inalis ni Renz doon ang kamay ko, "Don't touch it," ang paningin n'ya ay nasa tagiliran ko pa rin.

Ngayon ko palang rin naramdaman ang hapdi no'n nang mahawakan ko, mukhang hindi mababaw na sugat ang natamo ko. Humugot ako nang malalim na hininga nang unti-unti ko nang maramdaman ang labis na hapdi.

"I have to go," ani Vrel saka naglakad patungo sa pinto.

"Vrel," agad kong pigil.

Tumigil s'ya sa pinto, ngunit hindi ako nilingon. Hindi ko alam kong ilang segundo akong natahimik, nakatingin lamang ako sa kan'ya na nananatiling walang ekspresyon. Gusto kong gumawa ng paraan upang ipaalala ang sarili ko sa kan'ya. Kahit hindi ko na ipaalala ang nararamdaman ko, kahit ang pagkakaibigan nalang naming dalawa.

"P-Pwede ka bang makausap?" halos hindi ko iyon maitanong ng maayos.

Hindi agad s'ya nakapagsalita, inilipat n'ya sa akin ang tingin. Hindi ko mabasa ang ipinahihiwatig ng seryosong tingin n'ya sa akin ngayon, kung pumapayag ba s'ya o hindi. Ang tanging nangingibabaw lamang sa akin ay ang pakiramdam nang pananabik nangmuli s'yang matingnan ng diretso sa mata. Pananabik na dapat ay magaan sa pakiramdam, ngunit sa pakiramdam ko ay sobrang bigat. Ang pananabik na nakakalungkot, pananabik na walang puno ng sakit.

Ngunit ang inaasahan kong pagsasalita n'ya ay hindi nangyari, nanatili s'yang walang imik. Napapahiya na lamang akong nagbaba ng tingin, dumagdag na naman iyon sa bigat ng pakiramdam ko. Humugot ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti.

"A-Ayos lang kung hindi pwede," saad ko, "Naiintindihan ko."

Nagulat ako nang hindi na s'ya nagsayang ng sandali, agad n'yang binuksan ang pinto saka lumabas. Hindi ko na naman maiwasan ang pangiliran ng luha, bago pa man ako tuloyang lamonin ng sakit na nararamdaman ay hinawakan ni Renz ang balikat ko.

"Why are you bleeding? What happened?" hinarap n'ya ako.

Hindi ako agad na nakapagsalita, ilang segundo pang tila ipinroseso ng utak ko ang mga nangyayari maging ang mga tanong ni Renz.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon