SAMARA'S POV.
Napakurap lang ako habang nananatili pa rin na nasa dalawang matanda ang paningin ko. Makailang ulit akong napalunok sa kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko na nga ramdam ang mga tao sa paligid, ang mga mata ko ay napako nalang sa dalawa na hindi ko inakala ang relasyon sa akin.
Lolo, Lola...
Gusto kong maluha, simula nang masilayan ko ang mundo hanggang sa tumanda ng ganito ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makaharap sila. Ngayon ko lamang narinig ang mga boses nila, ngayon ko lang naramdaman ang yakap at hawak nila. At mas lalong ikinatutuwa ng puso ko na malaman na proud sila sa ano mang napagtagumpayan ko ngayon bagaman wala sila sa tabi ko ng napakahabang panahon.
"S-Salamat— po," halos hindi ako makapagsalita.
Ngumiti lamang sila sa akin, walang kasing tamis ang mga ngiti nila. Labis ang pagpipigil ko ng damdamin, gusto kong umiyak at yakapin sila ng mahigpit. Ngunit sa dami ng mga tao na nakaharap sa amin ay ayaw ko nang gumawa pa ng eksena. Pinangiliran na lamang ako ng luha saka ako inakay ng emcee pababa sa entablado. Nakasunod pa rin ang mga paningin ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nakangiti na sa isa't-isa.
Ngayon, wala na ang atensyon ng mga estudyante sa harapan. Ang mga mata nila ay nakatutok sa akin, pinanunuod ang bawat kong hakbang, dinig ang bawat kong pagyapak. Ang lahat ay tila nais yumuko, magbigay pugay. Kita sa mga mata nila ang kaba, hindi ko tuloy miawasan ang mailang.
Mistulan akong malamig na hangin na pinatatayo ang balahibo ng sino mang madadaanan ko.
"Tama ba ang narinig ko? Apo s'ya ng owners?"
"Really? 'Diba nga nag take pa s'ya ng scholarship para mabawasan 'yung laki ng tuition dito?"
"Baka naman mali lang tayo ng nadinig."
"Kung apo s'ya ng owners, edi dapat alam natin una palang."
"Oo nga, tama."
Kabilaan ang bulongan na narinig ko habang naglalakad patungo sa puwesto ko kanina sa ibaba ng stage. Hindi pa man ako nakakarating doon ay diretso na ang tingin ko kay Brynn, s'ya naman itong hindi makatingin sa akin ng diretso. Hanggang sa makalapit ako ay hindi s'ya umimik, ang mga mata n'ya na nasa kawalan ang paningin ay kay talim. Ayaw kong ipagmayabang, dahil maging ako ay nagulat rin, ngunit hindi ko maiwasan ang palihim na mapangiti.
"They know you?" salubong ang kilay n'ya nang lingonin ako.
"Apo yata ako," hindi ko intensyon ang magtunog sarkastiko.
"Really? baka apo sa tuhod?" natawa s'ya, "Should I fear you?"
"Ikaw lang ang makakasagot n'yan," seryoso kong saad saka s'ya diretsong tiningnan, "Dapat ka nga bang matakot?"
"No!" mariin n'yang depensa, "Bakit ko kakatakutan ang isang apo lang?"
Hindi ako sumagot saka naglakad na lamang paalis. Hindi na muna ako dumiretso sa upoan ko, umikot ako upang maghanap ng banyo. Nang makalabas sa hall ay tila lumuwag ang pakiramdam ko, gumaan ang lahat sa akin. Para akong inilulutang, kung paano nagulo ang isip ko noon ay ganito naman ito nabubuo ngayon.
"Why are you here?" maya-maya lang ay narinig ko ang boses ni Vrel.
Agad kong nilingon ang gawi n'ya, maamo ang mukha n'ya habang palapit sa akin. Ayon na naman ang mga braso n'ya na yumapos agad sa bewang ko. Para tuloy akong nakalunok ng mga paro-paro, ngayon ay nagwawala sa loob ng tiyan ko.
"Hey," muli n'yang sambit.
Napakurap ako saka naibuka ang bibig upang sumagot sana ngunit walang lumalabas na salita. Kaba lang at kakaibang pakiramdam sa tiyan ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...