Kagaya nga ng naunang nangyari, sinamahan ulit ko ni Zia at Andy sa ikalawang beses na pagsasanay ko kasama si Renz. Kagaya rin ng inaasahan, ay biglaan na naman ang pagsulpot ni Brynn mula sa kung saan-saan. Ilang araw ang lumipas ay mas madalas na nila akong samahan dahil mas dumadalas na rin ang pagsulpot ni Brynn upang hingin ang oras ni Renz sa tuwing magkikita kami nito.
Ilang linggo na ang lumipas ay mas naging kumportable ako sa paligid ko bagaman hindi talaga maalis ang mapanghusgang mga mata ni Brynn at Loceanne kasama ng mga kaibigan nito. Ngunit sa kabila ng pagiging kumportable at pagiging kampante ko, ay mayroon pa ring parte sa puso ang nawawala. At isang tao lang ang makakapuna sa nawawalang parte na iyon.
Ilang linggo ang lumipas at sa wakas ay mas dumarami ang natututunan ko kay Renz, unti-unti na akong nasasanay. Mas mabilis na rin akong makapag-isip at mag-kalkula ngayon, natuto na rin akong intindihin ng mabuti ang bawat lesson na inaaral ko at makuha agad iyon sa maikling panahon.
Bumuntong hininga ako saka na lamang sinimulang galawin ang pagkain ko. Nasa dining hall kami ngayon dahil lunch na, sinimulan kong kainin ang pagkain ko saka nag-angat ng tingin kina Andy at Zia na ngayon ay tuwang-tuwa habang naguusap.
"Grabe beks, excited na talaga ako!" kinikilig na sigaw ni Zia, hindi man ganoon kalakas ay masakit pa rin iyon sa tenga.
"Ako rin, kaloka. Si Daddy daw ang bahala sa isusuot ko, sana lang ay magustohan ko ang design," nasasabik rin na tugon ni Andy.
Bahagyang nangunot ang noo ko habang ang tingin ay palipat-lipat sa kanilang dalawa. Naitigil ko ang pagnguya.
"Anong meron?" nagtataka kong tanong.
"Hindi mo alam!?" gulat na tanong ni Zia, "Bukas na ang welcome party, Sam. Wala ka bang kalendaryo?"
Mas lalo pa akong natigilan sa narinig, ang totoo ay wala talaga akong ideya na bukas na pala ang party na iyon. Marahil ay dulot ng pagiging abala ko sa napakaraming araw na nagdaan, at ang pagiging seryoso ko sa pagaaral ang pagkalimot ko sa party na iyon.
Bigla ay dumagundong ang kaba sa dibdib ko, hindi ko alam ang pinagmumulan no'n. May kakaibang pakiramdam ang muling nabubuhay sa loob ko, pananabik, pag-asa. Hindi ko mawari ang saya, bagaman walang kasiguradohan kung makikita ko nga ba ang tao na kinasasabikan kong makita.
"Ano kayang itsura ko kapag naisuot ko na ang gown ko," natutuwang sambit ni Zia habang nasa ere pa ang tingin.
"Hindi mo ba sinukat?" tanong ni Andy.
"Hindi, ano ka ba. Kase kapag isinuot ko agad ang gown, baka hindi matuloy ang event bukas."
"Kaloka ka, aattend ka ng party teh hindi ka ikakasal."
"Kahit na 'no! mabuti nang maging maingat."
Hindi ko na pinansin ang pagtatalo nilang dalawa, nananatili akong tulala. Napakaraming bagay ang labas pasok sa isip ko, napakarami kong inaasahang mangyari sa gabing iyon. Ngunit dulot ng takot na baka mabigo, ay pinilit ko na lamang alisin ang pananabik sa puso ko.
Darating ka rin ba?
"At ikaw naman teh, sumama ka sa'kin sa bahay at ipapakita ko sa'yo ang gown mo," ani Zia na tinapik pa ako.

BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Fiksi RemajaSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...