Chapter 19

7.8K 486 368
                                    

Ang aga-aga ay ganito agad ang salubong sa akin, wala na akong magagawa kundi ang hintayin ang pagpunta dito ni Renz ano mang oras. Gusto kong takasan ang pagkakataon na 'yon, ayaw ko s'yang makausap o kabit makita man lang.

"Pupunta ako sa garden." sambit ko saka nilingon si Zia.

"Anong gagawin mo don?" tanong n'ya sa akin.

"Magpapahangin." tugon ko saka tumayo, "Kung sakaling dumating si Renz, sabihin mong hindi mo alam kung nasaan ako." tugon ko.

"Kaya ko nga pinapunta dahil gusto ko kayo marinig na magusap." ngiwi n'ya.

"Ayaw ko s'yang kausap." tugon ko saka tumalikod.

Hindi na nagsalita si Zia at hinayaan akong makalabas. Ayaw kong makausap si Renz dahil ayaw ko nang marinig ang ano pang mga sasabihin n'ya. Hindi ko s'ya gustong makita at makausap, kahit anino n'ya ay hindi ko gustong matanaw. Hindi dahil sa hindi pa ako nakaka move on, sadyang gusto ko lang putolin ang koneksyon ko sa kan'ya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na ako sa garden, gaya ng inaasahan ay napagaan agad ng tanawin ang pakiramdam ko. Nakangiti kong sinalubong ang malamig na hangin, saka ako marahang naglakad patungo sa sementong upoan na nandoon. Kung pwede lang ay dito ko na ilalagay ang higaan ko at dito na rin magpapagaling.

Huminga ako ng malalim saka hinayaan ang sarili kong tanawin ang lahat ng nais kong tanawin. Kalaunan ay pumasok sa isip ko si Vrel, agad akong umayos ng upo upang lingonin ang buong paligid. Hindi ko s'ya makita, napanguso na lamang ako saka ibinalik ang tingin sa mga bulaklak maging sa malawak na tanawin ng lungsod.

Maya-maya lang ay isang pamilyar na tindig ang natanaw ko sa malayo, naglalakad ito palapit sa akin. Agad akong napangiti nang napagtantong si Vrel 'yon. Ang mga tingin n'ya ay nasa akin na rin. Nang makalapit s'ya ay naupo s'ya sa parehong simentong upoan na inuupoan ko, ngunit gaya ng inaasahan ay may agwat parin ang pagitan namin.

"Wala ka rito kanina." iyon agad ang sinabi n'ya.

Ilang sandali akong napatitig sa kan'ya, nasa tanawin ang paningin n'ya. Nagpipigil ng ngiti kong inalam ang ibig sabihin ng sinabi n'yang 'yon. Napapatango akong nagiwas ng tingin saka tuloyang napangiti.

Hinahanap n'ya ako dito kanina?

"Hindi kase agad ako bumangon kanina." tugon ko, "May sira ulo kaseng naging dahilan kung bakit ang pangit ng gising ko." inis kong sambit.

"Who?" tipid n'yang tanong.

"Yung ex ko." ngumiwi ako, "Ewan ko ba sa inyong mga lalaki, bakit ang hirap para sa inyong panindigan ang mga desisyon ninyo sa buhay." inis kong saad, "Kayo ang makikipaghiwalay, pagkatapos ay bigla kayong magpaparamdam. Napakabilis ninyong magsawa." dagdag ko.

"Bakit ako nadamay?" inosente n'ya akong nilingon.

Napakurap ako sa tanong n'ya, "S-Sige, except sayo." tugon ko.

Nakita ko s'yang huminga ng malalim saka tumingin muli sa tanawin.

"Ang hirap rin sa inyong mga babae, kapag sinaktan kayo ng isa, idadamay ninyo lahat." kalaunan ay saad n'ya.

Napanganga ako sa sinabi n'yang 'yon, wala akong maisagot. Napakurap nalang ako saka napaiwas ng tingin, kung sa bagay ay tama naman s'ya. Karamihan nga talaga sa mga babae ay dinadamay ang lahat ng lalaki sa mundo kapag sinaktan sila ng isa.

"All men are different." muli n'yang sambit, "Kung lahat ng lalaki ay kagaya ng ex mo, bakit may mga pamilyang masaya?" tanong n'ya saka ako nilingon.

Hindi ako nakasagot, nakuha ko ng ibig n'yang sabihin. Napapahiya nalang akong nagiwas ng tingin. Ang inaasahan ko ay dadamayan n'ya ako sa galit ko sa ex ko, ngunit nauwi ito ngayon sa pangaral. Palihim nalang akong napangiwi, saka malalim na bumuntong hininga.

"Stop blaming men for a boy's mistake." kalaunan ay saad n'ya.

"Imbis na damayan pinagalitan pa 'ko." bulong ko.

Hindi s'ya nagsalita, siguro ay talagang hindi n'ya ako narinig. Bumuntong hininga nalang ako saka tumingin sa tanawin. Kung sabagay ay tama rin s'ya, bakit ko nga naman idadamay ang ibang tao kung isang tao lang ang nanakit sa akin. Ngunit hindi pa rin maaalis non ang galit sa loob ko.

"You seem so mad." kalaunan ay sambit ni Vrel.

Tipid akong natawa saka tumango at huminga ng malalim, "Sobra." tugon ko, "Sino ba namang hindi magagalit, kung hiniwalayan ka at ang gagawing dahilan ay wala na s'yang nararamdaman."

"What if he's just being honest with you?" tanong n'ya.

"Tapos after a week may ka-date na?" tanong ko saka natawa, "Nandoon na ako sa pagiging totoo n'ya, pero kung inamin n'yang nawala ang nararamdaman n'ya para sa akin dahil may bago na s'ya, mas gusto ko 'yon. Kung gano'n ang ginawa n'ya edi sana isahang sakit lang ang naramdaman ko." saad ko.

Hindi s'ya sumagot, seryoso n'ya lang akong tiningnan. Ako naman ay hindi rin agad nadugtongan ang sinasabi, marahil ay dahil sa galit na nararamdaman. Nag iwas nalang ako ng tingin saka huminga ng malalim upang ikalma ang sarili.

"You still have feelings for him?" kalaunan ay tanong n'ya.

"Ako? Ang tagal na non, syempre wala na!" agad kong sagot.

"Bakit parang nasasaktan ka parin?" diretso n'yang tanong.

"Wala na akong nararamdaman sa kan'ya, pero syempre hindi ko parin maalis ang inis at galit sa tuwing naririnig o naaalala ko ang bagay na 'yon." bumuntong hininga ako, "Ikaw ba naman ang gagohin, mapapatawad mo kaya ng ganoon kadali yung nanggago sa'yo?" ngumiw ako.

"Gaano ba kayo katagal?" tanong n'ya.

"5 years." tugon ko saka nagiwas ng tingin, "Tagal 'no? 5 years ang nasayang ko sa kan'ya." natawa ako.

"You only regret it because of the pain, but I'm sure you're thankful of the memories." saad n'ya saka ako nilingon.

"Yung ibang memories lang, kagaya ng pagtuturo n'ya sa akin ng mga nalalaman n'ya sa School, o kaya naman sa math." tugon ko, "Magaling rin sa calculus 'yon, sa kan'ya ako natuto. Matalino s'ya kahit repeater." nakangiti kong sambit.

"Really?" mayabang ang pagkakatanong n'ya no'n, "Better than me?" tanong n'ya.

Napanganga ako sa tanong n'yang 'yon, "Hindi ko alam, pero kung ikukumpara ko ay mas madali kong naiintindihan ang mga itinuro mo. Sa kan'ya kase ay linggo pa ang inabot bago ko matutunang i-solve ang isang problem. Sa'yo ay dalawampung minuto lang." paliwanag ko.

Napangiti s'ya na tila natutuwa sa isinagot ko. Kakaiba rin pala ang lalaking 'to, natutuwa kapag napupuri. Natatawa ko nalang s'yang tiningnan saka ako nagiwas ng tingin. Totoong kinakikitaan ko ng mas lamang na talino si Brel kumpara kay Renz, dahil mas madali akong nauto kay Vrel kesa noon. Nakakatuwang ilang minuto lang ang ginugol ko upang matutunan ang mga topic na nasa exam noong nakaraan.

"Bakit nga pala ang talino mo sa Calculus?" tanong ko.

"I love solving equations and problems." tugon ni Vrel ngunit hindi ako nilingon, "I don't have any interest about calculus at first, but someone taught me a lot about it." dagdag n'ya.

Napatango ako sa narinig, talaga palang hilig n'ya na ang pagso-solve ng kung ano-ano. Hindi na nakakapagtaka na ganoon s'ya kagaling, maski hindi gamitan ng lapis at papel ay kaya n'yang sagotan iyon ng hindi lagpas sa isang minuto. Napangiti na lamang ako habang iniisip kung gaano s'ya kagaling doon, kahanga-hanga na may gwapong lalaki pala talagang gaya ang magaling sa ganitong bagay. Nasanay kase ako na nakasalamin at nerd ang magagaling sa ganito, gwapo sana ngunit mailap sa tao at walang lovelife sa bokabularyo.


____________
next chapter...

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon