Gulat pa rin ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Vrel, ang sinabi n'yang iyon ay hindi ko lubos inasahan. Tila ganito na yata talaga kahina ang pakiramdam ko, napakurap nalang ako sa tagal ng pagkakatitig ko kay Vrel.
Anak s'ya ng Dean...
"I-Ikaw pala ang tinutukoy nilang anak ng Dean." sambit ko.
Hindi s'ya sumagot, ngunit alam kong sa nga tingin n'yang 'yon ay oo ang sagot n'ya. Hindi ko pa rin maalis ang pagkabigla sa pakiramdam ko, lalo pa't ilang beses na akong nakakarinig ng usap-usapan patungkol sa anak ng Dean.
S'ya rin pala ang tinutukoy ni Doc Stephen...
Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga kwento nila dahil sa nalaman. Ngunit may isang bagay akong ipinagtataka, ang kwento sa akin ay naging kritikal daw ang anak ng Dean dahil sa hazing. At ang sakit ngayon ni Vrel ay brain cancer.
"Pero bakit hazing ang sinasabi nilang dahilan kung bakit ka nandito?" usisa ko sa kan'ya.
Sandali pa s'yang natahimik saka muling tumingin sa malayo, sobrang dilim na ng langit at tanging buwan at mga tala nalang ang nagsisilbing liwanag nito. Muli kong inilipat ang tingin kay Vrel, nanatili s'yang nakatingin doon.
"That's what they all know." aniya saka ako tiningnan.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka, nanatili akong nakatingin sa kan'ya. Ngayon ay napukaw na naman ang interes kong makinig at umusisa ng buhay ng iba. Mainam ko lang na tiningnan si Vrel na ngayon ay hindi pa muling nagsasalita.
"Nangyari 'yon pagkatapos ng awarding noong nanalo ako sa math tournament, I was in first year college." saad n'ya, "Dalawa lang kaming contestant para sa calculus competition, me and my bestfriend."
Nanatili akong nakikinig, gusto kong malaman ang detalye ng nangyari kay Vrel. Dahil kung iyon nga ang dahilan ng brain cancer n'ya ngayon ay talagang demonyo ang mga gumawa nito sa kan'ya. Kalaunan ay mulingnag iwas ng tingin si Vrel saka naupo sa tabi ko, ang mga mata ko ay nakasunod lang sa bawat galaw n'ya.
"And I won." tipid s'yang ngumiti sa akin.
Napangiti rin ako, dahil kung iisipin ay s'ya lang rin pala an tumalo sa record na s'ya rin ang may gawa. Talagang napakatalino pala ng lalaking 'to, hindi ako makapaniwalang kayang magbigay ni Lord ng ganito kasaganang utak.
"But sadly, they are not happy with the result." aniya saka inilipat muli ang tingin sa langit, "Later that day before I get in to my car, someone pulled me from nowhere. Then he covered my face with clothe, at alam kong nawalan ako ng malay dahil doon. The moment I woke up, was also the moment I realized that it was my bestfriend who betrayed me." muli s'yang ngumiti saka nagbaba ng tingin.
Mas lalo akong hindi naka-imik, hindi na naman ako makapaniwala sa narinig. Nakaklungkot isipin na hindi ibang tao ang may gawa sa kan'ya nito, kundi ang mismong bestfriend n'ya. Sa napakahabang panahon ng pagkakaibigan namin ni Zia ay hindi namin narnasang traydorin ang isa't-isa. Sa naaalala kong sinabi ng step mother n'ya ay iisa lang ang naging kaibigan ni Vrel. Kung ganoon ay maski ang magkaroon ng tunay na kaibigan ay hindi n'ya rin pala naranasan.
Totoo ngang hindi lahat ng tao na malapit sa iyo ay maituturing mong totoo.
"Hindi dapat tinuturing na kaibigan 'yan." tutol ko, "Grabe ang ginawa n'ya sayo."
Hindi s'ya sumagot, nanatiling wala sa akin ang paningin n'ya. Kung ako ang nasa posisyon ni Vrel, ay sasaniban ko ang katawan ng bestfriend n'ya at saka ko iuuntog ng iuuntog ang ulo no'n sa pader para patas kaming may tumor sa ulo. Nakaramdam ako ng inis dahil sa nalaman ko, may halong lungkot rin dahil sa katotohanang kaibigan n'ya ang may gawa sa kan'ya nito.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...