ZIA'S POV.
Nasa mall ako, share ko lang.
Kanina ko pa tinatawagan si Andy dahil niyaya ko s'yang magpunta dito. Hindi pa kase sapat sa akin ang binili kong sunscreen noong isang araw kaya plano kong bumili ng ilan pa. Isasabay ko na rin ang pagbili ng susuotin for swimming kahit pa hindi sigurado kung maaari ba kaming lumangoy sa resort na iyon.
Muli kong sinubokang tawagan si Andy, sa wakas ay sumagot na rin ang bruha.
"Bakla! Ano na?" tanong ko agad sa kan'ya.
"Hindi makapaghintay teh? Kararating ko lang." aniya.
"Saan ka banda?"
"Nasa parking lot pa."
"Anong ginagawa mo d'yan?"
"Wala na akong karapatang mag-parking teh?"
"Bilisan mo!"
Agad ko nang ibinaba ang tawag, ilang minuto lang ay natanaw ko na si Andy. Malayo pa man ay kita ko na kung paano n'ya ako irapan.
"Tara na, doon tayo sa watsons." anyaya n'ya.
"Anong bibilhin natin sa watsons?" nagtataka kong tanong.
"Check natin baka nagbebenta silang pala, ihahampas ko sa'yo," sambit n'ya, "Malamang bibili ng sunscreen!"
Ngumuso nalang ako, "Sabi ko nga," sambit ko, "Bilisan natin baka marami nang tao doon, mahiyain ako."
"Ay talaga marunong kang mahiya?" gulat n'ya pang tanong.
Agad na kaming dumiretso at pumasok doon. Kagaya nga ng inaasahan ko, may mga tao na sa loob. Ang ilan ay nasa cashier na, habang ang karamihan ay namimili pa rin.
"Ang daming tao," bulong kong reklamo kay Andy, "Masikip."
Nilingon naman n'ya ako, "Sa susunod kase teh kung ayaw mo ng may kasabay bumili, magpunta ka dito ng alas dos."
"Ng hapon?"
"Madaling araw teh," nginiwian n'ya ako, "Tingnan natin kung may makasabay ka pa."
Inirapan ko nalang s'ya saka kami nagpunta sa area kung saan nandoon ang iba't-ibang skincare products. Hindi ko na tiningnan pa ang presyo, agad na akong dumampot ng sampong piraso nang natitirang 500ml sunscreen lotion.
"Ilan ba ang katawan mo teh?" gulat na tanong ni Andy, "Sobra naman ang sampo, gan'yan pa kalalaki!"
"Baka kulangin." depensa ko.
"Kulangin???" mas gulat n'yang tanong, "Kukulangin pa 'yan?? Paano ba sa tingin mo ginagamit ang sunscreen? Ipinanliligo??"
"Ah basta 'wag ka na ngang umangal," tinulak ko ang mukha n'ya para pumunta sa kabilang side.
Agad rin naman s'yang sumunod at nagtingin-tingin na rin sa mga nandoon. Ilang sandali pa ay tila namumukhaan ko ang apat na babae sa hindi kalayuan, mukhang papasok rin sila dito. Agad kong siniko si Andy upang lingonin n'ya rin ang gawi kung saan ako nakatingin.
"Psst!" sitsit ko kay Andy.
"Sino bang sinisitsitan mo d'yan?" nilingon n'ya ako.
Hindi ako nagsalita, isinenyas ko lang ang entrance. Agad naman n'yang nilingon 'yon, nakatalikod man ay alam kong tumaas rin ang kilay ni Andy sa nakita.
![](https://img.wattpad.com/cover/286704645-288-k877845.jpg)
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...