Chapter 78

6.6K 505 687
                                    

ZIA'S POV.

Bagot.

Dalawang araw na ang lumilipas ng wala si Samara. Kahit na nabubuhay naman kami ni Andy sa parehong kalokohan, ay iba pa rin talaga kapag hindi kumpleto ang magkakaibigan. Hindi na namin nabisita si Sam noong mga nakaraang araw dahil kailangan n'yang magpahinga, naisip kase namin na kung nandoon kami ay mabubulabog lang namin s'ya.

Ganoon na ba talaga kami kagulo? Hmmp.

"Hoy ilang galon ba ng ihi 'yang inilalabas mo??" kinatok ko ang pinto.

Hindi s'ya sumagot, narinig ko lang ang pag agas ng tubig na paniguradong mula sa gripo. Nariyan na naman s'ya sa maya't-mayang paghihilamos. Noong isang araw kase ay tinuboan s'ya ng tigyawat sa kaliwang pisngi, halos mawalan s'ya ng ganang mabuhay dahil sa iisang tigyawat na 'yon.

"Ang apurada naman neto," reklamo n'ya nang makalabas.

"Eh ang tagal mo kase, gutom na ako," reklamo ko pabalik.

Maya't-maya ang punas n'ya ng tissue sa mukha. Hindi naman kalakihan ang tigyawat n'yang 'yon, parang pantal lang. Sumobra lang talaga yata sa kape ang lokang 'to, sa simpleng tigyawat ay grabe kung mataranta.

"Napaka OA mo, para sa isang tigyawat lang," inirapan ko s'ya.

"Hoy, grabe ka sa'kin. First time ko kase 'to, kutis papaya kaya ako simula bata," aniya saka nanguna sa paglalakad, "Paano na 'to, paano ako haharap sa ibang tao? Huhu!"

"Pwede ba? Kumalma ka nga. Kahit magwala ka d'yan, hindi 'yan mawawala agad sa pisngi mo," naiirita kong saad sa kan'ya.

Nagpatuloy pa rin s'ya sa pag-iling na kunwaring umiiyak, talagang hindi n'ya matanggap ang tigyawat sa pisngi. Kunwari pa s'yang natutumba-tumba habang naglalakad. Napakasarap n'yang itulak sa hagdan.

"Nakakahiya sa mga fafa, makikita nila akong may bulkan sa mukha," talagang naiiyak n'yang sambit.

"Para kang timang," ngiwi ko, "Ang iba nga d'yan ay hindi lang isa ang tigyawat sa mukha, pero hindi naman ikinahiya ang sarili."

Nilingon n'ya ako na tila may sama ng loob, "Alam mo ba kung anong mas nakakasama ng loob?" tanong n'ya, "Gumagastos ako ng isang daang libo para kuminis ang balat ko tapos tutuboan lang ako nito?" nanlulumo n'yang itinuro ang tigyawat.

"Sino ba kaseng nagsabi sa'yo na hindi ka na tutuboan ng tigyawat kapag gumastos ka ng daang-daang libo?" nakangiwi ko s'yang pinangunahan sa paglalakad, "Ewan ko sa'yo, mangisay ka d'yan."

Inirapan n'ya lang ako saka kami sabay na naglakad pababa ng building. Napakaraming estudyante, nakakapanibago. Ang ilan ay iba kung makatingin sa amin, marahil ay dahil pa rin sa mga chismis na ipinapakalat nila Loceanne at Brynn.

Kung dati kase ay ikinakalat nilang attention seeker si Sam at gumagawa lang ng eksena para kay Vrel, ngayon naman ay ikinakalat na rin nilang nag cheat si Samara sa calculus contest noong nasa hospital pa kami. Pati ang nursing students ay idinawit nila, kami daw ang naging daan para makapandaya si Samara.

Ano ba talagang ipinaglalaban nila? Mga baliw.

Nang makarating kami sa dining hall ay agad na kaming umorder ni Andy ng pagkain. Sabay kaming nagpunta sa counter dahil marami pa namang bakanteng lamesa at hindi na namin kailangang magbantay ng puwesto.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon