Chapter 49

7.2K 447 239
                                    

Nanatili akong walang kibo, ang tingin ay hindi maalis sa matanda. Talagang hindi kakikitaan ng ano mang bahid ng pagsisinungaling o panloloko ang mga mata nito, sa tuwing titingnan ko ang mga mata n'ya ay para bang nakikita ko ang kinabukasan ko.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Ang mga sinabi ko, ay ang kapalaran na naghihintay sa'yo," aniya saka iniligpit ang braha.

Saglit akong napatulala, "Magiging masaya po ba ako sa huli?" hindi ko na naiwasan ang magtanong.

Narinig kong hunagikhik si Zia, "Ayaw daw n'ya maging spoiler," aniya sa akin.

Inirapan ko lang s'ya saka muling tiningnan ang matanda. Ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi ako sinagot ng matanda, tumitig lang ito sa akin ng ilang segundo saka iniwas ang tingin. Napalingon nalang ako kay Zia at Andy na ngayon ay nagtataka na rin ang tingin sa matanda. Wala na akong nagawa kundi ang mapakurap sa kakaibang pakiramdam, hindi ko alam kung saan nagmumula ang kagustohan kong kumapit sa lahat ng sinabi ng matanda.

Agad rin akong nanumbalik sa reyalidad, "Magkano po?" tanong ko.

"Ang alin?" tanong nito.

"A-Ang ginawang paghula po ninyo sa'kin."

"Libre nalang iyon, ako rin naman ang nagpa-upo sa'yo rito."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang sinabing iyon ng matanda, kalaunan ay ngumiti nalang rin ako saka tumayo.

"Salamat po," sambit ko.

"Walang ano man," matamis itong ngumiti sa akin.

Nilingon ko sila Zia at Andy, "Hindi ba kayo magpapahula?"

"Libre rin ba?" tanong ni Andy.

Siniko s'ya ni Zia, "Napakaburaot mo," kunot noong aniya saka tiningnan ang matanda, "Kaibigan rin po kami nito, baka pwedeng libre nalang?" aniya na itinuro pa ako.

"Namburaot ka lang rin, eh. Pinahaba mo lang," angal ni Andy.

"Atleast with respect," inirapan s'ya ni Zia.

Napailing nalang ako saka nilingon ang matanda, wala na sa amin ang atensyon nito kundi nasa tatlong braha na kanina ay pinili ko. Ang mga tingin n'ya rito ay nanunuri, tila ba interesadong-interesado sa sariling mga sinabi.

"'Wag na tayong magpahula, teh. Baka kung ano pang makita," ani Andy na kinalabit pa si Zia.

"Mas maganda nga 'yon eh," angal ni Zia, "Mas-spoil tayo sa sarili nating buhay."

Kalaunan ay nakapagdesisyon nalang rin ang dalawa na huwag nang magpahula. Nakakapagtakang hindi ako siningil ng matanda, ngunit nang tanongin namin ang mga nakapila sa labas ay nagpapabayad daw ito ng tatlong daan. Kung talagang totoo at magaling s'yang manghuhula ay hindi s'ya makukuntento sa tatlong daan lang. Bumuntong hininga ako, kung sabagay ay dapat lang s'yang magbaba ng presyo dahil mga estudyante ang customers n'ya rito.

"Ganda ng hula sa'yo, Sam," kalaunan ay sambit ni Zia, "Sino kayang tinutukoy n'ya na tinitibok ng puso mo? Si Renz o yung gwapitong multo?"

Agad ko s'yang tiningnan ng masama sa sinabi n'yang iyon, "Wala na si Renz sa akin."

"Edi yung poging multo?" kinikilig n'ya pang tanong.

"Sinong pogi?" sabat ni Andy, "At saka bakit multo?"

"Alam mo," umakbay pa si Zia kay Andy na talagang sabik magkuwento, "Alam kong malabo na maniwala ka, pero may nakilala si Sam na poging multo sa hospital nung na-food poison kami."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon