Nang magmulat ako ng mata ay nasa hospital pa rin ako, hindi na bago sa akin ang pakiramdam. Marahan kong inangat ang sarili hanggang sa maisandal ko ang likuran sa headboard ng hospital bed. Hindi na ganoon kahina ang katawan ko, hindi na rin gaanong masakit ang sugat sa tagiliran ko bagaman nararamdaman ko ang hapdi no'n sa tuwing mababangga ko.
"Dahan-dahanin mo ang pagbukas ng pinto baka magising," dinig kong sambit ni Andy habang pareho silang papasok ng pinto.
"Sige sige, hawakan mo 'to," ani Zia saka inabot kay Andy ang isang bugkos ng hinihinala kong bulaklak.
"Anong ginagawa n'yo?" nagtakaka kong tanong.
"Anak ka ng bulaklak!!— ay Sam!" nagulat pa sila nang malaman na gising ako.
"U-Uy, Sam long time no see," nauutal pang sambit ni Andy habang tila hindi malaman ang sasabihin, "Nako, wala wala, nagiingat lang kami na 'wag kang magising. Etong bulaklak? Nako wala 'to—"
"Huy! Hindi naman tinatanong," hinampas s'ya ni Zia saka lumapit pa kay Andy na tila ay ibinulong.
Kamalas-malasang hindi ko iyon nagawang marinig. Nakita kong kumurap si Andy saka inayos ang sarili, naglakad silang dalawa palapit sa akin saka inilapag ang bulaklak sa side table ko. Napako ang tingin ko sa bulaklak na iyon na mayroon pang maliit na sulat sa loob. Hindi ko na nilingon sila Zia at Andy nang kunin ko ang maliit na card.
'You might think I'm far,
I can't fight my fear.
Stare at me like a star,
I'm far, but I'm just here.'From: :(
Napakurap ako nang makita ang nakasulat sa huli, hindi nakalagay ang pangalan ng nagbigay. Nakatitig lang ako sa iginuhit na sad face doon. Hindi ko man mahulaan kung kanino ito nanggaling, ngunit sa nilalaman ng tula ay may kutob ako.
Kaagad akong nag angat ng tingin kila Andy at Zia, na ngayon ay nagtitinginan. Ilang sandali pa ay sabay nilang inilipat ang tingin sa akin, mukhang nagulat pa sila nang makitang nakatingin rin ako. Ipinagtataka ko ang mga kilos nila.
"Kanino 'to galing?" tanong ko sa kanilan dalawa.
Napapansin ko pa ang pagsiko ni Andy kay Zia, ganoon rin si Zia sa kan'ya. Tila nagtuulakan sila kung sino ang sasagot. Pinandidilatan pa nila ng mata ang isa't-isa, ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin sila nagsasalita.
"Huy," inagaw ko ang atensyon nila, "Saan 'ka ko ito galing?"
"Sa Guard," si Andy.
"Sa Mommy mo," sabay rin na sagot ni Zia.
Nagkatinginan sila nang hindi magtugma ang sagot nilang dalawa, doon palang ay alam ko nang may pinagtatakpan sila. Pinilit kong talasan ang tingin sa kanilang dalawa.
"O-Oo sa Mommy mo," tugon naman ni Andy.
"Sa Guard pala," sabay na namang sagot ni Zia.
Sabay silang napapikit ng mariin, bumuntong hininga na lamang ako. Muli kong binasa ang tula, saka tiningnan ang mga bulaklak. Ang ganda ng mga bulaklak na iyon, sa sobrang hilig ko sa mga bulaklak ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase nito. May dalawang magkahalong kulay ang petals nito, lila na may kaunting puti. Napakagandang tingnan no'n, para s'yang sunflower ngunit mas manipis ang petals.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Novela JuvenilSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...