Chapter 37

7.1K 469 358
                                    

WARNING
_________________________

Segundo ang lumipas nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata ng Dean. Umaasa ako, hindi ako titigil hangga't hindi nahahaplos ng mga salita ko ang puso n'ya. Kakikitaan ko ng pagod ang mga mata ng Dean, bagay na ngayon ko lamang nakita sa kan'ya. Malalim ang mga tingin ko habang nasa Dean pa rin ang paningin, gusto kong malaman ang nararamdaman n'ya. Gusto kong malaman kung ano ang naging epekto ng mga sinabi ko sa kan'ya. Ang mga tingin n'ya ay palipat-lipat sa akin at kay Mama.

Magkakilala sila?

"You may now leave," sabat muli ni Reika.

Ngunit hindi ako natinag, ang paningin ko ay nanatili sa Dean na ngayon ay inililipat na rin ang paningin sa akin. Gusto kong magmakaawa pa, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ni Vrel na kailanman ay hindi n'ya nasabi sa kanila.

"Dean," muli kong sambit, "Sana ay pakinggan ninyo ako."

Hindi nagsalita ang Dean, ang mga mata n'ya ay tila may pinipigilang emosyon. Ang emosyon na gusto kong ilabas n'ya sa harapan ko ngayon, tila gusto n'yang lumuha, nalilito, hindi alam ang magiging desisyon. Batid kong mahirap rin ito para sa Dean, hindi biro ang sitwasyon ng isang magulang na nawawalan ng pag asa sa buhay ng anak.

"Nurse," muling sambit ni Reika, "Please bring them to their room."

Nangunot ang noo ko saka inilipat ang tingin sa kan'ya, tila hindi s'ya napapakali hangga't hindi ako umaalis sa harapan n'ya. Muling umusbong ang inis sa pakiramdam ko, ayaw ko mang makabastos ay hindi ko mapigilan. Sa tindig at kasamaan ni Reika ay hindi s'ya nararapat makatikim ng respeto mula sa ibang tao.

"Natatakot ka ba?" bahagya akong ngumiti, "Bakit? ano bang inaasahan mong ibubunyag ko?"

Hindi na maipaliwanag ang pinaghalong inis at galit sa mga mata n'ya, ang kilay n'ya ay halos mapigtas dahil sa sobrang pagsasalubong ng mga ito. Masama ang tingin n'ya sa akin, walang kasing sama. Ngunit kahit na dumoble pa ang talim ng tingin n'ya sa akin ngayon ay hindi ako masisindak.

"Honey, please tell them to leave," nilingon n'ya ang Dean.

Ngunit hindi ito sumagot, ang mga mata ng Dean ay palipat-lipat lang sa kawalan, sa akin, at kay Mama. Tila walang balak magsalita, o talagang wala lang s'yang masabi sa sitwasyon. Ang mga luha ko ay patuloy na bumuhos, malaya nitong sinakop ang mga pisngi ko.

"Sam," banggit ni Renz sa pangalan ko.

Tahimik ko s'yang nilingon, bagaman may gulat sa mga mata ay bakas pa rin ang pagtataka doon. Hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon, hinayaan ko s'yang tingnan ako sa mata. Hindi ko maintindihan kung paano s'ya nasali rito, kung bakit s'ya nandito. Hindi ko alam ang kwento tungkol dito, sa limang taon namin ay hindi n'ya naikwento sa akin ang tungkol sa koneksyon n'ya sa Dean o kung sino s'ya sa pamilya nito.

"You need to rest," aniya saka naglakad palapit sa akin, "Ihahatid ko na kayo," nilingon n'ya sa likuran ko si Zia.

"Huwag n'yo sanang taposin nalang basta ang buhay ni Vrel," saad ko, hindi pinansin ang sinabi ni Renz.

"How can you be so sure that he will survive?" nagulat ako sa tanong na iyon ng Dean.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon