Chapter 46

7.3K 481 286
                                    

[RENZ POV]

Nananatili ang gulat sa mga tingin ni Sam sa akin, hindi ko s'ya masisisi kung muli na namang gumulo ang isip n'ya dahil sa nalaman.

Sa napakaraming taon, ay pilit kong hiniling sa napakaraming tao na pakinggan nila ako. Pilit kong hiniling na sana ay initindihin nila ang nangyari, ngunit bukod sa Dean, ay wala nang iba pang nakaintindi sa akin. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung sino ang mga nasa likod ng nangyari, ang tanging alam lang ng Dean ay naroon ako nan mangyari iyon.

Halos lumuhod ako noon sa pagmamakaawa, na sana ay huwag nila akong husgahan agad. Sa murang edad ko noon ay hindi ko pa lubos na nalalaman ang mali sa tama, ang tanging kasalanan ko lang ay ang nagpa-uto ako.

=FLASHBACK=

"Look at what you did, Terenz!" sigaw sa akin ni Daddy habang nasa hospital kami.

I am looking at Vrel's body, puno ng pasa at sugat. Ang ulo n'ya ay nananatiling puno ng dugo, halos lahat ay takot na hawakan iyon dahil sa malala nitong kundisyon. Wala akong ibang nagawa kundi ang maluha, dahil wala naman talaga akong magagawa, nangyari na ang bagay na alam kong buong buhay kong pagsisisihan.

Si Dad ang una kong tinawagan nang madala ko si Vrel sa hospital kanina. Mabuti nalang at kinaya ko pang magmaneho kahit pati ang katawan ko ay napupuno rin ng mga pasa at sugat. Nang makarating kami rito kanina ay hindi na ako nagpatingin, si Vrel ang agad kong ibinigay sa kanila.

"What happened!?" kalaunan ay dumating si Tito Vinico.

He's with Tita Reika na ngayon ay nasa buong katawan ko na ang paningin, tila ikinagulat ang sinapit ko ngunit walang kibo.

"I-I'm sorry Tito," agad kong sagot.

"Nurse!" sigaw n'ya sa isa sa mga Nurse, "Bakit hindi ninyo ito inaasikaso!? He's bleeding!"

"Tito, they offered to clean my wounds but I refused," I said, "Hindi ko kayang isipin na ito lang ang sinapit ko, samantalang si Vrel ay gan'yan ang tinamo."

"At kailan mo planong magpagamot!? Sa susunod na taon!?" galit na galit na tanong ni Dad.

Tinatagan ko ang loob saka s'ya nilingon, "K-Kapag gumising na si Vrel, Dad."

Hindi nagsalita, dali-daling naglakad ang Dean papunta sa Emergency Room kung saan dinala si Vrel. Hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino doon, ngunit alam kong hindi nila kayang pigilan ang Dean. Diretso itong nagpunta roon, ako naman ay binabalot ng sobrang kaba.

"You're unbelievable!!" sigaw ulit ni Dad, "Nasa mga pangarap mo rin ba ang pumatay ng tao!?"

"Dad, hindi ko sinasadya—"

"Ang hindi sinasadya, daplis lang, Terenz!" pagpapaintindi n'ya, "You almost killed him! Ano bang naisip mo para gawin 'yon!? or are you even thinking!?"

Hindi ako nakapagsalita, alam kong kahit anong gawin kong paliwanag ay hindi sila makikinig sa akin. Lalo na si Dad, Dad will never listen to me. Kahit nga ang bumilib sa akin ay hindi n'ya magawa. Kaya ganoon nalang rin ang kagustohan kong manalo, dahil alam kong kapag nalaman n'yang talo ako ay manliliit na naman ako sa sarili dahil sa sermon n'ya.

No matter how hard I try, in his eyes, I'm still a failure.

"Sir?" lumapit sa akin ang isang Nurse, "Kailangan na po nating gamotin ang mga sugat ninyo."

"No," sagot ko, "Kailangan munang gumising ni Vrel."

"At talgang nakuha mo pang magmatigas?" ayon na naman ang boses ni Dad, "Punong-puno na ako sa katarantaduhan mo, puro sakit ng ulo ang dala mo sa'kin!"

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon