Chapter 110

611 17 14
                                    

ZIA'S POV

Makalipas ang ilan pang oras ay bumalik na ang lahat at nagkumpulan. Hindi ko tuloy maitago ang tuwa habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng papalapit sa amin. Pakiramdam ko ay may nagawa akong napakagandang bagay sa buhay ko, kahit pa may kaunti sa sarili ko ang nagsasabing isinusubo ko lang ulit si Samara sa panibagong bagay na maaaring ikasakit niya. Pero sa nakikita ko, at sa pananahimik ni Samara nitong nagdaang araw, mukhang wala nang kahit anong bagay ang mas sasakit pa para sa kaniya.

Kung ako sa posisyon niya ay baka higit pa sa pagmumukmok ang ginawa ko dahil sa sakit.

"Lahat ba ay may cards na?" nakangiting tanong ni Ma'am Jaim sa lahat.

Lahat naman ay natutuwang inangat ang card na hawak nila. Ang ilan ay magkakayakap na dahil paniguradong nalaman na nilang sila ang mag-partner, habang ang iba ay umiikot at nagtatanong, sumisilip sa kani-kaniyang cards. Saka hinanap ng mata ko ang lalaking nakapulot ng card na pareho kay Samara, nasa likod siya at mukhang walang interes sa paghahanap ng may kaparehong card na meron siya. Nakapasok lang ang isang kamay sa bulsa habang ang isa ay nakatingin sa card na hawak.

May itsura, naghuhumiyaw ang pagiging magandang lalaki niya. Napangiwi ako sa naisip, hindi kase ako ganoon kadaling pumuri sa itsura ng iba, lalo na sa lalaki. Sobra pa kase ako sa mapili, hindi naman dahil sobrang ganda ko kahit alam ko naman ang katotohanang 'yon, pero dahil ayaw kong bumase lang sa itsura at magaya sa Mommy ko. Bumuntong hininga ako dahil sa naisip. Nakakatawang madalas kong kuwestyonin ang sarili kung bakit hindi ako makatagpo ng lalaking mahuhumaling ako sa tindig, ngunit ngayong may nakaagaw na ng atensyon ko ay hindi ko naman rin gusto ang pakiramdam no'n.

Hindi ko nga alam kung mabuting lalaki 'to.

Napakurap ako sa naisip.

Bakit ko naman aalamin? Wala akong pakealam sa kaniya!

Kaya ako interesado sa kaniya ngayon ay dahil kailangan ko siya para kay Samara. Isa pa, hindi naman talaga ako ganoon ka-interesado sa kaniya. Siguro ay talagang inaamin ko lang na magandang lalaki siya, at hindi na hihigit pa doon. Mas napatitig pa ako sa kaniya nang maglakad siya papalapit, pati ang paglalakad ay cool tingnan. May mga tao pala talagang pinagpala ng husto, wala yata akong maipinta sa itsura at paggalaw niya. Prente at presko lang ang lahat sa kaniya. Tingnan ko lang kung pinagpala rin sa ugali.

"Pahiram nga ng Mic, baka hindi nakapag-tutuli ito," natinag ako sa boses na iyon ni Andy sa tabi ko.

Agad ko naman siyang nilingon, pinandilatan ko pa siya nang mapansin na ako pala ang tinutukoy niya.

"May grasya sa harap mo teh," inginuso niya ang harap ko.

Saka ko nakita ang lalaking iyon sa harap ko. Pasimple pa akong napaatras sa gulat, saka inayos ang sarili at nagtaas ng kilay. Nagsalubong pa ng bahagya ang kilay niya habang nakatingin sa akin, saka bahagyang iniling ang ulo at itinaas ang card na hawak niya.

"Everyone already has a partner except me," aniya na inilibot pa ang tingin sa lahat bago tumingin sa akin, "Baka sumobra sa card."

Hindi ako agad nakasagot, "No, hindi sobra 'yan. May partner ka," sambit ko.

"Mm, I see," aniya saka napakamot, "Is it you?"

Napakurap ako, hindi naman sa OA, hindi ko lang inasahan na ine-expect niyang ako ang partner niya. Matagal bago ako nakasagot, nakatingin lang siya sa akin ng diretso at mukhang inosente naman siyang nagtatanong.

"Tinanong lang, nag-assume na," dinig ko na namang hirit ni Andy, "Wala dito ang partner mo, nasa room niya."

"Oh," naisagot lang nito saka tumingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon