WARNING: wala lang ulit, atleast nagwa-warning kahit 'di ko rin alam para saan.
____________________________
"Samara, anak."
May kakaibang kirot man sa sentido, ay pinilit kong buksan ang mga mata ko. Agad na nagtama ang paningin namin ni Mama nang maimulat kong tuloyan ang mga mata ko. Saka ko rin natanaw si Zia na nasa kabilang bahagi ng hinihigaan ko.
"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanila.
"Na food poison tayo last week kaya nandito tayo sa hospital—"
"Alam ko, Zia," pigil ko sa sinasabi ni Zia.
Nakita ko s'yang tila mabunotan ng tinik at maluwag na huminga, "Akala ko nagka-amnesia ka na dahil sa pagkakabagok."
Nagtaka ako sa narinig, nilingon ko si Mama dahil doon. Bagaman tapos na at maayos na ako ay kita ko pa rin ang pagaalala sa mga mata n'ya.
"Nabagok?" nilingon ko ulit si Zia.
"Sinamahan ko si Tita para hanapin ka sa garden dahil wala ka pang umagahan," saad n'ya, "Tapos nung nakita ka na namin, nakayuko ka lang. Maya-maya ay bumagsak ka sa sahig, diretso ulo."
Hindi ako nakapagsalita sa narinig, ang natatandaan ko lang ay ang pagiyak ko. Ngunit hindi ko alam na ganito pala ang sinapit ko pagkatapos no'n. Kung susukatin, ay paniguradong ang bigat at lungkot ang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay nang mga oras na 'yon.
"Ang sabi sa amin ng Doktor ay maayos naman ang kundisyon mo," saad ni Mama, "Ano bang nangyari? May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?" tanong n'ya.
Sandali akong natigilan saka marahang umiling, kalaunan ay bumuntong hininga.
Hindi ko alam kung gaano kabigat ang dinaramdam ko kanina at naging rason iyon kung bakit ako nawalan ng malay. Ngunit hindi na iyon mahalaga sa akin nang pumasok sa isip ko si Vrel. Ang mga nangyari kanina, kung nangyari nga ba talaga o panaginip lang. Halos pangiliran na naman ako ng luha habang iniisip ang mga 'yon, pinili kong ayosin ang emosyon lalo pa't tila nasa akin ang paningin ng lahat.Vrel, nasaan ka?
Akma akong babangon upang pumunta sa garden kung saan ko s'ya huling nakita. Ngunit hindi ko pa man naiaangat ang sarili mula sa pagkakahiga ay pinigilan na ako ni Mama.
"Magpahinga ka lang muna," aniya sa akin.
Ngunit hindi ako nagpatinag, agad akong bumangon at naupo para sana umalis sa higaan ko ngunit kumirot ang ulo ko, dahilan upang mahinto ako sa paggalaw.
"Magpahinga ka muna, Sam," sambit ni Zia sa akin, "Baka mapano ka ulit."
Ngunit hindi ko pinansin ang sinasabi n'yang 'yon, sinigurado ko munang hindi na muling kikirot ang ulo ko. Saka ako mabilis na umalis sa higaan at naglakad. Alam kong nakasunod sila Mama sa akin upang habulin ako, ngunit hindi ko sila pinansin.
"Samara!" tawag ni Mama sa pangalan ko saka ako hinarap, "Ano bang nangyayari sayo?"
Hindi ko na naman maipaliwanag ang lungkot, ang galit, at ang kirot sa pakiramdam ko. Tinitigan ko lang si Mama ngunit hindi ako sumagot, hinayaan kong tingnan nila ako sa mga mata. Batid kong pinangingiliran ako ng luha, ngunit hindi ko na iyon maitatago sa kanila. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad, ang lakad na nagmamadali ngunit hindi sapat ang lakas upang makatakbo.
"Sam!" tawag rin sa akin ni Zia, "Saan ka ba pupunta?"
"Zia, anak," hindi ko man sila lingonin ay batid kong huminto sila sa paghabol sa akin, "Ikaw na muna ang sumunod kay Samara, tatawag ako ng Nurse."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...