Inilayo ako ni Renz mula kay Vrel, dinala n'ya ako sa lugar kung saan walang makakakita sa amin. Ilang segundo palang ang lumilipas pagkatapos naming huminto sa paglalakad ay agad na nanghina ang katawan ko, ayon na naman ang bigat na akala ko ay natakasan ko na.
Bumuhos ang mga luha ko habang hawak ko ang dibdib, hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong sinasaksak sa iba't-ibang parte ng katawan. Ito na yata ang kirot na maglalagi ng mahabang panahon sa dibdib ko.
"H-Hindi n'ya ako maalala," umiiyak kong sambit, "Nawala ako sa a-ala-ala n'ya, Renz."
Hindi ko magawang gumalaw, nananatili akong nakatingin kay Renz. Ang mga mata n'ya ay seryoso lamang na nakatingin sa mga mata ko, hindi ko alam ang iniisip n'ya ngayon dahil ang tanging nangingibabaw sa akin ay ang sakit. Kahit ang huminga ng malalim ay nagdudulot ng kakaibang sakit sa lalamunan ko, pakiramdam ko ay naapektuhan ako ng husto.
Kaya takot akong masaktan, dahil hindi ko kinakaya.
"Stop crying," kalaunan ay sambit ni Renz.
Ngunit marahan akong napailing, dahil kahit anong pilit ay hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Kahit gaano ko gustohing mawala ang kirot at sakit sa pakiramdam ay hindi pa rin nawawala. Marahan akong naupo sa dalawang hakbang na hagdan doon saka ko hinayaan ang sariling damhin ang bigat ng pakiramdam. Hindi ko na yata ito kayang takasan.
"We need to go back—"
"Gusto kong umuwi," pagputol ko sa sinasabi ni Renz, "Uuwi ako."
Seryoso lang na nakatingin sa akin si Renz nang mag angat ako ng tingin, "You can't," angal n'ya, "Hindi mo kayang magmaneho."
"Kaya ko," agad kong sagot saka tumayo.
"No," mariing sambit ni Renz, "Just sit down and take your time, I'll wait until you feel okay."
"Kaya mo bang maghintay ng ilang buwan?" tahimik akong natawa, "Pagkalipas ng maraming buwan, saka palang ako magiging okay."
Tahimik s'yang tiningnan ang mga mata ko, may kakaiba sa mga tingin n'ya na tila hindi n'ya gusto ang nangyayari. Nagbaba na lamang ako ng tingin sa muling pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Gusto kong sumigaw, lakasan ang loob, kausapin si Vrel at ipaalala ang lahat. Ngunit lahat ng iyon ay hindi ko pa kayang gawin dahil sa labis na kirot sa pakiramdam ko.
"I'll take you home if you want," kalaunan ay sambit ni Renz.
Nag angat ako ng tingin sa kan'ya dahil do'n, kalaunan ay muli lang rin akong nag-iwas ng tingin. Hindi na ako nagsalita, hindi ako tumatanggi. Ang tanging gusto ko na lamang ngayon ay ang umuwi, umiyak at magmukmok.
"Hintayin mo ako, I'm gonna get my key," aniya.
Hindi ako sumagot, nanatiling nakababa ang tingin ko. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin s'ya umaalis. Nang mag angat ako ng tingin sa kan'ya ay seryoso lang s'yang nakatingin sa akin.
"Malayo ang gym dito, do you want to come with me?" mahihimigan ang pagaalala sa tanong n'ya.
Tahimik ko lang s'yang tiningnan, saka ako marahan na umiling. Hindi ko kakayaning maglakad, sobra ang panghihina ng katawan ko na ano mang oras ay maaari akong bumagsak. Hindi rin nakapagsalita agad si Renz, seryoso n'ya lang akong tinitigan.
"'Wag kang aalis d'yan, I'll be back," aniya saka agad na tumakbo paalis.
Tinanaw ko lang s'ya palayo hanggang tuloyan na s'yang nawala sa paningin ko. Nagbaba na lamang akong muli ng tingin, saka muling naiyak. Nakakapagod ang ganitong pakiramdam, hindi ko na naman maipaliwanag. Ang akala ko ay tuloyan ko nang matatakasan ang ganito kagulong isip at kabigat na damdamin dahil sa pagbabalik ni Vrel. Ngunit mas lalo pa itong lumala, na halos hindi ko na kakitaan ng pag-asa kung muli bang manunumbalik ang sigla na nawala sa akin noon pa.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...