Chapter 92

9.3K 538 861
                                    

SAMARA'S POV.

Naglalakad kami papunta sa parking lot nang matapos na ang party. Kasama ko sina Andy at Zia dahil iisa lang kami ng sasakyan, si Kalia kasama si Renz at Vrel ay inihatid kami. Dala ko pa rin ang halo-halong pakiramdam simula pa noong makarating kami sa party hanggang ngayon. Nang makarating kami sa sasakyan ay naiilang ko silng nilingon.

"Kalia, salamat sa pag invite sa amin ha," pasasalamat ni Zia bagaman lasing.

Ngumiti ako kay Kalia nang makita na nasa akin na ang tingin n'ya. Agad rin naman n'yang nilingon sila Zia at Andy saka sila nagyakap. Pasimple kong inilipat and tingin kay Vrel, mabuti nalang at nakababa ang tingin n'ya at hindi ako sinalubong ng mga iyon. Nang lingonin ko si Renz ay nakatingin na s'ya sa akin. Nagugulat kong iniwas sa kan'y ang tingin.

"I'm the one who should say thank you," sinserong sambit ni Kalia, "You made this night memorable for me, thank you so much for coming."

Nakangiti ko silang pinanuod habang nag ngingitian, hindi ko tuloy alam kung paano magsasalita, parang nawalan ako ng boses nang makita kong maglipat ng tingin sa akin si Vrel. Hindi pa rin talaga nawawala ang ganitong dulot ng mga tingin n'ya sa akin. Nakakapanlamig, nakaka-kaba.

"Sam," dinig kong tawag sa akin ni Kalia.

Agad naman akong lumingon sa kan'ya.

"Natutuwa pa rin ako dahil nakilala na kita finally," talagang natutuwa n'yang dagdag, "Parang dati lang naririnig ko ang name mo everytime Vrel is telling me a story of you."

Nakangiti man ay pinilit kong itago ang pagkagulat dahil sa narinig, hindi ko iyon inaasahan. Nailipa ko kay Vrel ang paningin dahil doon. Hindi na s'ya maktingin sa akin, iniiwas n'ya ang paningin na tila ba hindi rin inaasahan ang sinabing iyon ni Kalia. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at tila nawala ang naghalo-halong pakiramdam ko kanina. Iniwasan ko ang ipahalata ang tuwa dahil sa narinig.

Ano ba, Sam. Matigas ang puso mo 'diba, ano na???

Huminga ako ng malalim dahil sa naisip, dapat ay hindi ako basta-bastang nagpapa-apekto. Hindi dapat ako matuwa dahil lang sa mga sinabi ni Kalia. Hindi ko pa rin dapat na hayaan ang sarili kong muling malunod sa parehong pakiramdam. Tama na ang minsang hinayaan ko ang lahat na paglaruan ako, hindi na iyon mauulit pa.

"He also described your face, at hindi s'ya nagkamali, mukha ka nga talagang diwata at diyosa— combined," natutuwa pa n'yang saad.

Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi n'yang iyon. Kung puwede lang na sampalin ang sarili ko ngayon ay ginawa ko na, hindi ko alam kung paano ginagawa ng ibang tao ang maging natural lang ang kilos sa loob ng ganitong sitwasyon. Mahirap nga talaga ang magpanggap at magtago ng nararamdaman, sobrang hirap para sa gaya ko.

Para akong sasabog.

"Thank you sa pag invitation teh," lango rin sa alak na sambit ni Andy kalaunan, "Grabe nag enjoy ako, ang sarap ng pansit n'yo."

Hindi ko alam kung ngingiti ako o sasang ayon nalang sa sinabi ni Andy dahil bukod sa lasing s'ya ay wala namang pansit sa mga handa ni Kalia.

"Hindi ko natikman ang mga inihanda kanina kaya hindi ko alam ang lasa, pero salamat," natutuwa ring sambit ni Kalia.

Naki-ngiti nalang rin ako, ako lang yata ang hindi gaanong naka-inom sa amin maliban kay Kalia na hindi puwede sa alak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin kina Andy at Zia na ngayon ay magkahawak habang pinipilit nalang na ibuka ang mga mata. Laking pasalamat ko nalang na maayos pa silang maglakad at hindi kami pinahirapan, kung sakali ay ako ang lalamonin ng kahihiyan.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon