Sam's POV
Kasabay nang paglamon nang dilim sa kapaligiran ay ang paglamon rin ng sakit at lungkot sa buong sistema ko. Hindi ko pa rin mai-proseso sa akin ang lahat ng nangyayari, kung paanong naging ganito kabilis ang lahat. Salo pa rin ako ni Renz habang unti-unting bumibigay ang katawan ko, hanggang sa tuloyan akong nawalan ng lakas at napa-upo. Hindi ko maintindihan kung paanong naging ganoon kadali para sa kan'yang sabihin lahat ng iyon, kung mayroon na naman bang rason kung bakit n'ya nasabi lahat iyon.
"Iiyak mo lang," rinig kong mahinang sabi ni Renz, "Iiyak mo lahat, sasamahan kita hanggang sa tumahan ka."
May haplos sa akin ang mga sinabi n'yang iyon, bagay na mas gugustohin kong marinig tuwing ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ganito ang nangyayari ay si Renz ang sumasalo sa akin. Siya ang nariyan tuwing hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko, hindi si Vrel. Tuwing mabigat ang pakiramdam ko at gusto kong magpahinga, ang mga kaibigan ko ang nand'yan at hindi si Vrel. Sa mga oras na kailangan ko ng maninindigan para sa akin, wala si Vrel.
Ganito ba ang dapat kong maramdaman?
"G-Ganoon kadali n'ya akong binitawan," halos hindi ko iyon masabi ng maayos, "Bakit ganoon k-kabilis n'ya akong binitawan?"
Hindi sumagot si Renz na hanggang ngayon ay nasa tabi ko, ramdam ko ang mga tingin n'ya sa akin saka ko naramdaman ang unti-unting pag-higpit ng yapos n'ya sa akin. Sandali kaming binalot ng katahimikan na tanging naghahampasang alon at hagulgol ko lang ang naririnig.
"Hindi ka ganoon kadaling bitawan," kalaunan ay sagot n'ya.
Natawa ako ng bahagya, hindi ko alam kung bakit salungat ang sagot ni Renz sa nangyayari. Kung hindi pala ako mabilis bitawan ay mas lalong hindi ko maiintindihan kung paanong naging ganoon kabilis ang desisyon ni Vrel. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, kahit ano sa mga nangyayari ay hindi ko maintindihan.
"Nagawa n'ya," tugon ko, "Kung hindi pala ako ganoon kadaling bitawan, bakit nagawa niya?"
Hindi s'ya nakasagot, hindi na rin ako muling nagsalita pa. Ang malamig na hangin na dumadapi sa balat ko ay mas nagpapaliyab lang sa kirot na kanina pang bumabalot sa buong pakiramdam ko. Ang malumanay na ingay ng mga alon ay nagsisilbing malungkot na musika para sa akin. Gusto kong marinig ang rason kung bakit nakipaghiwalay si Vrel, kung bakit ganoon ang naging desisyon n'ya. Gusto kong malinawan ang isip, na kahit marinig ko nalang ang tunay na rason kung bakit n'ya iyon nasabi ay kuntento na ako.
"He broke up with you?" tanong n'ya.
Mapait akong ngumiti, "Hindi n'ya daw alam kung talagang minahal n'ya ako."
Hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot mula kay Renz ngunit ramdam ko ang pagyuko n'ya. Narinig ko pa s'yang bumuntong hininga saka naupo sa tabi ko.
"Vrel has no experience in relationships," panimula n'ya saka ko naramdaman ang paglingon n'ya sa akin, "Kaya siguro ganito s'ya ka-tanga mag-desisyon."
Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa paligid na bagaman binabalot ng dilim ay tanaw pa rin ang kagandahan, ang buhangin na pino, at matatayog na puno na bahagyang isinasayaw ng hangin. Ngunit ano man sa mga ito ay hindi nagawang pagaanin ang pakiramdam ko. Nangingibabaw pa rin ang sakit, na hindi ko alam kung kailan ko malilimutan.
"He's really stupid," dinig ko pang mahinang sabi n'ya, "I'm sorry."
"Gusto kong marinig ang rason n'ya," sambit ko, "Kung bakit kailangan n'yang gawin 'yon, kung ano ang rason bakit n'ya 'to ginagawa, gusto kong maintindihan."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Novela JuvenilSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...
![OH MY GHOST [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/286704645-64-k877845.jpg)