Hindi po ako naglalabas ng mahabang chapters dahil na-try ko na 'yan dati, lagpas 5k words and muntik kong hindi ituloy ang story dahil nawawalan ako ng gana sa next chapter. Ewan kung ako lang ba ang gano'n.
'Yung POV ni Vrel darating din tayo d'yan, hindi pa ito ang time for his side dahil kung pagbibigyan ko kayo agad sa POV n'ya, para akong nag-shortcut.
Patience is the susi.
_______________________
SAM'S POV.
Nagising ako ng may kirot sa ulo, saka ko unti-unting naramdaman ang pananakit ng katawan. Mabigat ang mga mata ko, ang katawan ko ay tila pagod bagaman hindi pa ako gumagalaw. Nanatili ang mga tingin ko sa kisame ng ilang segundo, hanggang sa tuloyan kong inangat ang sarili upang maupo.
"Samara, huwag ka munang bumangon," agad na lumapit sa akin si Aling Dalia.
Ipinagtataka ko kung paano ako napunta sa hospital, ang naaalala ko lang ay nakatayo ako sa malakas na buhos ng ulan hanggang sa lapitan ako ni Renz. Nahawakan ko ang sentido nang kumirot iyon, unti-unti kong naramdaman ang sama ng pakiramdam ko.
"Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" tanong sa akin ni Aling Dalia.
Saglit pa akong hindi nakapagsalita, pinakiramdaman ko ang sarili. Tila nanghihina ang lahat ng buto ko sa katawan, mainit rin ang pakiramdam ng mga mata ko. Tiningnan ko si Aling Dalia.
"A-Ayos lang po ako," tugon ko.
Inalalayan n'ya akong sumandal sa headboard ng hospital bed saka s'ya naupo sa gilid ko. Tinitigan pa muna ako ni Aling Dalia, tila inaalam ang nararamdaman ko. Hindi ko kinaya ang lalim ng tingin n'ya sa akin kaya iniwas ko sa kan'ya ang paningin ko.
"Anong nangyari?" mahinahon n'yang tanong.
Hindi ako agad nakapagsalita, kalaunan ay bmuntong hininga ako. Saka ko naalala ang buong nangyari, ang pagkabasa ng buong katawan ko at ang pagtanggi ni Vrel sa ginawa n'yang pagliligtas sa akin. Naalala ko rin kung paano ko s'ya hinabol, kinausap na para bang nagmamakaawa akong maipagtanggol n'ya. Naalala ko rin kung paano ko hinayaan ang sariling nakatayo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
Gusto kong pangiliran ng luha, ngunit pinilit kong hindi iyon ipakita.
"W-Wala po akong payong, kaya nabasa ako ng ulan," hindi ko sinabi ang totoo.
Nang tingnan ko si Aling Dalia ay nakatingin pa rin s'ya sa mga mata ko. Ang mga tingin n'ya ay nagsasabing hindi s'ya kumbinsido sa mga sinabi ko. Ilang saglit lang ay ngumiti s'ya saka bumuntong hininga.
"Ang mga kabataan sa panahon ngayon, napakagaling nang magtago ng emosyon," aniya.
Hindi ako naka-imik, gaya ng inaasahan ay tila may nabasa s'ya sa mga mata ko. Hindi talaga ako makakapagsinungaling sa kan'ya, kung kay Mama ay kaya kong magpalusot, kay Aling Dalia ay hindi iyon tatalab.
"Wala sa payong ang problema, kaya mong tumakbo kung sakaling bumuhos ang ulan. Maraming masisilungan," sambit ni Aling Dalia.
Naiwas ko ang tingin, palaging may punto ang mga sinasabi n'ya. Napayuko ako dahil sa muling pagbigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang makagalaw nang oras na iyon, ang alam ko lang ay sobrang bigat ng pakiramdam ko.
"H-Hindi ko po alam kung paano sasabihin," nakayuko kong sabi, "Ang alam ko lang ay durog na naman ako."
Saglit s'yang natahimik, "Kaya paulit-ulit nadudurog ang isang tao, dahil napakadali lang n'yang durogin," aniya.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...