Nananatiling nasa loob ng ICU ang paningin ko, pinagmamasdan ang katawang tao ni Vrel na ngayon ay tila napakalabong magising. Ayaw kong aminin, ngunit nakakawala ng pagasa ang sitwasyon n'ya. Malalim akong huminga upang waglitin iyon sa isip ko, kailangan kong tatagan ang loob.
"I heard them arguing." kalaunan ay saad ni Vrel, "My Dad wants me to live, I know. Kahit pa hindi n'ya sabihin iyon ng diretso." ngumiti s'ya, "Reika hates me, dahil ako ang humahadlang sa mga gusto n'yang makuha mula sa amin."
Nabigla ako sa narinig, saka ko nilingon ang babae na iyon na sinasabing stepmother ni Vrel. Matangkad ito, halatang bata pa ang edad bagaman alam kong mas matanda ito sa amin ng humigit sampong taon. Kulot ang mahabang buhok nito at nagsusumigaw ang kagandahan, nakakalungkot nga lang at hindi pala maganda ang ugali.
Mukhang pera.
"She wants all of our property, even though she alread got a lot from my Dad." bahagya s'yang natawa saka nagbaba ng tingin, "She is not familiar with contentment."
Nakaramdam ako ng lungkot, kasabay ng inis dahil sa ugali ng stepmother n'ya. Hindi ko alam na mayroon pala talagang ganitong klase ng tao sa mundo. May mga tao pala talagang isinisiksik ang sarili sa sitwasyon na hindi naman talaga nila gusto, handang makasakit ng tao, para sa pera na hindi naman nila pinaghirapan ng husto.
"Ang sama ng ugali n'ya." inis kong sabi saka tumingin sa gawi ng babae.
Hindi sumagot si Vrel, nanatili ang tingin n'ya sa katawan na nasa loob ng room. Habang ako ay hindi parin masikmura ang ugali ng stepmother n'ya. Kung ako ang nasa posisyon ni Vrel at nagising ako sa sitwasyon na 'to, ilalampaso ko talaga ang mukha ng babaeng 'yan sa inidoro.
"She's the reason, kung bakit lumala ng ganito ang kundisyon ko." kwento ni Vrel.
Agad akong napalingon kay Vrel nang sabihin n'ya 'yon, hindi ako nakapagsalita.
"The day I almost fainted dahil sa sakit ng ulo, she bought me to the hospital." ngumiti s'ya, "The Doctor found out na may tumor sa utak ko, pero hindi pa 'yon ganon kalaki noon. The Doctor suggested na i-confine ako for further testing, but she refused." binaling n'ya ang tingin sa babae, "She made me suffer from severe head aches, and never told Dad anything about it."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig, hindi ko mawari kung tao pa ba ang babaeng 'yon o demonyo na nagkatawang tao lang. Nakaramdam ako ng galit, kung pwede lang ay igaganti ko si Vrel sa step mother n'ya. Kung dati ay hindi ako naniniwala sa sugo ng mga demonyo, ngayon ay napaniwala na ako ng babaeng 'to.
Napakasama ng ugali n'ya.
"That tumor stayed inside my brain for three fucking years, during which time I was completely unaware that I was suffering from brain cancer." peke s'yang natawa, "If only she had informed Dad about my condition that day, hindi ako aabot sa ganito."
Hindi ko lubos maisip ang mga ikinuwento ni Vrel, tila lumutang ang isip ko. Halos walang lumabas na salita sa bibig ko bagaman bahagya itong nakabuka, marahil ay dahil sa sobrang pagkagulat. Kung ako ay hindi nasisikmura ang mga naririnig, alam kong triple iyon kay Vrel dahil s'ya ang napahamak.
Walang awa ang babaeng 'yan.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng unit ni Vrel, agad akong nagpunta doon. Nang saglit kong nilingon si Vrel ay bakas ang gulat n'ya habang nakatingin sa akin. Wala na akong ibang pagpipilian, kung hindi ko makakausap ang babaeng ito ay walang mangyayari. Lalo pa't hindi ko naman kilala ang Daddy ni Vrel.
"Bawal po kayo rito." agad na sambit ng Doctor nang makita akong nasa pinto.
"Who is she?" rinig kong tanong ng step mother ni Vrel.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Genç KurguSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...