Chapter 81

6.8K 465 386
                                    

Thank you sa concern ninyo, kaya ako nagu-update tuwing madaling araw dahil madaling araw na ako natatapos sa trabaho. Kaya pagpasensyahan n'yo na, stay safe!
_______________________________

ANDY'S POV.

Hola! Sa wakas ay nakarating na kaming tatlo sa room makalipas ang sampong taon ng paglalakad.

Nakaupo na kaming tatlo habang ang mga kaklase naman namin ay panay harotan. Dahil nga least favorite kami ng University na 'to, ay madalas kaming hindi pinadadalhan ng Professor o Doctor.

Kami lang yata ang college students na parang high school pa rin ang set up. Kami na kase mismo ang nilalapitan ng mga Doctor at Professors imbis na kami ang pupunta sa kanila. Hayahay man pakinggan, ngunit hindi iyon nakakatulong sa amin. Sobrang delikado lalo pa't graduating kami, at ganito ang trato nila sa nursing students.

Ang sabi pa nila sa akin, ay palagi nalang daw surprise ang long tests at midterm exams. Hindi kase ito ipino-post sa page ng School, kung may ipo-post man ay para sa ibang course lang. Wala pa man ay nakakaramdam na ako ng paga-alangan kung makaka-graduate nga ba ako.

"Wala pa rin si Doc?" tanong ng isa sa nga kaklase namin.

"Wala pa rin eh," tugon nila.

Inurong ko ang sarili para mas makalapit kina Zia at Sam na ngayon ay inaayos ang sariling mga gamit.

"Ang laki talaga siguro ng galit ng Dean sa nursing students, 'no?" tanong ko.

Bumuntong hininga si Sam, si Zia naman ay sumang ayon rin agad.

"Sana lang ay maka-graduate tayo," ani Zia.

Si Samara ay hindi kumibo, tahimik lang n'yang inayos ang bag at ang mga laman no'n saka umayos ng upo. Sandali s'yang nanahimik saka kami nilingon.

"Para saan ang invitation na ibinigay ninyo sa akin?" wala sa topic ang tanong n'ya, "Sino sa inyong dalawa ang buntis?"

"Gaga," ani Zia, "S'ya 'yung sinasabi kong nakilala namin noong isang araw."

"Sino?" inosenteng tanong ni Sam saka humarap sa amin, "Buntis s'ya?"

"Oo," ako ang sumagot, "May magpapa-baby shower ba na hindi buntis?"

Nginiwian lang ako ni Samara saka kinuha ang invitation, sinuri n'ya pa itong mabuti. Mukhang sa ilang oras na lumipas ay ngayon n'ya palang ito bubuksan, naka-seal pa kase iyon at halatang hindi pa binubuksan ang ribbon.

"Nand'yan ang name, basahin mo," excited na sambit ni Zia.

Nang mabuksan iyon ni Sam ay binasa n'ya ang mga nakalagay doon. Nagtaka kami nang mag-iba ang ekspresyon ng mukha n'ya, tila nagugulat. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Zia saka muling tiningnan si Sam na ngayon ay nakatitig sa pangalan ni Kalia. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, o baka nagandahan lang s'ya sa design kaya na-shock.

"H-Hindi ko alam kung makakapunta ako," sambit ni Sam kalaunan.

Nagulat ako dahil doon, hindi naman s'ya tumanggi kanina nang ibigay namin ang invitation. Ngayon lang naging kakaiba ang kilos n'ya nang mabuksan iyon. Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang mas magtaka, kung ako ang dahilan at bakit parang nataranta s'ya.

"Ayos ka lang teh?" tanong ko.

Nilingon n'ya ako saka s'ya tumango, "O-Oo, bakit?"

"Bakit parang namumutla ka?" tanong ni Zia, "Magaling ka na ba talaga? Baka pumasok ka na naman kahit hindi pa maayo ang pakiramdam mo?"

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon