Naglalakad parin ako sa hallway ng hospital, maya't-maya ang paghinga ko ng malalim. Sa ilang araw kong paglalakad sa hospital na 'to ay tila kalahati parin ng hospital ang nararating ko. Masyado kase itong malaki, lalo pa't kabilang ito sa tertiary hospitals ng Pilipinas.
Sa sobrang paglutang ng utak ko ay hindi ko namalayang wala na si Vrel sa tabi ko. Nilingon ko ang paligid, ngunit hindi ko s'ya makita. Hindi ko alam kung gaano katagal naglayag ang isip ko kung saan-saan, hindi ko man lang naramdaman ang pag alis n'ya.
Hindi man lang naisipang magpaalam.
Inis akong bumuntong hininga saka naglakad nalang ulit. Simula mamaya ay magsisimula na akong magaral ulit ng calculus, lalo na ang integral na 'yan. Ayaw kong mapahiya ang Nursing department, bagaman alam kong marami ang nangmamalait sa amin. Sa buong University ay kami ang may pinaka kaunting bilang, nagsimulang mabawasan ang bilang ng Nursing students sa SUI noong nagtanim ng galit ang Dean sa departamento namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang galit n'ya sa buong henerasyon ng Nursing students kung wala naman kaming kasalanan sa pangyayaring iyon na nagpahamak sa anak n'ya. Bakit hindi nalang n'ya ipakulong ang mga gumawa non at hindi na kami idamay pa.
Kung si Zia ay maraming ideya, ako naman ay wala ni isa.
Ilang minuto lang ay hindi ko namalayan ang sarili kong naglalakad papasok sa kwarto namin. Ayon na si Zia at nasa akin ang matalas na tingin, agad nalang akong nagpunta sa higaan ko saka naupo.
"Kamusta sa langit?" tanong n'ya.
Nagtaka pa ako sa tanong n'ya, ngunit kalaunan ay naalala ko na langit pala ang isinagot ko kanina nang magtanong s'ya kung saan ako pupunta. Prente nalang akong nahiga, ngayon ko lang naramdaman na masakit ang mga binti ko dahil sa kakalakad.
"Bukas na daw ang contest." sambit ni Zia.
Sa sinabi n'yang 'yon ay agad akong napa-upo. Hindi ko iyon inaasahan, pakiramdam ko ay lalabas ang utak ko dahil sa narinig.
"Pero huwebes pa bukas." kunot-noo kong reaksyon.
"Biyernes na bukas, gaga." aniya.
Tuloy ay mas lalo akong natigilan.
"Ngayon palang ay maghanda ka na, ihihiwalay ka daw ng silid bukas habang nagsasagot."
Mas lalo akong nagulat sa huli n'yang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, kaba ba o inis. Nakalimutan ko na nga na bukas na ang event ay ihihiwalay pa ako ng kwarto para sa pagsasagot. Mas nawawalan ako ng pagasa na maipapasa ko ang calculus na 'yon.
Lord, kunin mo nalang ako.
"Hindi ko yata kaya." kalaunan ay sambit ko.
Nilingon ko si Zia, kunot na ang noo n'ya habang nakatingin sa akon. Inihinto n'ya ang pagsipsip sa yogurt na hawak n'ya saka ako hinarap.
"Kaya mo!" aniya, "Naniniwala ako sa utak mo, kaya mo." dagdag n'ya.
"Iniisip ko palang ay kinakabahan na ako." talagang kinakabahan kong saad.
"'Wag kang kabahan." tugon n'ya, "Ngayon palang ay mag-search ka na." aniya na kinuha pa ang phone ko at ibinigay sa akin.
Buntong hininga nalang ang tanging naisagot ko saka binuksan ang phone ko. Wala na nga talaga siguro akong magagawa kundi ang harapin ang bangungot na 'to. Walang pwedeng tumulong sa akin, wala ni isa. Kung ayaw kong mapahiya at matalo, ay dapat akong maghanda ngayon palang.
"Ito yung mga makakalaban mo." ani Zia habang nakatingin sa phone, "Nag-post sa page ang admin, nandito na rin ang picture mo."
Mas lalo akong nanghihina sa tuwing may sasabihin s'ya tungkol sa mangyayaring event. Kung sana ay pwede akong maglaho bukas at bumalik nalang sa susunod na araw. Naghahalo ang pakiramdam ko, kaba, takot, kahinaan ng loob, at kawalan ng pag-asa. Lahat ng 'yon ay magiging puhonan ko para sa contest na magaganap.
![](https://img.wattpad.com/cover/286704645-288-k877845.jpg)
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
أدب المراهقينSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...