Sa mga sumunod na araw ay naging normal na araw nalang sa School ang lahat. Naisusuot ko na rin ang uniform ko sa ilang araw nang pagbabalik namin sa klase. Sinimulan na rin namin ni Renz ang pagaaral para sa darating na contest, wala pa man ay nakakaramdam na ako ng kaba sa maaaring mangyari. Wala akong lakas ng loob, kaya maliban sa pagaaral ng calculus ay dapat ko ring pagtuonan ng pansin ang kumpyansa ko sa sarili.
Dumiretso ako sa butterfly garden dahil nagusap na kami ni Renz na doon magkikita upang mag-ensayo. Nang makarating ako sa sinasabi n'yang pwesto ay wala pa s'ya doon, naupo na lamang ako. Malawak ang garden at maraming estudyante rin ang namamasyal dito tuwing vacant time o home room nila. Ngayon ay hindi ganoon karami ang mga estudyante dahil isang oras na ang nakalipas pagkatapos ng lunch, kadalasan rin kase ng terror teachers nila ay after lunch ang time.
Ang mga narito lang ngayon ay mga junior high school students at senior high. Bumuntong hininga ako saka pinanuod silang maglakad-lakad at umupo sa malawak na area kung saan nakalatag ang mga manila papers nila upang gawing sapin. Ang garden na ito ay napupuno rin ng mga halaman at bulaklak, ngunit 'di gaya ng pangalan nito ay malimit lamang makakita ng paro-paro sa paligid. Matagal na daw kaseng narito ang garden na 'to, at napakatagal na ring hindi naalagaan.
Sayang.
"I'm late," dinig kong boses ni Renz.
Nang lingonin ko s'ya ay naglalakad na s'ya papunta sa upoan na nasa harap ko. May simentong lamesa doon na naging agwat naming dalawa. Inilapag n'ya ang dalang bag sa lamesa saka kinuha ang makapal na libro mula doon. Halos mapanganga ako sa kapal nito, hinihiling sa isip na sana ay hindi ito ang pagaaralan ko.
"Ito ang kailangan mong aralin," sambit n'ya.
Napapikit ako ng mariin sa sinabi n'yang iyon, kalaunan ay muli lang ring nagmulat saka ngumiti. Kinuha ko iyon nang iabot n'ya sa akin saka binuklat upang simulang basahin.
"Of course, hindi mo lang babasahin 'yan. I still need to teach you, and may mga tasks akong ibibigay sayo to challenge you. But those tasks will given after each lessons," paliwanag n'ya.
Wala pa man ay nanlulumo na ako, parang gusto ko na lamang matulog at huwag nang ituloy ang pagsali sa contest na 'yon. Ayaw ko mang isipin, ngunit hindi ko nararamdaman ang excitement noong turoan ako ni Vrel kumpara sa gagawing pagtuturo ni Renz sa akin ngayon. Pilit kong inalis iyon sa isip, kailangan kong isa-puso ang pagtulong na ito sa akin ni Renz.
"Babasahin ko talaga lahat ng 'to?" tanong ko, tinutukoy ang libro.
"Yup," natawa s'ya, "You need to."
"Ang dami nito," pahina ng pahina kong sambit.
"Nabasa ni Vrel lahat 'yan ng isang araw lang," kalaunan ay saad n'ya.
Agad akong nagangat ng tingin sa kan'ya ng sabihin n'ya iyon, ayaw ko mang pahalata ngunit nabuhayan ng kaunti ang loob ko. Kung kinaya ito ni Vrel sa isang linggo, ay talaga palang kakaiba s'ya. Bahagya akong napangiti saka nagbaba ng tingin sa libro.
"Kinaya n'yang basahin ang 500 pages ng isang araw?" namamangha kong tanong.
"Less than a day, to be exact," ngumiti s'ya, "9 hours?"
Napanganga ako ng tuloyan, "Wow, gano'n s'ya kasipag?"
"He's a bookworm," aniya saka inilabas pa ang ibang libro mula sa dala n'yang bag, "10 books per day, all are academic books."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Fiksi RemajaSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...