Naglalakad na kami ni Zia papunta sa room namin, okupado parin ang isip ko dahil sa mga pinagusapan namin ni Vrel kanina. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi n'ya, Hindi ko lubos akalain na ganoon kagulo ang buhay na meron s'ya.
Nang makapasok kami sa room namin ay nakita kong nandoon ang Nanay ng ilan. Nilingon ko ang kama ko at naroon na rin si Mama na mukhang kanina pa naghihintay. Agad akong lumapit sa kan'ya.
"Ma." nakangiti kong sambit saka naupo sa higaan ko.
Agad n'ya akong nilingon, "Samara, saan ka ba galing?" nagaalala n'yang tanong.
"Sa garden lang naman, Ma." nakangiti kong sagot, "Nagpahangin lang."
"Ikaw kung saan-saan ka nagpupunta, alam mong hindi maganda ang kalagayan ninyo." pangaral n'ya sa akin, "Pinagod mo pa itong si Zia kahahanap sayo." itinuro n'ya si Zia.
Ang bruha naman ay ayon at nakanguso, tila nagpapaawa. Napangiwi nalang ako sa kan'ya nang dilaan n'ya ako.
"Eh s'ya rin naman ang rason bakit ako lumabas, hinahanap ko s'ya." bwelta ko.
"Aba'y ewan ko sa inyong dalawa." ani Mama, "Kung ang iba ay hinahanap ang sarili, kayo naman ay naghahanapan sa isa't-isa." saad n'ya.
Natawa nalang kami, magaan kong isinandal ang likoran ko sa kama. Bumuntong hininga ako nang maalala ulit ang tungkol kay Vrel, ngunit natutuwa rin dahil mukhang pinagkakatiwalaan n'ya na ako. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan n'ya, lalo pa sa sakit na meron s'ya. Kaya kahit ayaw n'ya ay gusto kong mapalapit sa kan'ya, kailangan n'ya ng masasandalan.
Sa unang tingin ay masungit at hindi s'ya ang klase ng tao na maganda pakisamahan. Ngunit kapag nakilala mo s'ya ay kabaliktaran non ang pagkatao n'ya. Matulongin, mabait, at totoo, ilan 'yan sa mga napapansin ko sa kan'ya. At bagaman ipakita n'yang wala s'yang pakealam sa mundo o sa ibang tao, ay hindi kailanman magsisinungaling ang mga mata n'ya. Nakakubli doon ang ang mga bagay na itnatago n'ya sa likod ng masungit n'yang anyo.
Mabuti s'yang tao, sadyang nagsawa lang siguro s'ya sa lupit ng mundo.
Natigil sa paglipad ang isip ko nang may pumasok sa silid namin, tatlong Professors ang narito. Hindi namin batid kung ano ang nais nilang ianunsyo lalo pa't tanghalian na.
"Goodafternoon to everyone, have you eaten?" tanong ng Professor na babae.
"No, Ma'am."
"Wala pong pagkain."
"Hindi pa, po."
Kabilaang tugon ng mga classmate namin. Ang Professor ay napangiti at napatango, agad na tinawag ang kung sino sa labas. Nang makapasok ang kaninang tinatawag nito ay bumungad sa amin ang tatlong cart na sakay ang napakaraming tupperwares na sigurado akong may laman. Nilingon ko si Zia, kagaya ng inaasahan ay nakataas na ang kaliwang kilay n'ya habang nakatingin sa mga 'yon.
"We bought something for you so you can have your lunch." nakangiti nitong anunsyo.
"May lason na naman ba 'yan?"
"Delikado."
"Ayos na ako sa sardinas."
Bulongan ng ilan na alam kong hindi narinig ng mga Professors dahil abala na sila sa paglalabas ng mga tupperwares mula sa cart. Dumating rin ang ilang mga Nurse upang tumulong sa pagbibigay ng mga ito sa amin. Maingat nila itong inabot sa amin, mainit pa ito nang mahawakan ko. Nang silipin ko ang laman non ay napansin kong masarap ang putahe na inihanda nila para sa amin ngayon.
Kanin, fried chicken, menudo, pasta at sandwich, hindi na masama.
Nang matapos nila itong ipamigay ay muling humarap sa amin ang professors, inagaw nito ang atensyon ng lahat kaya muli kaming lumingon sa kan'ya.
"We're well aware that what happened to you the last time was traumatic." saad nito, "But that will never happen again,
we are now taking steps to ensure your protection. Walang lason ang pagkain na 'yan. Iyan ang tanghalian ng mga Professors ninyo, actually." natawa pa ito saka ngumiti.Lahat ay ngumiti rin at nagpasalamat, ilang sandali pa ay lumabas na ang mga Professors dala ang mga cart. Nang makaalis na ang mga ito ay nilingon ko ang lahat, wala ni isa sa kanila ang agad na binuksan ang pagkain na natanggap. Ako naman ay hindi nalang rin muna ito binuksan.
"Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na." sambit ni Mama sa akin.
Nilingon ko si Zia, gaya namin ay hindi pa rin n'ya binubuksan ang hawak na pagkain. Nilingon n'ya rin ako kalaunan.
"Kakainin mo?" tanong ko.
"Oo, kapag nauna kang kumain." tugon n'ya.
"Bakit kailangan ko pang mauna? Pwede namang magsabay nalang tayo." reklamo ko.
"Para siguradong ligtas ako, kapag nangisay ka ay hindi ako kakain." walang konsensya n'yang saad.
Natawa nalang si Mama sa kan'ya, nang lingonin namin ang paligid ay nakita namin na kumakain na ang iba. Wala na akong nagawa kundi buksan rin ang akin lalo pa't may kumukulo't bumubulwak na sa tiyan ko. Kagaya ko ay ayon at binuksan na rin ni Zia ang kan'ya.
Sabay kaming sumubo ng bahagya mula sa mga pagkain na naroon. May kabang dulot sa akin dahil sarap ng lasa non. Nilingon ko si Zia matapos kong lunokin ang akin.
"Duda ako, masarap eh." aniya rin.
"Duda rin ako, malasa." sambit ko rin.
"Hindi naman siguro kayo bibigyan ng mapaklang menudo ng mga 'yon." sabat ni Mama, "Magpasalamat kayo at masarap, sige na't sumubo na kayo." saad n'ya kaya agad na kaming sumubo ulit.
Makalipas ang ilang sandali ay tuloyan kong naubos ang laman non, ang mga kaklase ko ay tila busog na rin. Wala namang kakaiba ang nangyayari sa amin makalipas ang ilang minuto, kaya napanatag ako. Hindi naman na siguro nila iyon uulitin dahil masyado na silang halata kung malalason ulit kami.
Maya-maya lang ay pumasok na ang mga Nurse na nagmo-monitor ng mga gamot namin kada-araw. Ngumiti ang mga ito sa amin, ang isang Nurse naman na hindi na masyadong bata ang hitsura ay natutuwang ngumiti kay Mama at lumapit.
"Kamusta ka na, Alessia?" tanong nito kay Mama.
"Nako, ayos naman." natutuwang tugon ni Mama saka lumingon dito.
"Hindi ka na talaga bumalik sa pagnu-nurse, akala ko pa naman ay magle-leave ka lang ng ilang buwan." nalulungkot nitong sabi.
"Nako, kailangang mag-focus sa pamilya." nakangiting sambit ni Mama.
"Eh si Loren? Kamusta?" pagtukoy n'ya sa Mommy ni Zia.
"Ayos naman." tipid na tugon ni Mama.
"Iniwan ninyo akong dalawa dito." muling sambit ng Nurse.
Hindi ko na sila pinakinggan, nilingon ko nalang si Zia na tila hanggang ngayon ay pinapakiramdaman ang kabusogan. Nakahawak lang s'ya sa tiyan at bahagya itong tinatapik.
"Psst." sitsit ko sa kan'ya.
Nilingon n'ya naman ako saka s'ya umayos ng upo.
"Mukhang wala namang lason, wala akong nararamdaman." saad ko.
"Ako rin." sang ayon n'ya.
Nilingon ko ang mga kaklase ko at mukhang wala rin namang mali sa mga ikinikilos nila. Nakahinga ako ng maluwag saka isinandal ang sarili sa headboard ng hospital bed, hindi ko ito kailangang pihitin paangat at pataas dahil ayos naman ang katawan ko. Bumuntong hininga ako tumitig sa kisame, ayon na naman ang ala-ala ng usapan namin ni Vrel kanina at inuukopa ang isip ko.
___________
next chapter...
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...