[SAMARA'S POV]Nakatingin ako ngayon kay Brynn na naglalakad papasok ng gym, lahat ay nakatingin sa kan'ya. Napakaganda n'ya sa suot n'yang gown, kitang-kita ang hulma ng katawan n'ya. Kulay puti rin iyon na talagang pinaangat ang maputi n'yang balat at ang maganda n'yang balikat.
Hindi ko na lamang itinuon doon ang atensyon ko, nagdesisyon akong mag-banyo kaya agad akong tumayo.
"Samahan mo ako sa rest room," sambit ko kay Zia.
"Ha?" tanong n'ya habang nagsasalin pa ng wine sa baso, "Teka, umiikot pa 'yung tagay."
"Samahan ko muna ako," pagpupumilit ko.
"Mauna ka na muna, susunod agad ako pagkatapos kong maabutan ng baso," aniya saka ibinigay sa kaklase ko ang hawak na baso.
Bumuntong hininga na lamang ako saka s'ya nginiwian, kung makatagay akala mo talagang malalasing dahil sa wine. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, nakababa ang tingin ko dahil napapansin ko ang mga mata ng nadaraanan ko. Hindi ko talaga kinakaya ang hiya sa tuwing nililingon ako ng mga nadaraanan ko.
Ilang minuto lang ay tagumpay akong nakalabas ng gym, agad kong tinahak ang daan patungo sa restroom. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing kaunti lang ang tao doon, may iilan ang nananalamin at umaalis rin agad. Wala naman talaga akong balak magpunta ng banyo, ngunit dahil sa ingay at dami ng tao sa gym ay nagc-crave ako sa katahimikan. Kung pupwede lang ay dito nalang ako magdamag.
Muli ko na lamang tiningnan ang sarili sa salamin, napapangiti akong pinagmasdan ang suot ko. Gustong-gusto ko ang istilo nito, lalo pa ang see-through nitong manggas na hanggang bisig. Nakabuka rin ang hanggang sahig na palda nito, mukha tuloy akong ikakasal sa isang palasyo.
Akalain mong bumagay sa akin 'to.
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga yapak na papasok ng ng banyo. Nakangiti kong inabangan si Zia papasok ngunit agad lang ring nawala ang ngiti ko nang malaman na si Brynn ang parating. Muli na lamang akong umayos ng tayo saka tiningnan ang sarili sa salamin.
"Samara, why are you here?" tanong n'ya.
Pinilit kong gaanan ang pagkakangiti saka s'ya nilingon, "N-Naiingayan lang ako doon kaya umalis muna ako."
Umangat pa ang dalawang kilay n'ya na tila nabigla sa narinig, hawak n'ya ang baso na may laman pang wine. Napapatango s'yang ngumiti sa akin, ayon na naman ang peke n'yang ngiti.
"Why? you should enjoy the party," aniya sa akin.
Napangiti nalang ako saka nag iwas ng tingin, "Yeah, hindi lang talaga ako sanay sa ganoon kaingay."
"Then why did you attend?" tanong n'ya.
Hindi ko malaman ang dapat na maramdaman sa tanong n'yang 'yon. Ngunit dahil ayaw kong magkaroon kami ng alitan o masangkot ako sa gulo ay pinilit ko na lamang na pakalmahin ang sarili.
"Oh, please don't be offended," iniharap n'ya pa ang palad sa akin na tila nagulat rin sa sinabi, "I mean, maingay naman talaga lahat ng party, so you stayed at home nalang sana in the first place."
Kung maaari ko lang talagang ibaon ang hawak n'yang baso sa bibig n'ya ay ginawa ko na. Sanay naman talaga ako sa maingay, pero minsan ay naiirita ako. Kung makapag-desisyon s'ya ay parang pagmamay ari n'ya ang party na ito. Hindi ko na lamang ipinahalata ang inis saka ko s'ya muling nilingon.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Novela JuvenilSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...